Parang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Naghihintay lamang ako na kuhanin ng maligno upang mawala na ako sa harap ni Senator. Ngunit mukhang walang balak na kuhanin ako ng maligno. DAHIL hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa harap ng lalaking sinto-sinto. Nakakunot ang noo ni Senator Ravo Escuder habang nakatingin sa aking mukha. Mayamaya pa’y umalis ito sa aking harapan, nakita kong papalapit ito sa kotse at binuksan ‘yun. May kinuha itong jacket sa loob ng sasakyan. Humakbang itong muli at pumunta sa likuran ko. Doon ko nalaman na inilagay ng lalaki ang jacket sa aking beywang mula sa likod ko upang hindi makita ang dugong tumagos sa short ko. Pinasakay rin ako ng ng lalaki sa kotse niya. Hanggang sa tuluyang patakbuhin para umalis. Ngunit huminto kami sa tapat ng Mini Mar