Chapter Two

2458 Words
NAGPUPUNGAS na nagising si Cecilia kinaumagahan. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng maayos na tulog. Nang masipat ang buong paligid ng kwarto, doon niya naalala na sa bahay ni Ephesian siya natulog. Umalis siya sa ibabaw ng kama, pagkakuwan ay inayos niya iyon bago pumasok sa loob ng banyo para maghilamos. At pagkatapos ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto. Ang gwapong mukha ni Ephesian ang sumalubong sa kaniya. Matamis siya nitong nginitian pagkakita nito sa kaniya. "Eksakto ang gising mo, tapos ko nang lutuin itong almusal natin. Come on, join me," anyaya nito sa kaniya. Kagat ang ibabang labi na lumapit siya rito. Pinaghila pa siya nito ng upuan at inalalayang maupo. "Kumusta ang tulog mo?" tanong nito habang nilalagyan ng kanin ang plato niya. "Ayos naman. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito Ephesian." "Just call me Ephi. Masyadong mahaba kung buong pangalan ko pa ang babanggitin mo. Anyway, you're welcome. Dig in." Hindi niya mapigilan na titigan ito. Talagang kamukhang-kamukha nito si Raim. "May dumi ba sa mukha ko?" kunot ang noong tanong nito. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin. "Pasensya na. Kamukha mo kasi 'yung nakilala ko." "Nakilala mo?" Nagtaas siya ng tingin dito at marahan na tumango. "His name is Raim, am I right? Well, binanggit mo ang pangalan niya the moment you saw me." "Ahh... Pasensiya na. Magkamukha kasi talaga kayo. Kayumangi lang ang kulay niya at mayroon siyang nunal dito." Tinuro niya ang gilid ng baba niya. "If you don't mind. Did you know his full name?" Marahan siyang umiling. "Raim lang ang binigay niyang pangalan." "How did you met him?" "Umh..." "Oh, you don't have to answer it. I'm just curious, that's all." "Hindi, ayos lang. Nakilala ko siya sa bar dalawang taon na ang nakalilipas. Nang malaman niyang pinilit lang ako ng tiyahin kong magtrabaho dun, binigyan niya ako ng malaking halagang pera para makapagnegosyo at iyon 'yung flower shop ang naipundar ko. Mula noon hindi ko na siya nakita." "Kung ganu'n, napakabuti niyang tao." Hindi niya mapigilang mapangiti. "Hinihiling ko nga na sana muli kaming magkita para man lang makapagpasalamat ulit sa naitulong niya sa akin." Hinawakan siya nito sa kamay. "Don't worry, it will happen." "Magdilang-anghel ka sana, Ephi." "Anyway, ano na ang plano mo ngayon? Gusto mo bang samahan kita sa prisinto para ireklamo ang tiyuhin mo?" Mabilis na umiling si Cecilia. "Masama ang loob ko sa kaniya, pero kung gagawin ko iyon, paano na sila Tiya at ang pinsan ko kung makukulong si Tiyo Berting? Siya lang kasi ang nagtatrabaho para sa kanila." "Napakabuti mong tao, Cecilia." "Pamilya ko pa rin naman sila, Ephi." Nagbuntong-hininga ito. "Are you going back to them?" Marahan siyang umiling. "Ayoko ng bumalik pa dun. Isa pa..." napahinto siya at hindi mapigilang kumawala ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Cecilia," "Nalaman ko kasi na hindi ko sila tunay na pamilya. Ayaw nila sa akin, kaya bakit pa ako babalik sa kanila?" "I understand. If you want, you can work with me habang mina-manage mo ang flower shop mo." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Bakit ang buti mo sa akin, Ephi?" Nagkibit ito ng balikat. "Kasi alam kong mabuti kang tao, Cecilia. Isa pa, kailangan ko ng makakasama. Sasaya ako kung tatanggapin mo ang alok ko sa'yo." "Kung walamg problema sa'yo, malugod ko iyang tatanggapin." "That's good to hear. Una, ipapa-blotter natin ang tiyuhin mo para mas ligtas ang siguridad mo. Pangalawa, hahanapan ko ng bagong pwesto ang flower shop mo. Nasisiguro ko kasing babalik-balikan ka ng tiyuhin mo roon." "Sige kung iyan ang makabubuti, gawin natin." Nginitian siya nito. "Let's eat." Pagkatapos nilang kumain at maligo ay agad nga silang nagtungo sa pulis para ipa-blotter ang Tiyo Berting niya. Pakatapos ay tulad ng sinabi ni Ephesian ay humanap sila ng bagong pwesto na lilipatan ng flower shop niya. Makalipas ang tatlong araw ay mabilis na nailipat ng bagong pwesto ang flower shop. Araw-araw siyang hinahatid at sinusundo ni Ephesian, kumakain sa labas o hindi kaya nagluluto ito ng masarap na pagkaing pagsasaluhan nila. Ang araw ay tila naging mabilis para kay Cecilia. Mag-iisang taon na silang nagsasama sa iisang bubong at sa loob ng mga buwang iyon ay hindi man lang nagbago ng pakikitungo sa kaniya ang binata. Pero sa bawat araw na kasama niya ang binata, napapansin niya na tila nagiging sakitin ito. Palaging inuubo at nanghihina, pero sa tuwing nakatingin siya ipinaoakita nito sa kaniya na malakas siya. Minsan, isang gabi nagising siya dahil sa grabe ang ubo nito. Naabutan niya ang isang doktor na lumabas mula sa kwarto nito. Pakiramdam niya mayroon itong hindi sinasabi sa kaniya na dapat niyang malaman. Kinabukasan, gumising si Cecilia ng ala-siyete ng umaga para magluto ng umagahan. Tulad ng mga lumipas na araw ay nasa kwarto lang si Ephesian at maghapon lang nakahiga sa kama. Pagkatapos niyang magluto ng lugaw ay dinala niya iyon sa kwarto ng binata. Hindi niya mapigilang mag-alala nang makita ang kalagayan nito. Napansin niya na bahagyang bumagsak ang pangangatawan nito, nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito at tuyot na namumutla rin ang mga labi nito. Inilapag niya nag tray sa ibabaw ng bedside table at naupo sa upuan na nasa tabi ng kama nito. "Ephi, pinagluto kita ng lugaw. Kain ka muna para makainom ka ng gamot mo," gising niya rito. Marahan itong nagmulat ng mga mata. "I'm not hungry," anas nito. Tipid niya itong nginitian. "Hindi pwedeng hindi ka kakain. Kagabi konti lang din ang nakain mo, paano ka gagaling kung di mo pipiliting kumain?" Umubo ito at mapait na ngumiti. "Cecilia, gagawin ko ang lahat para malagay ka sa mabuti." "Ano ba iyang sinasabi mo, Ephi? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" kinakabahang tanong niya. Pumikit ito at marahan na muling nagmulat ng mga mata. "I have stage four lung cancer." Bigla siyang nanghina sa narinig. Ang mga luha niya ay isa-isang nag-uunahang kumawala sa kaniyang mga mata. "Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "I was diagnosed stage 2 lung cancer the day I met you. Is too quick isn't it? Hindi ko sinabi kasi ayokong maging alalahanin sa'yo." "Natural na mag-aalala ako dahil kaibigan kita. Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala ngayong nalaman ko na?" iyak niya. Bahagya itong natawa. "Yeah, I'm your friend..." Nakita niya ang pait sa mga mukha nito. Hindi niya alam kung para saan ang kalungkutan na nakikita niya ngayon sa mga mata nito. "I like you, Cecilia," anas nito na nagpabilis sa pagtahip ng puso niya. Hinawakan niya ito sa kamay. "Gusto rin kita, Ephi," puno ng sinsiridad na sagot niya. Mabait at magalang na lalaki si Ephesian kaya hindi mahirap na magustuhan ito. Ang mga katangian ng binata ang hinihiling ng halos lahat ng mga kababaihan. Kaya nang sabihin niyang gusto rin niya ito ay bukal at talagang nanggaling sa kaniyang puso. Muling naubo ang binata. "No. I love you, Cecilia." Hindi niya magawang sagutin ang sinabi nito. Mahal niya ang binata, pero hindi sa paraan ng pagmamahal niya rito bilang isang kaibigan. "Ephi..." "You don't have to answer it. Malakas lang ang loob kong sabihin iyan sa'yo dahil alam kong hindi na rin ako magtatagal," sabi nito, pagkakuwa'y pagak na natawa. "Cecilia, I want to change your life." "Okay naman na ako eh." "No. Gusto kong mabago at mapabuti ang buhay mo. In that way, masaya akong mawawala sa mundong ito." "Ano ba iyang sinasabi mo Ephi. Hindi ka pa mawawala, okay?" aniya na patuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha. Sinapo nito ang kaliwang pisngi niya. "Listen to me. Ayokong bumalik ka pa sa pamilya mo at ayokong bumalik ka sa dati mong buhay. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng magandang buhay dahil deserve mo iyon. Pumayag ka at sumangayon ka lang sa gusto kong mangyari." "A-anong ibig mong sabihin?" "I will talk to dad at ihahabilin kita sa kaniya." "I don't understand." Tipis na ngiti lang ang ibinigay nitong sagot sa kaniya. Muli ito g naubo at laking gimbal niya nang may dugong lumabas mula sa bibig nito. "Ephi!" Tumayo siya, natataranta at hindi alam kung ano ang gagawin. "C-call doctor Ferrer," hirap nitong sabi. "O-okay." Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang cellphone mula sa tabi ng unan nito at agad na tinawagan ang nasabing doctor. "C-call... Call dad too," muling sabi nito habang wala itong humpay sa pag-ubo at tila nahihirapan nang huminga. "A-ang daddy mo? Sige tatawagan ko. Ano ba ang pangalan niya rito—n-nakita ko na." Halos nanginginig ang buo niyang katawan pati na ang boses niya nang makausap niya ang ama nito at ibigay ang lokasyon nila. "P-papunta na raw sila rito." "Salamat." Tumaas ang kamay nito at alam niyang gusto nito g abutin niya iyon, kaya agad niya iyong hinawakan. "Just stay here with me, until they come. Promise me you won't live me, Cecilia." "Hindi kita iiwan, basta magpagaling ka, okay?" Pumikit ito at tipid lang siyang nginitian. NASA sala lang si Cecilia habang naghihintay. Nasa loob ng kwarto ang ama at ang doktor ni Ephesian, habang ang kapatid na babae nito ay kasama niyang nasa sala habang naghihitay din sa paglabas ng dalawa. "Hi! What is your name?" putol nito sa katahimikan. "Cecilia," sagot niya. "I'm River. Kuya Ephesian's younger sister. Anyway, are you Kuya Ephi's girlfriend?" Saglit siyang napatingin dito dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isagot. Kung sasabihin niyang hindi, ano na lang ang iisipin ng mga ito kung bakit siya nandito sa bahay ng binata? Sasagutin na niya sana ito nang tumunog ang doorbell. "Ako na, siguradong si Kuya Ephraim ang dumating," presinta nito at daling binuksan ang pinto ng condo ni Ephesian. "Where's Kuya Ephesian?" Narinig niyang tanong ng bagong dating. "Nasa kwarto. Nandoon din si Dad at ang doktor ni Kuya," agad na sagot ni River. "Anyway... Cecilia, This is my brother Ephraim." Bumaling siya ng tingin sa mga ito. At nang makita niya ang mukha ng lalaki ay dahan-dahan siyang napatayo. Paanong hindi siya magugulat? Ito lang naman ang lalaking tumulong sa kaniya dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi rin siya makapaniwala na ang lalaking si Raim na nakilala niya noon ay kapatid pala ni Ephesian, kaya pala magkamukha ang mga ito. Nangunot naman ang noo ni Ephraim pagkakita sa kaniya. "Kuya, si Cecilia, ang girlfriend ni Kuya Ephi," pagpapakilala ni River sa kaniya. Lahat sila ay nabaling ang tingin sa pintuan ng kwarto ni Ephesian nang bumukas iyon at lumabas mula roon ang ama at doktor ng binata. "How's Kuya Ephesian?" tanong ni Ephraim sa ama. Nanghihinang naupo ang ama ni Ephesian. Kita ni Cecilia ang sakit sa mga mata nito. "Nakabitan ko na siya ng dextrose at oxygen, I suggested to him to taking him to the hospital but he refused," sagot ni doctor Ferrer. "Hospital? Wait, what happened to him?" naguguluhang tanong ni Raim. "Ephesian has stage four cancer," ang ama ni Ephesian ang sumagot. "What?!" duet ng magkapatid na River at Ephraim. "When did you find out kuya had cancer?" tanong ni Ephraim sa doctor. "Two months ago na-diagnosed na merong siyang stage two cancer. Sinabi kong mag-undergo siya sa chemotherapy, pero ayaw niya," si doctor Ferrer ang sumagot. "And you let that happen?" galit na baling sa kaniya ni Ephraim. "H-hindi ko rin alam." "Hindi mo alam? Anong klase kang nobya kung hindi mo alam ang nagyayari sa nobyo mo?!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "Kanina ko lang din nalaman. At akala mo ba gusto kong mangyari iyan sa kaniya? Masakit din para sa akin na makita siyang nahihirapan!" "Raim, walang kasalanan si Cecilia. Mas pinili ng kapatid mo na ilihim sa lahat ang sakit niya," sabat ng ama nito. "Paano na si Kuya Ephi, Dad?" si River na naiiyak na rin. Marahas na nagbuntong hininga ang ama ni Ephesian na para bang nandoon lahat ng bigat na nararamdaman. "Ilang beses ko siyang pinilit na dalhin sa hospital, pero ayaw niya talaga. Hintayin na lang daw matapos ang mga huling sandali niya. He wants us to stay here until his last breath." Natutop ni River ang bibig. Niyakap ito ng ama at doon napahagulhol. "Sinabi niya na gusto na niyang makasama si ang inyong ina," dagdagpa ng ama ni Ephesian. "River, gusto ka raw makausap ni Ephesian," maya'y sabi ni doctor Ferrer. Humihikbing pumasok ito sa loob ng kwarto. Tumagal ng kinsi minuto ang pag-uusap ng mga ito bago lumabas ng kwarto si River at agad itong yumakap kay Ephraim. "Dad, Kuya wants to talk to you," anito na hindi tumitingin sa ama. Tumatangong pumasok sa kwarto ang ama ni Ephi. Hindi nakasara ang pinto kaya may paminsan-minsan siyang naririnig na salita mula sa loob ng kwarto. Halata sa boses ng ama ni Ephesian ang digusto na mawala ang anak. Namumula ang mga mata nito pagkalabas nito sa kwarto. Awtomatikong tumuon ang mga mata nito sa kaniya. "Gusto ka niyang makausap. He wants to say goodbye to you sa huling pagkakataon." Umiiyak na natutop niya ang bibig. Parang ayaw niya itong puntahan. Ayaw niyang marinig ang pamamaalam nito sa kaniya. Ayaw din niyang marinig ang huling habilin nito sa kaniya. "Please?" he pleaded. Marahan siyang tumango at mabigat ang mga hakbang na pumasok siya sa kwarto ni Ephesian. "B-babe, come here..." Naupos siya sa upuan at agad na hinawakan ang kamay ng binata. "Pakiusap ayokong marinig ang pamamaalam mo, Ephi," humahagulhol niyang sabi. "Alam mo bang ito ang pinakahihintay kong mangyari? Hindi ako nanghihinayang na mawala sa mundong ito, dahil nagawa ko na halos lahat ng gusto ko. Sa wakas, makakasama ko na ang aking ina at ang babaeng pinakamamahal ko, si Devi," halos hangin na lang iyon na lumalabas sa bibig nito. Umangat ang kamay nito sa kaniyang pisngi. "Lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala kita sa huling sandali ng buhay ko. Pinaramdam mo ulit sa akin kung paano magmahal at maging masaya." Malalim muna itong huminga bago muling nagsalita. "I told to dad that you're pregnant. Hinabilin na kita sa kaniya." Hindi makapaniwalang tumitig siya rito. "Bakit mo sinabi iyon? Ephi paano kung—" "Cecilia, just trust me. You'll be fine." Mabilis siyang umiling. "Hindi. Ephi, hindi ko kayang—" "Ssssh... Just trust me, please? Mawala man ako, alam kong nasa mabuting kamay ka." "Oh, Ephi... H-hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nasasaktan ako dahil iiwan mo na ako." "I love you, Cecilia." Tumango-tango siya. Hinawakan niya ang kamay nito at kinintalan iyon ng halik. "Mahal din kita. Maraming salamat sa lahat-lahat." Malalim na muling humugot ng hangin si Ephesian. "U-until we... we meet again..." Natigilan siya nang bumagsak ang kamay ng binata at kasunod ni'yon ay marahan na pumikit ang mga mata nito. Tanda na tuluyan na itong namaalam. "Ephi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD