Chapter One

2268 Words
"MUKHANG kumikita na itong maliit mong flower shop, Cecilia ah," sabi sa kaniya ni Maribel nang dalawin siya nito sa flower shop niya. Ito ang ipinundar niya sa perang ibinigay sa kaniya ni Raim dalawang taon na ang nakalilipas. Noong una, pahirapan ang kita, pero habang tumatagal ay lumalaki ang kinikita ni'yon araw-araw. Ibinaba niya ang bouquet na ginawa niya. "Salamat nga sa diyos at kumikita ako kahit na papaano," aniya. "Habang ikaw nagpapaka pagod na magtinda rito, ang pamilya ng tiyahin mo pasarap sa buhay. 'Yung anak nila si Rosa, akala mo anak mayaman. Aba! Daig ka pa kung makapagselpon. Sana all naka Iphone!" "Hindi ko na lang sila iniintindi, Maribel." "Tapos kung pagsalitaan ka pa ng tiyahin mo eh ganu'n na lang. Ewan ko ba sa'yo, Cecilia, bakit ka nagtitiis sa kanila. Kaya mo namang mabuhay ng wala sila." "Pamilya ko pa rin sila, Maribel." "Pamilya nga ba ang turing sa'yo?" Nagbuga siya ng hangin. "Huwag na lang natin sila pag-usapan." Pumalatak ito. "Oo nga pala, kaarawan nung afam ko ngayong araw. Gusto niya mag party sa bahay, pumunta ka ha?" "Sige, dadaan ako roon pagsara ko ng shop mamaya." "Aalis na muna ako. Alam mo na, magpapaganda." Tinanguan niya ito. "Sige, Maribel, kita tayo maya." "Owkie. See yah!" Kibit balikat na ipinagpatuloy Cecilia ang naudlot na paggawa ng bouquet. Habang nag-a-arrange siya ng bulalak ay walang ibang laman ang isip niya kundi ang lalaking naging dahil ng pag-uumpisa niya, si Raim. "Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya?" tanong niya sa sarili. "Sa gwapo niyang iyon, imposibleng wala pa siyang nobya o asawa," sagot naman niya sa sariling katanungan. "Tsaka kung magkakanobya man siya tiyak kasing ganda ni Marian Rivera," sabi pa niya. Mula sa inaayos niyang mga bulaklak, ang mga mata niya ay biglang tumuon sa labas ng flower shop. Natigilan siya nang may matamaang pamilyar na mukha. Nanlalaki ang mga mata niyang lumabas ng flower shop. Mabilis niyang tinawid ang kabilang kalsada para hanapin at habulin ang pamilyar na lalaki, pero hindi na niya ito mahagilap pa. Baka hindi talaga siya 'yun. Kakaisip mo sa kaniya kung anu-ano na ang nakikita mo. Aniya sa sarili. Bagsak ang balikat na bumalik na lang siya sa shop. "Cecilia, may pumuntang lalaki rito bibili ata ng bulaklak kaso wala ka, sayang mukhang madatong pa naman iyon," salubong sa kaniya ni Moneth, ang tindera sa katabing shop pagkabalik niya. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito na pumasok sa loob ng shop. Pabagsak siyang naupo sa upuan. "Siguro hindi na talaga kami magkikita ni Raim. Dalawang taon na ang lumipas, kaya imposible na talagang mangyari iyon," aniya sa hangin. Nagbuga siya ng hangin. Imbis na magmukmuk ay nagpasya na lang siyang tapusin ang ginagawa. Aabalahin na lang niya ang sarili para hindi na palaging maisip si Raim. Pagdating ng hapon halos maubos ang mga paninda niyang bulaklak kaya nagpasya na rin siya na maagang magsara ng shop, makapagligo at makapag-ayos para sa party na pupuntahan niya mamaya. "JOB well done, everyone!" Pagtatapos ng ama niyang si Romano sa naganap na meeting. Nangunguna kasi ang Kingsmart sa lahat ng retail companies sa buong mundo. Nagpatawag ng meeting ang ama niya para sa magaganap na ball party sa susunod na dalawang buwan bilang selebrasyon sa patuloy na pamamayagpag ng Kingsmart sa loob ng pitongpu't dalawang taon. "Congratulations, Chairman!" Bati ni Michel na isa sa empleyado ng kumpanya. "Sa'yo rin, Sir Raim," anito na kinamayan din siya. "Thank you," aniya. Nang tuluyang nakalabas ang mga empleyado ay galit ba inilapag ng kaniya ama ang hawak na papeles sa lamesa. "How come you can't find your brother, Ephraim?!" Inaasahan na niya ito. Inaasahan na rin niya na sa kaniya nito ibubuntong ang lahat ng sisi dahil hindi niya magawang mahanap ang nakakatanda niyang kapatid. Dalawang taon na kasi silang walang balita sa kuya niyang si Ephesian. "Hindi talaga mahahanap ang taong ayaw magpahanap, Chairman," walang emosyong sagot niya. "Nonsense! Ang sabihin mo wala ka talagang planong hanapin ang kapatid mo!" "Chairman, I did everything to find him. Ilang private investigators na ang kinuha ko para mahanap lang siya, pero wala ni sino man sa kanila ang nakahanap kung nasaan si kuya." "Ang sabihin mo, pulpol ang mga private investigator na nakuha mo!" Namumula ang mukha nito sa galit. "I need your brother, Ephraim. Find him or else I will disown you!" Malalaki ang mga hakbang na lumabas ito sa conference room. Maring hinilamos ni Ephraim ang sariling mukha. Lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman niya para sa kapatid. His father is being unfair. Hindi pantay ang pagmamahal na ipinapakita nito sa kanilang dalawa ni Ephesian. Walang kahirap-hirap na nagagawa ng kapatid niya ang lahat ng gustuhin nito habang siya, walang araw na kailangan niyang patunayan ang sarili sa kaniyang ama. Imbis na wala na siyang dapat na ibang problemahin ay nakakaragdag pa ang kapatid niya sa iisipin niya. "Nagtalo na naman ba kayo ni Dad?" si River na pumasok sa conference room. Ito ang nakababata niyang kapatid. "May bago ba dun?" "About, Kuya Ephesian?" Nagbuntong-hininga siya. "It's always about him, River," sarkastiko niyang sagot. Hinawakan siya nito sa balikat. "You know why, don't you? Mahina ang kalusugan ni Kuya Ephesian, kaya hindi mo masisisi si Dad na palaging mag-alala kay kuya, lalo pa ngayon na dalawang taon na tayong walang balita sa kaniya." Naiintindihan naman niya iyon, pero hindi niya maalis sa sarili ang pagkakaroon ng sama ng loob. Kung minsan iniisip na lang niya na sana nagkapalit na lang sila ng katayuan ng kapatid niya. "Hindi sapat 'yun para gawin na lang niya kung ano ang naisin niya. He's not the only one have weakness, River. I have too. Pero hindi ko ginagamit iyon para samantalahin ang lahat! But I will never like him." Tumayo siya at walang paalam na basta na lang iniwan ang kapatid. Dumiretso siya sa pribado niyang opisina at agad na tinawagan ang isa sa mga kinuha niyang private investigator. "Balita?" agad na tanong niya pagkasagot nito sa tawag. "Nakakuha na ho ako ng lead, Mr. Verdadero. Pero muli na naman ho lumipat ng mauupaham ang kapatid mo," anito. Galit na nahampas niya ang lamesa. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng pera ang kapatid niya at kung bakit hindi ito nauubusan ng perang pinanggagastos? Hindi na nito ginagamit ang credit kaya hindi na nila ito magawang matunton. "Do everything you can to find him," sabi niya rito. "I will, Mr. Verdadero." GINABI na nang maka-uwi si Cecilia galing sa bahay ni Maribel. Tinulungan niya pa kasi ito magligpit ng ilang kalat bago niya ito iniwanan. Nang masusian niya ang seradura ay walang ingay niyang tinulak ang pinto pabukas. Tiyak kasing natutulog na ang mga kasama niya sa bahay. Bumaba ang tingin niya sa bill ng kuryente at tubig na nasa ibabaw ng center table. Kinuha niya iyon at pagkatapos ay tiningnan kung magkano ang mga iyon. "Mukhang ginabi ka ata ngayon ah, Cecilia." Napatingin siya sa kaniyang likuran. Ang tiyuhin niyang si Berting na lumabas mula sa kwarto ng mga ito. Halatang lasing ito dahil amoy niya ang amoy ng alak na nagmumula sa katawan nito. "Oho, Tiyo. Galing ho kasi ako kila Maribel, may konting handaan," sagot niya. Ang mga mata nito ay bumaba sa kaniyang dibdib at sa ibabang bahahi pa ng kaniyang katawan, kaya nakaramdam siya ng pagkaasiwa. Tumikhim siya. "Sige ho, Tiyo, matutulog na rin ho ako," paalam na niya rito. Pero bago pa siya tuluyang makaalis ay pinigilan siya nito sa braso at sapilitang hinila papasok sa loob ng banyo. "Tiyo—" Ikinalso nito ang likuran niya sa pader. "Alam mo bang nakakaakit ang iyong kagandahan, Cecilia? Araw-araw kitang pinagpapantasyahan." Nagtaasan ang balahibo niya sa pandidiri dahil sa sinabi nito. Noon pa man ay napapansin na niya ang makahulugan nitong mga tingin sa kaniya, pero hindi lang niya iyon binibigyan ng pansin. "T-Tiyo, baka ho magising si Tiya. Bitawan ninyo na ho ako." Nanlaki ang mga mata niya nang dumapo ang ilong nito sa leeg niya at umamoy-amoy doon. Tinulak niya ito palayo, pero hinuli nito ang mga kamay niya at marahas na itinaas sa kaniyang ulunan. "Handa ko silang iwan para sa'yo, sumama ka lang sa akin, Cecilia," anas nito. Patuloy siyang nagpumiglas. "Hinding-hindi ako sasama sa'yo, kaya bitiwan mo na ako bago pa ako sumigaw at malaman ni Tiya itong ginagawa mo!" "Sa tingin mo ba ikaw ang mas paniniwalaan niya? Mahal ako ni Guada kaya ako ang mas paniniwalaan niya hindi ang isang katulad mong sampid lang sa pamamahay na ito." Lalo siyang naalarma nang maramdaman niya ang kamay nito na humaplos sa hita niya. Nagpumiglas siya at pilit na nanlaban, pero higit itong mas malakas sa kaniya. "Bitiwan mo sabi ako!" Malakas niya itong tinulak palayo pero mas malakas ito. "Piliin mo ako, Cecilia. Sumama ka na sa akin at iwan na natin sila." "Hindi ako sasama sa'yo!" Malakas niyang tinuhod ang p*********i nito dahilan para makawala siya sa paglahawak nito. Malakas niya itong tinulak at dali-dali siyang lumabas sa banyo. Natigilan siya nang mabungaran ang tiyahin niya sa sala at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya. "Cecilia—Guada?" "Anong ibig-sabihin nito, Berting?" Nanginginig ang mga kamay ng Tiyuhin niya na dinuro siya nito. "Inakit ako ng babaeng 'yan! Gumagamit ako ng banyo nang pasukin niya ako rito." "Sinungaling! Hindi totoo iyan!" Humarap siya sa kaniyang tiyahin. "Tiya, hindi po totoo ang sinasabi niya. Siya ho ang basta nalang humi—" Malakas siyang sinampal ng tiyahin dahilan para hindi na niya matuloy ang iba pang sasabihin. "Pagkatapos kitang tanggapin sa pamamahay ko at palamunin, ito pa ang igaganti mo sa akin?!" "Tiya, hindi po. Pinagtangkaan po niya akong gahasain—" "Tumigil ka! Walang hiya ka talaga!" Hinablot nito ang buhok niya. "Wala kang utang na loob! Pasalamat ka pa nga kinupkop pa kita kahit hindi ka naman tunay na anak nila Fernan at Miranda!" Natigilan siya sa sinabi nito at hindi makapaniwalang tinitigan ito. "A-ano ho?" "Oo, hindi ka tunay na anak ng kinilala mong mga magulang! Ngayon alam mo na, kaya wala ng dahilan para manatili ka pa rito sa pamamahay ko!" Kinaladkad siya nito mula sa buhok palabas ng bahay. "Berting, kunin mo ang mga damit niya!" utos nito sa asawa. "Tiya." Hinawakan niya ito sa magkabila nitong mga kamay. "Hindi ho totoo 'yung mga sinabi mo diba? Nasabi ninyo lang ho iyon dahil galit kayo." Galit nitong inagaw ang mga kamay mula sa pagkakahawak niya at malakas siya nitong tinulak palayo. "Totoo ang mga sinabi ko! Hindi ka ba nagtataka kung bakit malayo ang loob ko sa'yo? Kasi ampon ka lang!" Doon bumalik ang tiyuhin niya dala na ang mga damit niya. Kinuha ng tiyahin niya ang mga damit at ibinato lahat sa kaniya, kaya nagkalat ang mga iyon sa daan. "Lumayas ka at huwag ka ng babalik pa!" sabi nito at malakas na sinara ang pintuan. Isa-isa niyang dinampot ang mga damit niya. Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa nalaman mula sa tiyahin niya. Hindi niya alam kung may katotohanan ba iyon o nasabi lang nito ang bagay na iyon dahil sa galit. Dala ang mga damit na nagpalakad-lakad siya at hindi alam kung saan na siya dinadala ng kaniyang mga paa. Napatingin siya sa kaniyang harapan nang makarinig ng tawanan. Nasa harapan siya ng bar kung saan siya nagtrabaho dati. Lalo siyang naiyak nang maalala ang lalaking tumulong sa kaniya noon. Darating kaya ulit ito ngayon para tulungan ulit siya? "Hi, miss. Mukhang pinalayas ka sa inyo. Wala ka matutuluyan? Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo?" Hindi siya nakapagsalita nang hawakan siya nito sa braso at hinila. Masyadong lutang ang isipan niya para makapag-isip ng tama. Nang isasakay na siya ng lalaki sa sasakyang nito nang may isang kamay ang pumigil sa braso niya. "Raim?" Anas niya nang makita niya ang mukha nito. Kunot ang noong tinitigan siya nito. Nang matitigan niya ito, doon niya napagtanto na hindi ito ang lalaking nakilala niya dalawang taon, kundi kamukha lang nito. Kayumanggi ang kulay ni Raim habang ito ay maputi. "Anong problema mo?" galit na tanong ng lalaking nagtangkang isama siya. "Miss, do you know him?" tanong nito sa kaiya imbis na sagutin ang tanong ng lalaki. Tiningnan niya ang lalaki at marahan siyang umiling. Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "Hindi siya sasama sa'yo," mariing sabi ng kamukha ni Raim. "Huwag ka ngang mangialam dito!" "Kung ipagpipilitan mong isama ang babaeng ito, ngayon pa lang tatawag na ako ng pulis para ipakulong ka," anito na itinaas ang hawak na cellphone. "Bwisit!" Sinara nito ang pinto at sumakay na sa driver seat at pagkatapos ay pinaharurot nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon. "Are you okay?" maya'y tanong sa kaniya ng lalaki. Marahan siyang umiling bilang sagot. "Anong nangyari sa'yo? Bakit dala mo ang mga damit mo?" "Muntik na akong mapagsamantalaham ng tiyuhin ko, pero sa akin nagalit ang tiyahin ko kaya pinalayas niya ako," aniya at muling pumatak ang mga luha niya. Nagbuntong hininga ito. "May matutuluyan ka na ba?" Muli siyang umiling. "Siguro doon na lang ako sa flower shop tutuloy. Iyung pera ko kasi naiwan sa bahay ng tiyahin ko, tiyak hindi na nila iyon ibibigay sa akin." Muli itong nagbuntong hininga. "If you want sumama ka sa akin, pwede kitang isama sa bahay ko at patuluyin pansamantala." Tinitigan niya ito at pinag-aral ang mukha nito. Wala naman siyang nararamdaman na kahit na anong panganib mula rito. "Do you trust me? Promise I won't hurt you." Tipid niya itong nginitian at marahan na tumango. "I trust you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD