Prologue

1525 Words
"TIYA, hindi po ba masyadong maikli itong suot ko?" tanong niya habang hinihila pababa ang ipinasuot sa kaniya na mini skirt. "Maikli ka dyan! Huwag mo na ngang ibaba iyan. Bagay nga sa'yo." Muli nitong hinila pataas ang mini skirt na suot niya. "Pero po kasi, Tiya—" "Ayan na si Mama Sang. Dalian mo!" Hinila siya ng kaniyang tiyahin papalapit sa matandang babaeng may makapal na make up sa mukha. "Siya na ba 'yung sinasabi mo, Minerva?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa kaniyang mukha. "Siya na nga, Mama Sang." "Abay mabibenta ito, kay gandang babae." May nakita siyang kislap sa mga mata nito. Naguguluhang nilipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Tiya, ano hong mabibenta? Ang sabi mo ho sa akin magwi-waitress lang ako rito?" Nilakihan siya nito ng mata. "Iyon ba ang sinabi mo sa kaniya? Ilang taon na ba ito? Baka mademanda tayo ni'yan?" "Naku! Hindi iyan. Bente-uno na itong pamangkin ko." Muli siya nitong hinila sa kamay at pinanlakihan ng mga mata. "Ganu'n ba? Sigurado ka dyan ha? Naku! Minerva, ayokong mabulilyaso ang negosyo ko." "Oho naman, Mama Sang." "Sige, ipapa-asikaso ko siya kay Maribel para maturo sa kaniya kung ano ang gagawin niya," anito. Pagkuwan ay iniwan sila. "Hoy! Umayos ka!" Dinuro siya nito. "Huwag mo akong ipapahiya, punyeta ka! Isipin mo ipantatapal mo sa sikmura mo ang ipambabayad sa'yo rito at para magkaroon ka naman ng silbi sa akin!" Nayuko siya. "Oho, Tiya." Nang lapitan na sila ni Maribel ay agad siya nitong dila sa isang kwarto. "Dahil may make-up ka naman na at ayos na iyang suot mong damit, pwede ka ng magsimula," anito. "T-teka, Maribel. Ano ba talaga ang gagawin kong trabaho rito?" Ngumuso ito. "Mukhang hindi mo pa alam ang ganitong klaseng trabaho. Buweno, ipapaintindi ko sa'yo sa madaling paraan. Ganito, papasok ka sa isang VIP room kapag may guest na pumili sa'yo. Tapos, uupo ka sa tabi niya at ie-entertain mo siya." "Ganu'n lang?" "Umiinom ka ba ng alak?" Marahan siyang umiling. "Pwes, sanayin mo ng uminom ng alak dahil kasama 'yan sa trabaho mo rito." "Uupo lang ba talaga ako sa tabi ng guest?" Nagbuntong hininga si Maribel, halatang nauubos na ang pasensya nito sa kakatanong niya. "Anong pangalan mo?" "Cecilia." "Okay, Cecilia. Sa tingin mo ba sa trabahong ito hindi katawan ang puhunan? Kung hindi ka maganda at walang hubog ang katawan mo, hindi ka matatanggap dito. Huwag kang mag-alala sa umpisa lang iyan, kalaunan masasanay ka rin. Malaki naman ang sahod dito kaya di na lugi kung mawala ang pagkabirhen mo rito." Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. "Mawawala ang pagkabirhen ko rito? P-papaano naman?" Umikot ang mga mata nito. "Paano nga ba?" Napakamot ito sa leeg. "Anyway, huwag mo na munang isipin iyan. Hindi naman sapilitan ang magpa-take out ka sa labas kung ayaw mo. Magpa-cute ka na lang sa customer o hindi kaya utuin mo." "G-ganu'n ba?" Medyo nakaramdam ng kaginhawaan si Cecilia sa sinabing iyon ni Mirabel. "O siya, lumabas na tayo at baka masabon pa tayo ni Mama Sang." Hinila siya nito palabas ng kwarto at naupo sa sa hallway kung saan dumaraan ang mga guest. Naunang napili si Mirabel. "Hoy! 'yung bilin ko sa'yo ha? Kapag ikaw ang napili, magpa-cute ka at utuin mo. Magkakadatong ka na," bulong nito sa kaniya bago sumunod sa lalaking guest. Kinakabahang pinaglaruan ni Cecilia ang mga daliri habang hinihintay na merong customer ang pumili sa kaniya. Pero ang totoo, pinagdarasal niya na wala sanang pumili sa kaniya. Hindi niya gustong mamasukan dito, pero tinakot siya ng tiyahin na palalayasin siya nito kapag hindi siya pumayag sa gusto nitong mangyari. Gustohin man niyang makatapos ng pag-aaral noon ay hindi niya nagawa dahil hindi siya pinayagan ng tiyahin niya at agad siyang pinagtrabaho kaya hindi man lang siya nakapagtapos ng highschool. Nag-aaral siya noon at hindi ganu'n kahirap ang buhay niya noong nabubuhay pa ang mga magulang niya, pero sa kinasamaang palad ay namatay ang mga magulang niya nang magkaroon ng sunog sa lugar nila. "Mamili ka na ng babae, Bro," narinig niyang sabi ng isang lalaki na kapapasok lang. Napaangat siya ng tingin sa isang grupo. Ang dalawang kasama nito ay nakapili na sa mga kasama niya. "I already told you, I don't want to. Hindi iyan ang dahilan kung bakit ako pumayag na sumama sa inyo," sagot ng lalaki. Nang tinitigan niya ito, hindi sa malaman na dahilan ay biglang pumintig nang mabilis ang puso niya. Makapal ang mga kilay nito. Matangos ang ilong. Manipis at mamula-mula ang mga labi nito. May manipis itong bigote at balbas pero hindi 'yun nakakabawas sa kagwapuhan nito. Ang higit na nakapukaw sa kaniyang paningin ay ang kulay berde nitong mga mata. "Kaya ka nga namin dinala rito para makalimutan mo si Francesca," sabat naman ng isa sa dalawa nitong kasama. "Sino ba ang nagsabi sa inyong dalhin ninyo ako rito?" "Come on, Bro! Nandito na tayo. Let's just enjoy the night while we can," sabi naman ng isang lalaking blonde ang buhok. Nahigit niya ang hininga nang lumingon ang gawapong lalaki sa gawi niya at magtama ang kanilang mga mata. "Siya na lang," anito na bahagya siyang tinuro. "All right!" Nag-high-five ang dalawang lalaking kasama nito. "Lumapit ka na sa kaniya, Cecilia," bulong sa kaniya ng kasamahan niya. "S-sige." Humakbang siya palapit sa lalaki. "H-hi!" bati niya rito, pero hindi man lang ito bumati sa kaniya pabalik. Umiling lang ito at sumunod sa apat, kaya sumunod na lang siya rito. Habang nasa loob sila ng VIP room, tahimik lang siya sa tabi ng estranghero habang tahimik lang din itong umiinom. Hindi katulad ng dalawa nitong kasama na nag-e-enjoy sa pagkanta at pakikipagkwentuhan sa dalawang babae. "Umh... First time mo rin sa ganito?" lakas loob na tanong niya. Taas ang kilay na tiningnan siya nito. "Why you ask?" Kahit hindi siya nakapagtapos ng highschool ay nakakaintindi naman siya ng salitang Ingles. "Kasi ang tahimik mo, parang hindi ka kumportable." "It's not my first time, hindi ko lang talaga ugaling magpunta sa mga ganitong lugar." "Ganu'n ba?" Sinuri siya nito bago ito nagsalita. "First time mo?" Marahan siyang tumango. "Halata nga, ni hindi ka umiinom." "Gusto mo bang uminom ako?" "Kung ayaw mong uminom huwag kang uminom." "Pasensya na, hindi ko naman talaga gusto magtrabaho rito," aniya na nakagat ang ibabang labi. Nangunot ang noo nito. "Then, why are you here?" "Kailangan eh." Natatawang umiling ito. "Gasgas na palusot. Maraming matinong trabaho na pwede mong pasukan, but in end mas pinili mo pa rin ang magtrabaho sa ganitong lugar." Natahimik na lang siya. Ayaw na lang niyang magsalita dahil may tama rin naman ito. "How old are you?" "Twenty-one." "Too young for this kind of job." Naningkit ang mga mata nito. "Ginagamit mo ba ang pagiging inusente mo para manguto ng mga lalaki? Pang-ilan na ako?" Nakita nita ang pang-iinsulto sa mga mata nito. Pinalaki siyang disente ng nga magulang niya kaya mali ang iniisip nito. "Para sa kaalaman mo birhen pa ako!" Hindi niya mapigilang singhal dito. Dahil sa pagsigaw niya ay nabaling ang tingin ng mga kasama nito sa kaniya at pagkatapos ay malakas na naghiyawan. "Wooooh!" Dahil sa hiyang nararamdaman ay yumuko siya at itinago ang pamumula ng kaniyang mukha. Narinig niya ang pagtikhim nito. "Is that true?" Tumango siya. "Pinilit lang ako ng tiyahin kong magtrabaho rito. Hindi ko talaga gustong mamasukan dito." Nagulat siya nang bigla siya nitong hinawakan sa kamay. "Lalabas lang kami," anito at hinila siya nito palabas ng VIP room. "Saan tayo pupunta?" "I-uuwi na kita." Binawi niya ang kamay na hawak nito. "Hindi pwede! Magagalit ang tiyahin ko." "Magkano ang kailangan mo?" Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Magkano ang kailangan mo? Tell me." Nilabas nito ang makapal na wallet mula sa bulsang suot nitong pantalon. Mabilis siyang umiling. "H-hindi mo kailangan gawin iyan." "Kung hindi mo talaga gustong magtrabaho rito, then don't." Naglabas ito ng makapal na libuhin mula sa wallet nito at nilagay sa kaniyang mga kamay. "Sa halagang iyan maaari ka ng magsimula ng negosyo." Mabilis siyang umiling. "H-hindi ko kailangan iyan." "Come on! Kapag hindi mo ito tinanggap iisipin kong nagsisinungaling ka lang sa akin." "Hindi ako nagsisinungaling sayo." "Then accept it." "P-pero kasi... Ayokong isipin mo na pinagsasamantalahan ko ang kabaitan mo." "It doesn't matter. Hindi mo ako pinilit." "S-sigurado ka ba?" "Mukha bang hindi?" "Baka wala ka ng pera? Pwede naman natin itong paghatian?" Hindi niya alam kung bakit ito biglang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi niya? "Don't worry about me. Sarili mo ang mas isipin mo." "S-salamat." "Basta ipangako mo sa akin na hindi ka na magtatrabaho pa rito." Tumango siya. "Gagamitin ko ito sa tamang paraan, Mr..." "You can call me Raim." "Maraming salamat, Raim. Napakabuti mo." Tango lang ang isinagot nito. Hindi akalain ni Cecilia na may makikilala siyang mabait na tao at handa siyang tulungan kahit hindi siya nito lubos na kilala. "Sige, maiwan na kita," paalam na nito. "Sige, Raim. Maraming salamat dito." "Iyung pangako mo." Mabilis siyang tumango. "Oo, pangako." Tinanaw niya lang ang pagsakay nito sa sasakyan hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. "Paalam, Raim..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD