NGUMISI

2651 Words
Walang pagdadalawang isip na sumang-ayon ako sa kasong binigay sa akin ni boss Zach. Sinabi nitong may tatlong araw pa raw ako rito sa Sta. Rosal. Magpapadala raw ito sa akin ng mensahe kapag nandito na siya sa bansa upang pag-usapan namin ang tungkol sa aking misyon. Sobrang ganda tuloy ng ngiti ko nang ibaba ko ang aking cellphone. Alam kong mabigat ang hahawakan kong kaso lalo at malaki ang ibabayad sa akin upang lutasin ito. Ngunit kahit ano’ng mangyari ay tatapusin ko ang kaso para makuha ko ang sampung milyong piso. Ilang oras din akong nag-ikot-ikot dito Plaza. Halos nag-aagaw na ang dilim ang iwanag nang magdesisyon akong umuwi. Naglakad ako upang makarating sa sakayan ng tricycle. Ngunit biglang kumunot ang aking noo dahil sa tao na masasalubong ko. Hirap na hirap itong maglakad. Ngunit napansin ko rin na gusto nitong tumakbo ng mabilis ngunit hindi kaya dahil parang may masakit sa kanyang katawan. Madilim din sa nilalakaran nito kaya hindi ko maaninag ang mukha nito. Pera alam kong babae ito. Nang dumaan ito sa may ilaw at doon ko nakitang punit ang damit nito. Bigla tuloy akong kinutuban. Narinig ko rin itong humihiyaw. Kaya pinakinggan ko ng husto. “Tu-long! Maawa kayo, tulungan ninyo ako!” sigaw ng babae habang umiiyak. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko. Bigla rin akong napatingin sa likuran nito at doon ko nakita ang limang lalaki at hinahabol ang kawawang babae. Kaya naman malalaki ang hakbang ko upang salubungin ang babae. “Huwag ka nang tumakbo babae. Lalo ka lang masasaktan, eh. Hindi mo na lang kami pagbigyan. Saka mag-enjoy ka rin naman at iyan ang titiyakin namin sa iyo!” narinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi pinakinggan ng mga lalaki ang pagmamakaawa ng babae. Tuloy-tuloy pa rin itong tumakbo at gusto talagang makawala sa mga humagabol dito. Nakita ko naman na lalong bumilis ang pagtakbo ng limang lalaki. Kaya naman mabilis akong tumambling papalapit sa babae upang salubungin ito. Napansin ko rin na kamuntik na itong matuba. Mabilis akong tumapat sa harapan ng babae, agad ko rin itong sinalo upang hindi tumama ang mukha sa lupa. Nang hawakan ko ang katawan ng babae ay nangingig ito sa takot. Mahigpit din itong yumakap sa akin. “Please! Tulungan mo ako,” umiiyak na sabi ng babae sa akin. Tinapik ko ng tatlong beses ang balikat nito. Pagkatapos ay inayos ko ito ng pagkakatayo. Inalalayan ko itong maupo sa bato at baka tuluyang matumba. “Umalis ka na rito kung ayaw mong pati ikaw ay idamay namin. Huwag masyadong mayabang babae. Baka kung saan ka pulutin!” narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Hindi ako nagsalita. Kahit medyo madilim at tanging tanglaw ay isang ilaw lang na galing sa poste at hindi pa masyadong malinawag ay nakikita ko pa rin ang takot at pangamba sa mukha ng babae. “Dito ka lang, Miss. Huwag na huwag kang aalis dito. Baka mas lalo kang mapahamak---” Mabilis akong umikot papunta sa likuran ko habang nakaumang ang aking kamao. At walang habas kong sinalubong ang isang lalaking balak akong suntukin sa likod ko. Yumuko ako upang hindi matamaan ng kamao nito. Ngunit ubod lakas kong sinuntok ang sukmura ng lalaki. Kitang-kita kong nagulat ang mga kasamahan nito dahil sa aking ginawa. Ngumisi ako sa kanila. Hindi naman nila nakikita ang buong mukha ko. Dahil nakasuot ako ng sombrero. Hindi pa ako nasiyahan, sapagkat inagat ko rin ang aking siko at dalawang beses ko itong siniko sa mukha niya. Hinawakan ko rin ang isang kamay ng lalaki at pinaikot ko sabay bitaw sa kamay nito. Kitang-kita kong tumalsik at tumama ito sa pader. Tumingin naman ako sa apat na lalaki at kitang-kita kong mabilis silang sumugod papalapit sa akin. Agad namang umangat ang aking katawan papunta sa ere. Walang kahirap-hirap na dumaan ako sa ibabaw ng mga ulo nila at tuluyan akong napunta sa likuran nila. Agad akong humarap sa kanila at maliksing kong inangat ang aking kamao at buong lakas ko silang pinagsusuntok sa tagiliran nila. Inangat ko rin ang aking tuhod upang tuhurin ang likod ng isang lalaki. Ngunit napatingin ako sa kaliwa ko dahil nakita kong papalapit sa akin ang isang kalaban ko na sarat ang ilong. Ngumisi muna ako rito. Pagkatapos maliksing din akong tumakbo para salubungin ang si Sarat ang ilong. Mabilis akong umikot at pumunta sa kanan nito. Ngunit mala-ipo-ipo naman sa bilis ang aking kamao at tatlong magkakasunod na suntok sa sikmura nito ang binigay ko. Para tuloy itong buko na bumagsak sa lupa. Lalo at malaki rin ang katawan nito. Hanggang sa mabilis kong Inangat ang aking kamay sabay hawak sa pulsuhan ng taong nasa likod ko lalo at humawak ito sa aking balikat. Maliksi akong humarap dito. Sabay pilipit ko sa pulsuhan ng lalaki. Ingat ko rin ang aking kamay at patagilid kong hinampas sa leeg ng aking kalaban. Kitang-kita kong nanlalaki ang mga mata nito. Ngunit naramdaman kong may tao sa likuran ko at balak akong hampasin ng kahoy. Kaya naman mabilis kong hinawakan ang leeg ng lalaking hinampas ko sa leeg. Pagkatapos ay agad kaming umikot at ito ang inilagay ko sa aking unahan dahil ito ang ginawa kong pananggalang upang hindi ako matamaan ng kahoy. Ngumisi rin ako nang bitawan ko ang lalaking hawak ko. Kitang-kita kong tinamaan ito sa balikat niya ng kahoy na ang may gawa ay ang kasamahan din nito. Maliksi kong kinuha ang aking baril sabay tambing papunta sa kaliwa. Nakatagilid ito sa akin. Hanggang sa itinutok ko sa isang lalaki ang hawak kong baril. Pagkatapos ay walang babala kong kinalabit ang gatilyo ng baril ko. “Ahhhh! ‘yung ilong ko napingasan yata!” Malakas na sigaw ng kalaban ko. Nakakatiyak akong butas ang dulo ilong nito dahil sa balang tumama roon. Muli kong inumang ang aking baril para itutok sa isa pang kalaban ko. Ngunit mabilis itong nagtatakbo papalayo sa akin at iniwan talaga nito ang mga kasamahan. Mayamaya pa’y, isa-isa na silang nagpulasan. Iiling-iling na lamang ako na sinundan ko sila ng tingin. Nang mawala sila sa aking mga mata ay dali-dali akong lumapit sa babae. Mahigpit naman akong niyakap ng babae. Ramdam na ramdam ko ang takot nitong namamahay sa buong katawan nito. “Maraming salamat po. Kung hindi ka dumating baka kung ano na ang gawin nila sa akin.” “Relax ka muna, Miss. Saka, huwag ka nang matakot dahil umalis na sila. Teka, saan ba ang bahay mo at ihahatid na kita.” Lalo naman itong naiyak dahil sa aking sinabi. Hanggang sa tumayo na ito para umuwi. Katulad nang sabi ko ay ihahatid ko ito papauwi sa bahay nila. Nang makarating kami sa tapat ng bahay nito ay agad ko na itong pinapasok sa loob. Gusto pa nga nito na pumasok ako sa loob ng bahay nila upang ipakilala raw sa magulang niya. Ngunit tumanggi na ako lalo at gabi na rin. Nang tuluyang nakapasok sa loob ng bahay ang babae ay agad na rin akong umalis. Naglakad ako papunta sa sasakyan ng tricycle. Ngunit napansin kong halos wala nang tao sa buong paligid. Nakapatay na rin ang mga ilaw sa bahay nila. Mukhang maagang natutulog ang mga tao rito sa Sta. Rosal? Dati naman ay hindi ganito, ha? Ano kayang nangyayari? Pagdating sa sakayan ng tricycle ay napansin kong wala nang mga tricycle rito. Kumunot tuloy ang aking noo. Ano bang nangyayari? Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo dahil maglalakad pa yata ako pauwi sa bahay. Tangka na sana akong hahakbang nang mapansin ko ang isang matanda. Tinatawag ako nito. At parang may nais itong sabihin sa akin. Nagtatago rin ito sa dilim. Walang takot na lumapit ako sa matanda upang alamin kung bakit niya akong ginatawag. Nagulat pa nga ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at dalhin sa likod ng puno na madilim. “Lola, bakit gabi na ay nandito ka pa sa labas ng bahay?” tanong ko sa matanda. Nagsenyas naman ito sa akin na huwag daw akong maingay. Kaya naman tumango na lamang ako rito. “HIJA, bago ka lang ba sa lugar na ito? Wala bang nagsabi sa ‘yo na bawal nang lumabas ang mga tao rito sa Sta. Rosal? Delikado ka oras na makita ka ng---” Ngunit biglang huminto ang matanda sa pagsasalita. Kumunot tuloy ang aking noo. “Lola, ano bang nangyayari sa lugar na ito? Bakit wala ng tao sa kapag ganitong oras? Hindi naman po katulad dati, ah? Kahit nga alas-dose ng gabi may mga tao pa sa labas. May puwede pang masakyan…” bulong ko sa matanda. “Tama ka, hija. Ibang-iba ngayon kumpara noon. Ngayon kasi ay labis na natatakot ang mga tao sa lugar na ito. Simula kasi na may napabalitang asawang sa lugar na ito ay halos wala na ang nagtatambay sa labas ng bahay. Wala na ring mga pulis o mga tanod ang naglalakad sa gabi upang tiyaking ligtas ang mga tao.” ‘’Aswang? Lola, sa panahon ba ngayon ay may aswang pa rin?” Sabay iling ng aking ulo. “Marami nang kababalaghan ang nangyayari sa lugar na ito, hija. Lumapit na rin ang ibang mga tao sa Sta. Malakas. Mas ligtas sila roon dahil tagaroon ang pamilya ni Senator Ravo Escuder…” bulong ulit ng matanda sa akin. Hindi ako nagsalita. Akala ko’y taga rito sa Sta. Rosal sina Senator Ravo Escuder. Sabagay, hindi naman kalayuan ang Sta. Malakas, sa Sta. Rosal. Kaya puwedeng magpabalik-balik ni Senator Ravo o ang pamilya niya rito sa lugar. “Hmmm! Taga Sta. Malakas pala si Senator Ravo Escuder, akala po ay taga rito sa Sta. Rosal.” “May bahay at mga negosyo sila rito sa Sta. Rosal. Ngunit mas naglalagi sila sa Sta. Malakas. Dahil malaki ang lupain nila roon. Sa aking pagkakaalam ay tatlo ang hacienda sila roon. May mga gusali rin sila na pagmamay-ari ng pamilya niya lalo na si Senator Ravo Escuder…” Tumango-tango ako sa matandang kausap ko. Ngunit may nais pa akong itanong dito tungkol sa sinasabi nitong aswang. Sa totoo lang ay hindi ako na iniwawala sa aswang. Umabot na ako sa edad kong 25 years old ngunit wala man lang akong nakikitang aswang sa buong buhay ko. Gosh! “Lola, ‘yung tungkol po sa aswang? Paano po ninyo nasabi na may asawang sa lugar na ito?” tanong ko sa matandang babae. Nakita kong tumingin muna ito sa buong paligid. Pagkatapos ay agad niya akong hinila sa lugar na mas madilim pa. ‘’Sa totoong hija. Mahirap magkwento ng tungkol sa mga nilalang na ‘yun. Dahil ang sabi ng mga ninuno ko noon. Kapag gabi raw ay mga nakatuwad ang mga aswang at ang tainga ay nakadikit sa lupa kaya puwede nilang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga tao. Ngunit nandito na tayo. Sasabihin ko na lang sa ‘yo. Bahala na kung ano’ng mangyari sa akin,” malungkot na sabi ng matandang babae sa akin. Hindi ako nagsalita. Naghintay ako mga sasabihin ng matanda. “Hija, walong buwan na rin mula nang mangyari ang mga pagpatay sa lugar na ito at pinaghihinalaan na aswang ang may gawa. Noong unang mangyari ang pagpatay ay may isang babae ang natagpuan na wala ng buhay. May malaking hiwa sa tiyan. Ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga ay wala na silang lamang loob. Halos gabi-gabi nangyayari ang mga pagpatay. Kaya nagdeklara ang mga opisyal na huwag munang lumabas sa gabi ang mga tao. Pati mga bata ay hindi pinalalampas ng aswang. Kaya sobrang takot na takot ang mga tao rito sa Sta. Rosal,” mahabang salaysay ng matanda. Hindi ako umimik. Para kasing hindi matanggap ng utak ko ang sinasabi ng matanda na may aswang dito sa Sta. Rosal. Nagpanggap na lang akong naniniwala sa kanya. Baka magtapo kasi ito sa akin. Naniniwala ako sa mga pagpatay na mga nangyayari rito sa Sta. Rosal. Ngunit pagdating sa aswang. Parang hindi ako makapaniwala. Nakakaloka naman! Alam kong may iba pang dahilan ang mga p*****n. At hindi ito aswang. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng matanda. Marahan ko ring pinisil ang kamay nito. “Lola, mas mabuti pa siguro kung umuwi na po, lalo at delikado pala sa lugar na ito. Lumalalim na rin po ang gabi at kailangan ko rin pong umuwi, Lola…” bulong ko sa matanda. Agad namang sumang-ayon sa akin ang matanda. Ngunit panay ang bilin nito na mag-iingat ako sa pag-uwi ko. Tumango na lamang ako rito. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong umalis sa harap ng matanda. Habang naglalakad ay hindi maipinta ang aking mukha. Ang sarap tuloy manakal ng aswang daw. Naglalakad tuloy ako ngayon dahil sa balitang may aswang daw sa lugar na ito. Ngunit naniniwala akong walang aswang at isang taong halang ang kaluluwa lang ang may gawa noon. Hindi nagtagal ay nakarating din ako sa tapat ng gate ng bahay namin. Agad akong nag-doorbell. Mayamaya pa’y bumukas angg gate at tumambad sa aking harapan ang security guard. Nagsalubong ang kilay ko dahil nakikita ko sa mukha nito ang pag-aalala. “Ma'am. Leda, bakit ngayon ka lang? Alam ninyo bang bawal nang lumabas ng mga tao kapag gabi na. Delikado po. Saka, kanina pa po nag-aalala sa ‘yo ang Mommy mo,” tuloy-tuloy na litanya ng lalaki sa akin. Napakamot tuloy ako sa aking ulo. Napangiwi rin ako. “Pasensya na po, Manong. Hindi ko rin kasi alam na bawal na pa lang magpagabi sa labas.” Sabay hilot ko sa aking noo. Tumalikod na lamang ako para pumasok sa loob ng bahay. Ngunit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bahay ay nasalubong ko naman si Devon. Galit ang nakikita ko sa mukha ng babae. “Bakit umuwi ka pa? Sana kinain ka na lang ng aswang upang wala ng malas ang dumikit sa bahay na ito!” mapang-uyam na sabi nito sa akin. Tumayo pa nga ito para lumapit sa akin. Napansin kong okay naman ito. Wala ngang galos-galos ang katawan nito. Normal din ang paglalakad nito. Hayop na ito. Dahil sa kabaliwan nito sampal ako ni Daddy. Nag-away rin ang mag-asawa. MARIIN kong ikinuyom ang aking mga kamao. Kaunti na lang talaga at may paglalagyan ito sa akin. “Nalaman kong galit sa ‘yo si Tito at sinampal ka rin pala. Tama lang talaga ang aking plano. Ang galing ko talaga. Dapat talaga sa susunod ay mas galingan ko pa upang tuluyan kang palayasin ni tito Mauricio rito sa bahay. Mag-iigat ka sa mga pagsagot-sagot mo sa akin. Baka abotin ng kalokohan ang utak ko at may gawin ako sa ‘yo na hindi mo magugustuhan at titiyakin kong mapapalayas ka na rito ng tito Mauricio ko!” mangas na sabi ni Devon. Ako naman ay nagkibit balikat at seryosong tumingin sa babae. Bigla rin akong ngumisi. “Ganoon ba? Okay mas maganda siguro kung ako na ang gumawa ng paraan upang tulungan ka na paalisin ako ni Daddy rito sa bahay. Ano game ka ba, pinsan Devon?” “What do you mean?” Malakas muna akong tumawa. Habang nakatingin sa babae. “Simple lang naman ang ggawin ko. Tiyak na parihas tayong masisiyahan, Devon.” Sabay lapit ko sa babae. Mahigpit ko ring hinawakan ang buhok nito. “Teka, ano’ng gagawin mo sa akin, Leda?!” Pilit itong kumawala mula sa pagkakahawak ko. Ngunit hindi ko talaga ito binitawan. “Ano bang sumbong mo kay Daddy? Di ba hinulog kita sa hagdan? Pwes! Gagawin ko na. Para naman may dahilan ang pagsampal sa akin ni Dad. Aba! Hindi naman ako papayag na basta na lang masaktang ng walang dahilan. Ngayon ay bibigyan ko na si Dad ng dahilan para sampalin ako nang paulit-ulit. Halika at doon tayo sa hagdan. Ano’ng mas maganda, sampung baitang ba ang taas? Naku! Tiyak na bali-bali ang buto mo noon, Devon.” At ngumisi pa ako sa aking pinsan. “Baliw ka na talaga, Leda!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD