Agad akong napaurong. Dahil ano mang oras ay sasakmalin na ako ni Senator. Walang kangiti-ngiti ang tabas ng mukha ng lalaki, habang nakatingin sa akin. Mayamaya pa’y dahan-dahan na itong humakbang papalapit sa akin. “Huwag kang lalapit!” sigaw ko. Ngunit muli kong binago ang aking boses. Baka sakaling maisip niya na hindi ako si Leda. “Hindi mo ako maloloko! Alam kong ikaw si Leda!” At mas lalong binilisan ang paglapit siya sa akin. Kaya naman wala na akong patumpik-tumpik at mabilis akong tumakbo papalayo kay Senator. Hindi niya ako puwedeng mahuli. Lumiko ako papunta sa kabilang daan. Agad akong nagtago sa malaking bato. Napatingin naman ako sa posas na nakalagay sa pulsuhan ko. Agad kong itinutok sa posan ang suot kong singsing. Mayamaya pa’y tuluyan ko na itong naputol. Kailangan