ISA-ISANG lumapit sa kanila ang lahat ng mga kamag-anak ni Ephraim para batiin silang dalawa.
"Sa wakas, may bumihag na sa agila ng Verdadero," sabi ng isang babae na lumapit sa kanya saka siya bineso-beso.
"Congratulation, Cecilia. By the way I'm Rosa, Ephraim's beautiful, gorgeous and sexy cousin," anito gamit ang British accent.
"Salamat, Rosa. Ginagagalak kitang makilala."
Hinawi nito ang iilang hibla na tumabing sa mukha nito. "I can't believe Kuya Ephraim agreed to keep his marriage simple. I mean, he's a Verdadero, and a Verdadero isn't just a simple person."
Inakbayan siya ni Ephraim. "Cecilia wants a simple wedding. I agreed because I wanted to marry her as soon as possible," ito ang sumagot sa malambing na paraan at bahagya pa siyang tiningnan.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan. You really love her, Kuya Raim."
"Pakakasalan ko ba siya kung hindi?"
Mabilis na kumabog ang puso niya. Ang walang hiyang lalaking ito. Magaling magpaikot ng tao.
"I'm happy for you, Kuya Raim."
"Thank you, Rosa." Pagkaalis nito ay may babaeng muling lumapit sa kanila.
"Hi, I'm Janaina. Hmm... Congratulation! Here's my gift." Inabot nito sa kanya ang may kalakihang box sabay alis ito.
"Don't mind her. Mahiyain talaga ang isang 'yon."
"Ganu'n ba?"
Sunod na lumapit sa kanila ay ang mga pinsang lalaki ni Ephraim.
"Hi, Cecilia," its Ezra. "This is my gift for you." May pilyong ngiti sa labi nito na inabot nito sa kaniya ang isang paper bag.
"Thank you, Ezra."
"Open it," utos nito.
"Ngayon na?"
"Yep."
Dali niyang binuksan ang regalo nito, pero ganu'n na lang ang pamumula ng mukha niya nang makita ang laman ni'yon. Isa iyong pares ng nighties na halos wala ng matakpan sa katawan niya. Mabilis niya iyonng ibinalik sanpaper bag.
"S-salamat."
Tumawa ito. "You blush like a virgin, Cecilia. By the way..." Yumuko ito para bulungan siya. "...gusto ni Ephraim 'yung inaakit siya."
Lalo siya pinamulahan ng mukha sa sinabi ni Ezra. Sunod naman na lumapit sa kanya ay si Masoud. Sinundan ni Beckett, Axel at Vitor, para ibigay ang regalo ng mga ito.
Huling lumapit sa kanila ang magkamukhang lalaki. Hindi maipagkakailang kambal ang mga ito.
"I'm Alex and this is Flavio. Congratulation," anito. Laking gulat niya nang bigla siya nitong yakapin.
"Let her go, Alex. Masasaktan kita," pagbabanta ni Ephraim na ikinatawa ni Alex.
"Ito ang regalo namin sa inyo, Raim. Honeymoon in Caribbean," sabi ni Flavio na inabot kay Ephraim ang sobre. "Ikaw na ang bahala sa gastusin ninyo, mayaman ka naman," seryosong mukhang sabi nito.
Natawa ng pagak si Ephraim. "Ang sabihin mo kuripot ka lang."
"Kuripot pa ba 'yan? Mahal sa Caribbean at hindi basta-bastang hotel ang kinuha konpara sa inyo!"
Hinawakan niya ang kamay ni Flavio na may guwantes. "Huwag mong pansinin si Raim. Maraming salamat, Flavio."
Nakita niya na natigilan ito kasabay ni'yon ay mabilis nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya. Walang paalam na tinalikuran sila nito. Nagtataka naman na sinundan niya lang ito ng tingin.
"Flavio has a severe allergy to physical contact with other human beings. He was wearing gloves, but even though we were his relatives, he wasn't used to being touch," paliwanag ni Alex para sa side ng kakambal nito.
"Pasensya na."
"It's okay. Maiwan ko na kayo," paalam nito.
"Maupo ka muna doon, may kakausapin lang ako."
Paalis na sana si Ephraim ng may bagong dating na isang babae at malakas itong pumapalakpak habang papalapit sa kanila.
"Oh, oh..." narinig niyang sabi ni Ezra.
"What are you doing here, Francesca?" tiim ang bagang tanong ni Ephraim sa bagong dating. Nang tingnan niya ang asawa ay may galit sa mga mata nito habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Francesca.
Ito marahil ang babaeng tinutukoy ni Señor Romano na babaeng hindi siya sinipot sa araw ng kasal nila Ephraim.
"Nabigla ako sa nalaman na ikakasal ka na ngayong araw, kaya agad akong nagpunta rito," maarte nitong sabi.
Puno ng pang-aakin na ipinaglandas ng baba nag kamay sa dibdib ni Ephraim, paakyat sa balikat nito.
"Nakakalungkot lang hindi ako nakahabol, hindi ko tuloy napigilan ang kasal mo sa kanya."
Galit na hinawakan ni Ephraim ang kamay ni Francesca. "You're not invited here. Leave."
Tumawanng pagak si Francesca. May pang-iinsultong tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago nito ibinalik ang tingin kay Ephraim. "Hindi ko akalain na nagbago na ang taste mo sa isang babae, Ephraim. Hindi ko akalain na sa isnag cheap na babae mo lbg ako ipagpapalit."
"Kung cheap ako, ano ka?" hindi niya mapigilang sabihin. Alam niyang pagpapanggap lang ang kasal nila ni Ephraim pero totoong kasal siya rito at asawa niya ito.
"Excuse me?"
"Ang lakas ng loob na magpakita pa rito pagkatapos mong hindi siputin sa kasal si Ephraim. Ano ngayon ang tingin mo sa sarili mo? Desperada?"
"Abat!" Nang akmang sasampalin siya ni Francesca ay mabilis itong naawat ni Ephraim.
"Umalis ka na," pagtataboy nito sa babae.
Galit na tiningnan siya ni Francesca at dinuro. "You know nothing, kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!"
"Francesca!"
"Ano ba?!" Galit nitong binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Ephraim.
"Umalis ka na!"
Nakita niya nag lungkot sa mga mata ni Francesca habang tinititigan nito si Ephraim. Muli siya nitong tinapunan ng tingin bago ito walang paalam na umalis.
"f**k!" Narinig niyang mura ni Ephraim na basta na lang siyang iniwan sa gitna.
Mag-isa lang siyang inasikaso at kinausap ang iilang bisita dahil hindi na bumalik pa si Ephraim. Mabuti na lang nandyan si River at ang iba pa para hindi siya ma-out of place.
Nang matapos ang simpleng handaan, gusto pa sana niyang tumulong na magligpit pero pinigilan siya ni Nanay Delia.
"Kami na ang bahala rito. Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo."
"Sigurado ho kayo, Nay Delia?"
"Oo, hija. Sige na," anito na hinatid pa siya nito sa pintuan.
Wala siyang magawa kundi sumundo na lang sa utos nito. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang makita niya ang pinto sa kwarto ni Ephraim na bahagyang nakabukas. Naisip niya na humingi ng paumanhin sa mga nasabi niya kanina kay Francesca.
Tinulak niya mabukas ang pinto at inihakbang papasok ang paa sa kwarto ni Ephraim. Nakita niya ito na nasa terrace habang mag-isang umiinom.
"Mr. Verdadero?"
"Anong kailangan mo?" malalim ang boses na tanong nito. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"Sorry sa nasabi ko kanina. Hindi na sana ako umimik—"
"Buti alam mo." Nilingon siya nito. His lifeless eyes met her. "Next time do not interfere. Alamin mo kung saan ka dapat na lumugar."
"Pasensya na. Hindi ko kasi napigilan na hindi sumabat nang maalala ko na siya ang tinutukoy na babae ni Papa na hindi sumipot sa kasal ninyo—"
Galit nitong hinablot ang braso niya. "Wala kang alam. Hindi sumipot si Francesca hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil iyon sa kagustuhan ni dad. Kaya wag kang umasta na mas nakakaangat ka na sa kanya porket asawa na kita. You are nothing compares to Francesa!" galit nitong binitawan ang braso niya.
"Wala kang ibang dapat gawin kundi ingatan ang batang nasa sinapupunan mo. Now, leave my f*****g room!" singhal nito sa kanya.
Pigil ang mga luhang mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Ephraim at dumiretso sa kwarto niya. Nang masara ang pinto saka lang niya hinayaang kumawala ang mga luha niya.
Hindi dapat siya masaktan dahil kasal lang naman sila sa papel. Pero hindi niya alam kung bakit ganito lang ang sakit na nararamdaman niya. Padapa siyang nahiga sa kama, isinubsob niya ang mukha sa unan para hindi marinig ng kung sino ang pag-iyak niya.
Mula ng mamatay ang mga magulang niya, hindi na niya naramdaman ang mahalin at tanggapin sa bahay ng tiyahin niya, pati ba naman sa bahay na ito? Tanging si Ephesian lang ang nagparamdam sa kanya ng pagtanggap at kung anong halaga meron siya.
"Ephesian, na-mimiss na kita... H-hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko," Iyak niya.
Akala niya mababago na ang lahat kapag nailayo siya sa pamilya at maikasal kay Ephraim, pero hindi pala.
Hindi niya alam kung gaano pa siya katagal na umiiyak hanggang sa nakatulugan na lang niya iyon.
NAGISING si Cecilia sa sinag ng araw na dumampi sa mga mata niya na kumawala mula sa nakahawing kurtina sa sliding door ng kwarto niya.
Mahapdi ang mga matang bumangon siya. Nakatulog siya habang suot ang wedding dress niya. Umalis siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa banyo para maligo at makapagbihis.
Paglabas niya sa banyo ay natigilan pa siya nang madatnan doon si Ephraim na bagong paligo at suot na ang pang-opisina nito.
Nang tumingin ito sa kanya ay mahigpit niyang hinawakan ang buhol sa twalyang tanging suot niya.
"A-anong ginagawa mo rito?"
Nangunot ang noo nito. "Wala ba akong karapatan na pumasok dito? Baka nakakalimutan mong asawa na kita kaya kung gusto ko mang angkinin ka gagawin ko. But don't worry hindi ko magagawang angkinin ang babaeng binuntisan ng kapatid ko."
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.
"Anyway, I'm here to inform you starting tonight you will sleep to my room. Kasal na tayo kaya ayokong pag-usapan tayo ng mga kasama natin dito sa bahay. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Marahan siyang tumango. "Naiintindihan ko."
"Just be a good wife and I'll be a good husband to you." Iyon lang at umalis na ito.