Kitang-kita kong parang namutla ang doctor lalo na nang mas ilapit ko sa leeg niya ang dulo ng injection na aking hawak-hawak. “Kung para sa high blood ito, gusto kong subukan sa ‘yo, Doctor!” Tangka ko na sanang isasaksak sa leeg nito ang injection nang bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. “Ano’ng nangyayari rito?” galit na tanong ni Daddy at nagpalipat-lipat ang tingin ni Daddy sa amin nina Devon. “Hindi ko alam kung ano’ng problema ng anak mo tito. Ginagamot lang naman ni dorctor si tita Leny. Ngunit kami pa ang masama!” biglang sabi ni Devon. Nabaling ang tingin sa akin ni Daddy. Ngunit hindi ako natakot dahil buhay ng Ina ko ang nakataya rito. Naiinis din ako dahil hindi man lang niya inaalagaan ang aking Mommy. “Leda, bitawan mo ang injection na ‘yan. Doctor siya kaya alam niy