Ngunit kahit lasing ako ay pinilit ko pa ring kumawala sa lalaking hindi ko naman kilala. Lalo at naramdaman kong inaamoy-amoy pa nito ang aking leeg. Pinalaki ko rin ang aking mga mata upang tingnan kung sino nga ba ang lalaking basta na lang akong hinawakan para amoyin. Ngunit hindi ko talaga maaninag ng maayos ang mukha niya dahil nanlalabo na ang aking paningin.
Ngunit kailangan kong makapunta sa aking kwarto kaya naman walang salita na iniwan ko ang lalaking ‘yun, mabuti na lang at binitawan ako nito. Ngunit aaminin kong mabango ang stranger. Aaminin kong nakakaadik itong amoyin. Ngunit hindi ako puwedeng magpadala sa tukso.
Pagpasok sa aking kwarto ay agad kong ini-lock ang pinto ng aking silid. Mas mabuti na ang nag-iingat lalo at may isang tao kaming kasama rito na ahas. Wala kasi akong tiwala kay Devon. At nang matiyak kong wala na ritong papasok na ibang tao sa silid ko ay agad akong nahiga sa kama. Mayamaya lang ay tuluyan na akong kinain ng kadiliman.
Kinabukasan nagising ako sa ingay sa labas ng bahay. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit hindi na ako makakatulog. Boses pa lang ni Daddy ay nakakarindi na.
Balak ko na sanang pumasok sa loob ng banyo nang marinig ko ang mga katok sa pinto ng aking kwarto. Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo na lumapit sa pintuan para buksan ito.
“Leda anak, bumaba ka na riyan. Dahil sabay-sabay na tayong kakain. May pupuntahan pati tayo. Sa bahay ng family Escuder, kaarawan ni Senator Ravo Escuder, inimbitahan tayo ng pamilya nila, nakakahiya naman kung hindi tayo pupunta roon,” tuloy-tuloy na litanya ni Mommy.
“Mom, hindi na lang ako sasama. Saka, masama ang pakiramdam ko---”
“Hindi ka sasama? Ano na lang ang iisipin ng pamilya Escuder, ha? Na walang pakisama ang magiging asawa ng anak nila? Puwede ka namang uminom ng gamot, Leda!” galit na sabi ni Daddy na biglang sumulpot sa harap namin ni Mommy.
Hindi ko pa nga natapos ang aking sasabihin ngunit agad na itong pinutol ni Daddy. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Hanggang sa tumingin kay Daddy ng seryoso.
“Daddy, hindi pa naman ako pumayag sa kasal na gusto ninyo. Saka, ako pa rin naman ang masusunod. Hindi ninyo ako puwedeng saklawan!” mariing sabi ko at hindi ako natakot sa aking Ama.
Kitang-kita ko namang nanlilisik ang mga mata ni Daddy. Para bang gusto ako nitong kasalin. Siguro kong hindi niya ako anak baka nagawa na nito na sakaling ako.
“Ano’ng gusto mong mangyari sa buhay mo ang maging habang buhay na lang na janitress, ha? Ang tagalinis ng kalat ng ibang tao? Walang-wala ka talaga sa pinsan mong si Devon!” bulalas ni Daddy at may kasamang pang-uuyam.
“Marangal na trabaho ang pagiging janitress, Dad. Kaysa naman hahanap ako ng lalaki na magiging asawa ko, tapos ano, peperahan ko lamang? Mas nanaisin ko pang maghirap kaysa umasa sa ibang tao. Mas maganda siguro kung si Devon na lang ang ipaasawa mo sa kanya. Di ba mabait at masunurin naman siya!” mariing sabi ko sa aking Ama. Kitang-kita ko naman ang galit sa mukha nito.
Ngunit para sa akin ay tama lang naman ang aking sinasabi kay Daddy.
NGUNIT biglang nabaling sa kaliwa ang aking pasngi nang sampling ako ni Daddy. Pero hindi ako dumaing ng sakit. Bagkus ay seryoso pa rin akong tumingin kay Daddy.
“Kahit patayin ninyo ako, Daddy. Hindi ko susundin ang gusto mo. Hindi ko hahayaan na magdusa ako habang buhay---” Muli naman sana akong sasampalin ni Daddy ngunit mabilis itong pinigilan ni Mommy.
“Ano ba, Mauricio. Hindi naman yata tama na sasaktan mo ang anak mo, dahil lang hindi Niya sinunod ang gusto mo? Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa ‘yo! Kaligayahan ng anak mo ang nakataya sa kasal na gusto mo. Ano’ng gusto mo, ha, habang buhay siyang magdusa sa kasal na hindi naman niya gusto!” galit na galit na sabi ni Mommy.
“Kaya tumitigas ang ulo ng anak mo dahil kinakampihan mo pa, Leny!” Sabay talikod ni Daddy. Ngunit ramdam ko ang galit nito sa akin.
Lumingon si Mommy sa akin. Mahigpit akong niyakap. Hanggang sa papasukin na niya ako sa aking kwarto at siya na raw ang bahala kay Daddy. May ngiti sa aking labi na nagpasalamat ako sa aking Ina at tuluyan itong nagpaalam sa akin.
Tiwala naman akong hindi sasaktan ni Daddy ang aking Ina. Dahil alam kong ayaw na ayaw ni Daddy ang nananakit ng asawa. Kahit nag-aaway sila at halos isang linggo na hindi nag-uusap ay hindi naman kaya ni Daddy na tiisin si Mommy.
Nahiga na lamang ako sa kama at nag-isip ng maayos. Para sa akin ay tama lang naman ang aking mga sinabi. Kaligayahan ko ang nakataya oras na mag-asawa ako, lalo at hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko.
Hindi rin ako puwedeng mag-asawa, lalo at may tungkulin pa ako bilang secret weapon ng bansa. Hindi pa ako tapos na kalisin ang mga taong makasalanan. Tangka ko na sanang ipipikit ang aking mga mata nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hanggang sa tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko para buksan ang pinto.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Ate Layza. Hindi naman kami masyadong close nito. Ngunit wala akong naririnig na masasakit na salita rito sa tuwing sinusuway ko si Daddy noon. Kahit ito ay sunod-sunuran din sa akin Ama. Laging ang panakot ni Daddy kay Kuya at Ate ay walang mamanahin kahit singko. Sabagay ‘yun din ang panakot nito sa akin. Ngunit wala akong pakialam kung wala akong mamanahin kay Daddy.
“Leda, pinatatawag ka ni Daddy, may bisita ka,” anas ng aking Ate Layza. Maharan na lamang akong tumango rito. Sinabi ko rin dito na bago ito tumalikod ay susunod na ako.
Nasundan ko na lamang ng tingin si Ate Layza. Masyado silang sunod-sunuran kay Daddy. Takot silang mawalan ng salapi sa bulsa. Hindi katulad ko na sanay talaga sa hirap. Iiling-iling na lamang ako na isinara ang pinto. Napaisip din ako. Sino kaya ang aking bisita? Eh, wala naman akong kaibigan sa lugar na ito? Maliban sa mga kasamahan kong secret weapon ng bansa. Sila talaga ang matatawag kong kaibigan o kasangga ko sa lahat ng misyon ko.
Napairap na lamang ako sa hangin. Pinusod ko lang pataas ang aking buhok. Hindi ko na nga sinuklay ang buhok ko dahil tinatamad ako. Kahit nga pag-toothbrush ay hindi ko ginawa. Hindi ko naman kasi kailangan magpaganda sa bisita ko raw na hindi ko naman kilala. Tumingin pa nga ako sa harap ng salamin. Gusto ko tuloy matawa dahil mukha akong dugyot na babae. So what? Walang basagan ng trip dahil ito ang gusto ko.
Ang nakakatawa pa ay luma na ang aking suot na damit. Tapos may ilang mga butas-butas rin ang suot ko. Mas presko kasing suotin ang mga ganitong damit. Minsan nga lumabas pa ako ng bahay na may punit ang aking damit. Tiyak na sermon na naman ang aabotin ko kay Daddy oras na makita ang aking itsura na parang isang basahan o pulibi. Ngunit hindi ako natatakot sa aking Ama.
Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan. Saktong baba ko ay narinig kong may nag-uusap sa sala. Maingat tuloy akong humakbang para pakinggan kung sino ang kausap ni Daddy.
Ngunit hindi pamilyar sa akin ang boses nila. Kaya naman marahan akong sumilip at nakita ang mukha ng lalaking mapapangasawa ko raw. May isa pang lalaki ngunit hindi ko nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito.
“Layza, pinuntahan mo na ba ang kapatid mo?” narinig kong tanong ni Daddy sa aking ate Layza.
“Pinuntahan ko na si Leda, Daddy. Bababa na rin po siya,” nakayukong sabi ni ate Layza. Magkakasunod muna akong napahinga. HANGGANG sa magdesisyon na akong magpakita kay Daddy. Baka kasi kay Ate magalit ang aking Ama.
Tuloy-tuloy akong humakbang papalapit kay Daddy. Sa isang bakanteng sofa ako naupo. Tumingin ako sa lalaking magiging asawa ko raw. Nakita kong bigla itong yumuko nang makita ako. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Ano’ng tingin nito sa aking isang pangit na nilalang at ayaw na ayaw nitong tingnan? Lasonin ko kaya ito? Para mabalo ka agad ako ng maaga? Umirap na lamang ako sa hangin.
Hanggang sa bumaling ang tingin ko sa isang lalaking malapit lang sa aking tabi. Biglang tumaas ang kilay ko ng makita kong gwapo ito, s**t! Si Papa Senator. Kahit gusto kong kagatin ang ibang labi ko ay nagpigil ako. Lalo at kaharap namin ni Daddy. Pakiwari ko’y nanuyo rin ang aking lalamunan. Iba kasi ito kung makatingin. Umiwas na lamang ako ng tingin dito at ibinaling ko kay Daddy.
“Leda, hindi mo man lang ba babatiin si Senator Ravo? Huwag mong sabihin na hindi mo siya kilala?” tanong ni Daddy sa akin. Bigla tuloy akong napangiwi.
“Sorry po Daddy,” anas ko. Pagkatapos ay tumingin kay Senator Ravo. Medyo yumuko rin ako at binati ko ito. Nakita ko naman inangat nito ang isang kamay upang pakipag shake hands sa akin.
Walang pagdadalawang isip na kinuha ko ang kamay nito. Ngunit ramdam na ramdam ko ang mariing pagpisil ng lalaki sa aking palad. Agad ding binitawan nito ang aking kamay. At muli itong bumaling kay Daddy. Ako naman ay napasandal na lamang sa kinauupuan ko. At naghihintay nang sasabihin nila o pag-uusapan nila.
“Mr. Vega, may date na ba ang kasal ng anak mo at ang aking kapatid? Ang gusto ng aking pamilya ay sa lalong madaling panahon ay maikasal sila,” narinig kong anas ni Senator Ravo.
Biglang nagsalimbayan sa pagtaas ang aking kilay. Sumama rin ang tabas ng aking mukha na tumingin kay Senator Ravo. Hindi na rin ako nakapagpigil ay agad kong ibinuka ang aking bibig. Napatayo rin ako ng wala sa oras.
“Date ng kasal? Nakakatawa naman kayo? Hindi ko akalain na kayo ang magdedesisyon para sa aking pag-aasawa, eh, wala nga akong alam sa kasal na kayo mismo ang nag-isip, kailangan ko bang magdiwang?!” mapang-uyam na sabi ko sa kanila.
“Stop it, Leda!” sigaw ni Daddy sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Tumayo na rin ito para harapin ako.
“Totoo naman ang sinasabi ko, Daddy! Kaya mo lang ba ako pinauwi rito para sa lintik na kasal na iyan---” Ngunit biglang nahinto ang aking sasabihin dahil malakas akong sinampal ni Daddy. Kamuntik pa nga akong matumba ngunit may humawak sa aking beywang. Kahit hindi ko ito tingnan ay alam kong si Senator Ravo ang sumalo sa akin. Ngunit ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo sa gilid ng aking labi. Ngunit hindi ko ‘yun ininda.
“Mr. Vega, mali naman yata ang saktan mo ang iyong anak. Mas mabuti pa siguro kung sa ibang araw na lang kami pumunta rito para mag-usap,” anas ni Senator Ravo. Naramdaman kong medyo pinisil niya ang aking beywang bago alisin ang kamay nito.
Mabilis namang lumapit si Daddy kay Senator Ravo. Narinig kong panay ang hingi ng paumanhin ni Daddy kay Senator Ravo. Iiling-iling na lamang ako na umalis sa harap nila at hindi talaga ako nagpaalam sa kanila. Bahala sila sa buhay nila.
Tuloy-tuloy akong pumanhik sa aking kwarto. Agad ko ring ini-lock ang pinto upang walang nakapasok. Kahit ano’ng mangyari ay hinding-hindi ako magpapakasal. Mahal ko ang pagiging Secret Weapon ko Ng Bansa.
Mukhang tatanda ako rito. Kailangan ko yatang mag-enjoy muna. Nakaka-stress si Daddy. Gusto niya siya ang palaging nasusunod. Ngunit pasensyahan na lamang kami. Dahil hindi ako si Ate at si Kuya.
“Leda anak, buksan mo itong pinto!” Mga katok ni Mommy ang aking narinig mula sa pinto ng aking kwarto. Kung masama akong anak hindi ko sana ito pagbubuksan. Ngunit ayaw kong magtampo sa akin si Mom.
Agad ko na lang binuksan ang pinto para harapin si Mommy. Malungkot akong tumingin dito nang tuluyan ko itong makaharap. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala ni Mommy nang makita ang aking labi.
“Patawarin mo ako, Leda. Kung wala man lang akong magawa,” umiiyak na sabi ni Mommy sa akin. Agad ko namang inalo si Mommy. Labis din akong naaawa rito. Hindi kasi nito alam kung sino ang papanigan nito. Lalo at alam kong mahal nito si Daddy at mahal din niya ako bilang anak.
“Mommy, huwag mo akong alalahanin, dahil kaya ko ang aking sarili. Ako na po ang bahala kay Daddy. Huwag kang ma-stress Mom. Tingnan mo papangit ka na,” natatawang sabi ko.
Napangiti naman ito sa aking tinuran. Hinawakan din nito ang aking kamay.
“Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, anak ko. Kung ano’ng gusto ng puso iyan ang sundin mo, Leda. Susuportahan kita kung saan ka magiging masaya. Ako kasi ang malulungkot ng labis oras na nakikita kitang nagdudusa. Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yun, Leda…” maluha-luhang sabi ng Mommy ko.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa aking mahal na Ina. Labis talaga akong natutuwa dahil nauunawaan ako ni Mommy. Bago umalis si Mommy sa aking harapan ay panay ang bilin na gawin ko ang nararapat. Tumango nang tumango lamang ako sa aking Ina.
Muli kong ini-lock ang pinto. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo para mag-shower. Habang nasa ilalim ng shower ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Subalit biglang pumasok sa utak ako ang gwapo mukha ni Senator Ravo.
Gosh! Ang gwapo talaga niya. Bigla ko tuloy nauntog ang aking noo sa pader. Naiinis ako dahil umabot na ako sa edad kong ito ngayon pa ako nagkaroon ng crush, feeling ko tuloy isa akong batang paslit. At sa isang Senator Ravo Escuder pa talaga na kapatid pa ng lalaking magiging asawa ko? Jusko po, gabayan ninyo ang utak kong mahalay. Hanggang sa muli ko namang inuntog ang aking noo sa pader. Bigla naman akong napangiwi nang maramdaman ko ang sakit. Agad ko ring hinawakan ang aking noo at parang naramdaman kong bumukol ito.
“Ahhh! Nakakainis! Ano bang nangyayari sa akin?” sigaw ko na talaga. At pilit na inaalis sa sistema ko si Senator Ravo Escuder.
Dali-dali na lamang akong naligo. Agad din akong lumabas ng banyo para magbihis. Isang mahabang dress na abot hanggang paa ang suot. Naglagay rin ako ng kaunting lipstick. Ngumiti pa nga ako sa harap ng salamin bago umalis para lumabas ng aking kwarto.
Kasalukuyan akong pababa ng hagdan nang masalubong si Devon. Nakataas ang kilay nito habang sinusuri ako ng tingin. Ngunit ngumisi lamang ako sa babae.
“Pinasasabi ni tito na hindi ka puwedeng lumabas, mahal kong pinsan. Alam mo bang dahil sa ‘yo, kaya sobra siyang napahiya sa pamilya Escuder. Dahil din sa ‘yo, kaya nag-aaway silang mag-asawa. Kahit kailan ay malas talaga ang dala mo sa pamamahay na ‘to!” mapang-uyam na sabi ni Devon sa akin.
Parang gusto ko tuloy humagalpak ng tawa sa mga pinagsasabi nito. Baliw ba siya?