PINILIT kong ikampay ang aking kamay para makapunta ako sa ibabaw ng tubig. Nagmamadali akong lumamgoy papunta sa tabi ng ilog. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Magpapalipas muna ako ng ilang araw bago muling bumalik dito. Nang alam kong walang katao-tao ay nagmamadali na akong naglakad papalayo. Nagdaan ang mahabang oras nang tuluyan akong makarating sa bahay na inuupahan ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng banyo para maligo. Tiniis ko ang sakit ng hita ko. Kinuha ko rin ang bathrobe ko at agad na inilagay sa aking katawan ng makapaligo. Nagmamadali akong lumabas ng banyo para alisin ang bala sa aking hita. Kinuha ko ang mga gagamitin ko. Halos tagaktak ang pawis ko nang maalis ko ang bala sa aking hita at tuluyan ko rin itong tinahi. Bumagsak naman ako sa higaan ko nang ma