Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ko ang mga tattoo na scorpion sa leeg ng mga lalaki. Bigla tuloy akong kinutuban. Ngunit napansin kong mabilis silang sumugod papalapit sa akin. Kaya naman agad kong inangat ang aking kamay na may hawak na arnis at walang habas kong pinaghahampas sa leeg ng mga kalaban ko. Umangat din ang aking katawan sa ere. Sabay apak sa dalawang balikat ng isang lalaki. At gamit ang aking binti ay basta ko lang pinilipit ang leeg nito. Magkakasunod akong tumambling papunta sa ere lalo at babagsak na ang lalaking pinilit ko ang leeg. Saktong apak ng aking paa sa lupa ay muli kong inangat ang aking kamay na may hawak na arnis. Walang babala kong hinampas sa tagiliran ang isang lalaki. Umikot din ako papunta sa likod niya at inataki ko rin ang likod nito. Ngunit