Papa Senator

2613 Words
Ang tawang gustong kumawala sa aking bibig ay tuluya na ngang lumabas hindi ko na talaga mapigilan. Iiling-iling tuloy ako habang nakatingin kay Devon. Nakakaloka talaga ang pinsan ko na ito. Nahihibang na nga siya. “Ipapaalala ko lang sa ‘yo, pinsan. Sino ba ang sampid sa bahay na ito? Baka nakakalimutan mo na ako ang tunay na anak? At Ikaw? Sino ka ba sa akala mo? Pamangkin ka lang naman ni Daddy!” mariing sabi ko at may kasamang pang-uuyam. Kitang-kita ko naman ang galit sa mukha ng babae. “Kadugo pa rin ako ng pamilyang ‘to, Leda. Dahil pamangkin akong tunay ni tito. Kaya huwag na huwag mo akong pagsalitaan ng hindi maganda dahil makakarating lahat ang mga sinabi mo kay tito ko!” Ngunit mas nagulat ako nang bigla na lang itong nagpatihulog sa hagdan. Mabuti na lang at tatlong baitang lang ang nilaglagan ni Devon, kaya alam kong mabubuhay pa ang babae. Gosh! Baliw na nga ang pamangkin ni Daddy. Nakakaloka siya. “Devon! Ano’ng nangyayari sa ‘yo?!” narinig kong sigaw ni Daddy. At tuloy-tuloy rin itong lumapit sa pamangkin niya. May pumasok din na mga tauhan ni Daddy para buhatin si Devon upang dalhin sa hospital ang babae. “Tito, itinutak po ako ni Leda---” Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa tinuran ni Devon. Wala akong narinig na salita aking ama. Ngunit nag-iwan ito nang pagbabanta na tingin bago umalis. Nagkibit balikat na lamang ako nang tuluyang mawala sa aking paningin si Daddy. Saktong baba ko ng hagdan ay nasalubong ko naman si Mommy at nasa mukha nito ang pag-alala. “Leda, ano ba ang nangyari? Totoo bang itinulak mo ang pinsan mo? Makikinig ako anak sa mga sasabihin mo.” “Mom, hindi nga lumapat ang kamay ko sa katawan ng babaeng ‘yun. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para itulak si Devon. Ang babaeng ‘yun talaga ay may sayad, Mommy. Dahil kusa siyang nagpatihulog sa hagdan! Upang ako ang pagbintangan para magalit sa akin si Daddy. Alam na alam naman ninyo na mainit ang dugo noon sa akin!” mariing sabi ko sa aking Ina. Hindi ito nagsalita. Ngunit dali-dali itong lumapit sa akin at nakikita ko ang pag-alala nito para sa akin. “Naniniwala ako sa ‘yo, anak. Ngunit ang inaalala ko ay ang Daddy mo! Sana lang ay lawakan niya ang pang-unawa niya. Kailangang kong makausap ang Dad mo…” bulong ni Mommy sa akin. Ramdam na ramdam ko ang matinding pag-aalala ng aking Ina sa akin. Muli ko na lang hinakawan nang mahigpit ang palad nito upang ipagbigay alam rin na huwag niya akong masyadong alalahanin, dahil kaya naman ang aking sarili. AGAD naman itong nagpaalam sa akin upang sundan si Daddy sa hospital. Kailangan din daw ni Mommy na makausap ng masinsinan si Daddy. Napahinga na lamang ako ng malalim. MEDYO naiinis din ako dahil imbes na nandoon na sana ako sa labas ng bahay para mag-happy-happy ngunit naudlot pa dahil sa maarte kong pinsan na palaging pa-victim. Tila ba aping-apin ito. Balak ko na sanang pumunta sa aking kwarto nang marinig ko ang boses ni Daddy at hinahanap ako. Nagkasalisi yata sila ni Mommy. Dahil kaaalis lamang ni Mommy. Tapos si Daddy ay nandito na. Hindi ako nagtago o pumunta sa aking kwarto. HININTAY ko talaga si Daddy. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang bulto nito. GALIT na GALIT itong nakatingin sa akin. Ngunit wala akong makapang takot sa aking dibdib. Saktong paglapit nito ay agad akong hinakawan sa aking pulsuhan. Mabilis niya akong hinila papasok sa aking kwarto. Marahas akong binitiwan nito nang tuluyan kaming makapasok sa aking silid. “Sumusobra ka na talaga, Leda. Hindi ko alam Kung ano’ng nangyayari sa ‘yo. Pati sariling pinsan mo ay gusto mong ipahamak!” galit na sigaw ni Daddy sa akin. “Wala akong kasalanan sa pamangkin mo, Dad. Ni hindi nga lumapat ang kamay ko sa kanya. Kasa, kusa siyang nagpatihulog sa hagdan. Bakit ako ang sisisihin mo?!” mariing sabi ko kay Daddy. “Dapat lang na ikaw ang sisihin. Dahil ikaw ang kaharap niya nang mahulog siya sa hagdan. At ikaw lang din ang sinasabi niya na nagtulak sa Kanya Leda!” GUSTO ko tuloy matawa dahil sa mga pinagsasabi nito. NAKAKATAWA lang dahil paniwalang-paniwala nito sa kwentong barbero ni Devon. “Hindi ko na po problema Kung hindi ka maniwala sa akin, Daddy. BASTA alam ko sa aking sarili na wala akong sinasaktang tao. Mukhang kailangan mo na ring ipa-check up ang utak ng pamangkin mo, Daddy. May tama na yata sa pag-iisip---” Ngunit isang malakas na sampal ang pinatikim sa aking ni Daddy. Lalo tuloy nagkasugat ang gilid ng aking labi, sapagkat nasampal na rin ako ni Daddy. “Ganiyan ba talaga ang mga natutunan mo sa lunsod. Ang magsalita ng mga hindi katanggap-tanggap, ha, Leda?!” Tumingin ako kay Daddy. Walang kakurap-kurap ang aking mga mata na tumingin sa aking Daddy. “Nagpapakatotoo lang ako, Daddy. Paniwalang-paniwala ka kasi ka agad sa mga kasinungalingan ng mahal mong pamangkin. Kahit patayin mo ako ngayon Dad. Hindi ako aaminin na sinaktan ko siya. Dahil sadyang sinungaling lang si Devon noon at hanggang ngayon!” Muli na naman sana akong sasampalin ni Daddy nang bumukas ang pinto at nagmamadali na pumasok si Mommy. Ubod lakas nitong itinulak si Daddy. Gulat na gulat nga ang aking Ama dahil sa ginawa ni Mommy, galit na galit ito sa aking Ama. Nagulat pa nga akong ng dalawang beses nitong sinampal si Daddy sa pisngi. “Sumusobra ka na, Mauricio. Huwag mong hintayin na layasan kita! Ngayon ay lumabas ka sa kwarto ni Leda!” sigaw na ni Mommy. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Mommy tanda na galit na galit ito kay Daddy. Parang natauhan naman si Daddy. Mukhang natakot sa pagbabanta ng aking Ina. Kaya naman nagmamadali itong umalis sa aking kwarto. Mahigpit naman akong niyakap ng aking Ina. “Pasensya ka na anak kung nahuli ako ng dating. Ayos ka lang ba? Wala na talaga sa tamang katinuan ang Daddy mo!” galit na sabi ng aking Ina. “Hayaan muna, Mommy. Nabigla lang siya dahil galit. Saka, ayos lang naman po ako, Mom. Kaya wala kang dapat na ipag-alala sa akin…” bulong ko sa aking Ina. Nakita kong naluha ito. Pagkatapos ay mahigpit din akong niyakap. Nang medyo okay na si Mommy ay saka naman ito nagpaalam sa akin para lumabas ng kwarto ko. Magpapahinga raw muna siya at baka maalis ang inis niya sa aking Ama. Nang lumabas si Mommy ng aking silid ay nagmamadali akong nahiga sa kama. Nag-isip din ako ng malalim. Mas mabuti pa yatang umalis na lang ako rito. Dahil sa akin ay nagkakagulo na sila. Wala na talaga akong lugar sa bahay na ito. Pati sina mommy at daddy ay nag-aaway na rin dahil sa akin. Hanggang sa nagmamadali akong bumangon. Nagpalit ako ng damit. Pantalon at t-shirt lang ang isinuot ko. Kinuha ko rin ang aking baril at inilagay ko sa aking likuran. Pati sombrero at shades ay agad ko ring isinuot. Nagmamadali rin akong lumabas ng aking kwarto. Ngunit nasalubong ko naman si Ate Layza. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin. “Puwede ba kitang makausap, Leda?” “Sige po, Ate,” sagot ko rito. Agad naman akong sumunod sa aking kapatid at nagpunta kami sa kwarto nito. Unang beses akong nakapasok dito sa loob ng silid ng aking kapatid. Hindi kasi kami close katulad ng ibang nakikita kong magkakapatid. Kahit si Kuya ay hindi rin kami close. Sa totoo lang ay si Mommy lang talaga ang nakakaunawa sa akin. Nang makapasok ako sa silid ni Ate ay hinintay ko ang sasabihin nito. Narinig kong nagbuntonghininga muna ang aking kapatid. Pagkatapos ay tumingin ito ng seryoso sa akin. “Hindi naman sa pinapaalis kita rito, Leda. Siguro naman napapansin mo rin simula nang dumating ka ay nagkakagulo naman ang pamilyang ito. Pati sina mommy at daddy ay nag-aaway na rin dahil sa ‘yo. Huwag ka sanang magalit, ngunit sinasabi ko lang naman ang totoo at nakikita ko. Dahil noong wala ka rito ay okay naman ang pamilyang ito. Tamihik at walang away.” Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Ngunit nagtimpi ako na huwag sumbatan si Ate Layza. “Huwag kang mag-alala, Ate. Dahil aalis na rin ako. Hindi naman talaga ako uuwi rito kung hindi lang ako pinauwi ng magulang natin!” seryosong sabi ko kay Ate Layza. “Hindi ko alam kung ano pang inaarte mo at ayaw mo pang magpakasal kay Aris Escuder. Malaking isda na ‘yun, Leda. Kaysa naman magpakahirap kang maglinis ng kalat ng ibang tao!” mapang-uyam na sabi ni Ate Layza sa akin. Iiling-iling na lamang ako na tumingin sa aking kapatid, iisa lang din pala ang ugali nila ni Daddy. Masyado nilang manamaliit ang pagiging janitress ko. “Mas gugustuhin ko pang maghirap at maging alipin ng ibang tao, dahil alam kong nagkakarook ako ng salapi galing sa pinaghirapan ko. Kaysa sundin ang gusto ninyo o ni Daddy. Hindi ko kailangan ng maraming pera na alam kong hindi ko naman pinaghirapan, Ate Layza!” mariing sabi ko. Nagmamadali na rin akong umalis sa kwarto ng aking kapatid. Hindi ko na ito hinintay na magsalita at baka kung ano pa ang aking masabi. Nagtuloy-tuloy na lamang akong lumabas ng bahay namin. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang may pumasok na kotse sa gate namin. Hinintay kong bumababa ang sakay noon. At nakita kong si Senator Ravo Escuder ang bumababa ng sasakyan. Ano na naman kaya ang dahilan at bumalik pa ito rito. Napansin kong tuloy-tuloy itong lumapit sa akin. Ngunit sa totoo lang ay parang matutumba ako sa klase ng titig nito sa akin. Parang hinahalukay ang buong pagkatao ko. Ngunit hindi ako magpapahalata na apektado sa taglay na kagwapuhan nito. s**t! Sana ay makayanan ko ang titig nito. Gosh! “Ms. Leda Vega, puwede bang maabala kahit saglit lang?” walang kakurap-kurap na tanong niya sa akin. Pasimple muna akong napalunok baka kasi sumabit kapag nagsalita na ako. “Ano’ng dahilan at kailangan mo pa akong abalahin Senator Ravo Escuder? Dahil para sa akin ay wala tayong dapat pag-usapan, tama ba ako?” tanong ko sa lalaki. Ngunit ang isip ko’y nag-uutos na halikan ko na lang si Senator habang wala pang nakakakita na ibang tao. May pagkabaliw rin talaga ang utak ko. Dahil kung ano-ano ang pumapasok sa aking isipan. “Yeah, wala tayong dapat pag-usapan. Ang kapatid kong si Aris ang kakausap sa ‘yo, Ms. Leda. Siguro naman ay pagbibigyan mo siya,” anas nitong habang seryosong nakatingin sa akin. Nag-isip muna ako. Ito na siguro ang tamang pagkakataon upang makausap ko ang lalaking gusto ni Daddy upang maging asawa ko. Marahas muna akong napahinga. “Okay,” maikling sagot ko sa lalaki. Agad naman akong niyayang sumakay ni Mr. Senator. Walang pagdadalawang isip na sumunod ako rito. Tumaas pa nga ang kilay ko dahil pinagbuksan ako niya ng pinto ng kotse. Wow, ha? Gentleman din pala ngunit hindi ko pinahalata na kilig na kilig ang tumbong ko. Agad din naman itong pumasok sa loob ng kotse. At sa ultimong tabi ko siya naupo. May driver kasi itong kasama. Pinilit kong hindi tumingin sa lalaki. Lalo at pakiramdam ko’y nakatingin ito sa akin. Ngunit alam kong malabo itong tumitig sa akin dahil may nobya ito at malapit na ring magpakasal. Hindi rin naman ito nagsalita habang nasa biyahe kami. Pagdating namin sa restaurant na kung saan kami magkikita ng kapatid nito ay hindi na ito bumaba sinabi lang sa akin ni Papa Senator kung saang bahagi ng restaurant na roon ang kapatid nito. Marahan na lamang akong tumango. Ayaw kong magsalita lalo at baka sumabit ako. Tuloy-tuloy akong lumabas ng sasakyan nito. Kahit gusto kong lumingon ay hindi ko ginawa lalo at naramdaman kong nakasunod ang tingin niya sa akin. Pagpasok sa loob ng restaurant ay nakita ko agad ang bulto ng lalaking magiging asawa ko raw. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha nito nang makita akong papalapit sa kanya. Agad din itong tumayo para alalayan ako na makaupo sa bakanteng silya. “Thank you, Ms. Leda, dahil pinaunlakan mo ang request ko na makipag-usap ka sa akin,” anas ng lalaki sa akin. Nais ko sanang sabihin na wala akong choice. Ngunit ayaw ko itong mapahiya. Kung hindi lang gwapo ang kapatid nito, tiyak na mahihirapan sila na mapapayag ako. Matamis na lamang akong ngumiti sa lalaki. Ayaw ko kasing magbitaw ng salita na alam kong makakasakit ako sa damdaming ng ibang tao. “Mr. Aris, puwede ko bang malaman kung ano ang sasabihin mo akin at inabala mo pa ako?” seryosong tanong ko sa lalaki. Narinig kong nagbuntonghininga ito. Pagkatapos ay tumingin sa aking mga mata. “Alam kong ayaw mong magpakasal sa akin. Nauunawaan naman kita, Ms. Leda. Lalo at hindi mo pa ako kilala. Ngunit puwede ba akong mag-request sa ‘yo? Kakapalan ko na talaga ang mukha ko,” nahihiyang anas ni Aris. “Okay, kung kaya kong gawin ang request mo, Mr. Aris, why not?” “Kinausap ko na si Papa at si Kuya Ravo. Kailangan mo na kitang ligawan o suyuin. At huwag munang magtakda ng date. Mahirap kasing pilitin ang isang tao kung ayaw naman nito, ‘di ba? Ayos lang ba kung ligawan muna kita? At kung talagang ayaw mo sa akin ay hindi na kita pipilitin, Ms. Leda. Kahit mga isang buwan lang,” anas ng lalaki sa akin. Hindi ako nagsalita muna, dahil nag-iisip ako kung papayag ba ako? Kailangan ko siyang pagbigyan. Isang buwan lang naman. Kapag umabot ang isang buwan at walang nangyari sa pangliligaw niya sa akin. Saka kami magkakalimutan ni Aris at hindi na itutuloy ang kasal. Ngunit gusto kong makatiyak. “Gusto kong makatiyak na tunay lahat ang mga sinasabi mo, Mr. Aris. Nais kong gumawa ka ng kasulatan natin. At ilagay mo roon na kapag walang nangyari sa pangliligaw mo, walang kasalan ang mangyayari sa atin. At kapag nabighani ako sa ‘yo, tuloy ang kasal. Magkita ulit tayo rito sa restaurant bukas. Upang magpirmahan sa kasulatan.” Sabay tayo ko at tuloy-tuloy na umalis sa harap niya. Bastos mang matatawag ang aking ginawa. Ngunit ayaw ko nang makipag-usap dito. NANG makalabas ng restaurant ay naisipang kong mamasyal sa buong lugar. Matagl na rin akong hindi nakapaglibot-libot. Sa plaza akong unang pumunta. Inayos ko ang sombrero kong suot upang walang makakita sa aking pagmumukha. Napansin kong malaki na ang pinagbago ng lugar na ito. Hindi katulad dati. Ngayon ay puro naglalakihan ang mga bahay at gusali dito sa Sta. Rosal. Mukhang mayayaman na ang mga tao rito. Dati ay kubo-kubo lang at cogon ang mga bubong ng ibang bahay. Ngunit ngayon, nakikita kong asensado na sila. Natutuwa ako dahil ang laki ng binago ng buhay nila. Sa malalim kong pag-iisip nang magring ang cellphone ko na ginagamit sa aking trabaho biglang secret weapon ng bansa. Kahit hindi ko ito tingnan ay alam ko na kung sino ang caller ko. Walang iba kundi si Zach Fuentabella ang nag-iisa kong boss na mas mautak pa sa amin. “Boss, akala ko ba hindi ka muna tatawag dahil bakasyon ko ngayon?” “Ayaw mo ba ng pera, Leda. Sampung milyon ito. Ano ipapasa ko na lang kay Farah---?” “Boss! Hindi ka na mabiro---” Awat ko agad. Ngunit sobrang ganda ng ngiti ng aking labi. Lalo at tumatagingting na Sampung Milyon ang makukuha ko. s**t ang laki! Ngayon pa lang ang gusto ko nang kwentahin kung saan ko gagamitin ang sampung milyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD