Pabagsak akong naupo sa papag. Hindi ganito ang balak ko ngayon gabi dahil gusto kong mag-enyoy sapagkat sasabak na naman ako sa misyo ko. Nakakainis naman! Ngunit bigla akong napatingin kay Farah at nakikita kong nakikipag-away na naman ito sa mga nakakulong dito sa loob ng selda. Naku naman! Pasaway talaga ang babaeng ito? Paano pa kami makakalabas dito kung madadagdagan na naman ang kaso namin? Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Ngunit bigla akong napatayo dahil agad kong hinila si Farar papalayo sa mga kaaway nito dahil may papalapit na mga pulis. Agad ko itong pinaupo sa papag na kung saan ako nakaupo kanina lang. Sabay kaming nahiga at para bang walang nangyaring gulo. “Ano’ng nangyari rito? Nag-aaway ba kayo?” narinig kong tanong ng pulis. Hindi kami sumagot ni Leda. Dah