Chapter Eight

1529 Words
NAGPALAKAD-LAKAD sa kwarto si Cecilia. Hindi na siya mapakali mula nag magising siya. Ngayon ang araw ng kasal nila ni Ephraim at hindi mawari ang kabang nararamdaman niya ngayon. Nasabi niya sa sarili na dapat niya g panindigan ito, pero may bahagi sa puso niya ang nakokonsensya sa pagsisinungaling nila ni Ephesian. Hindi deserve ni Ephraim ang lokohin at pagsinungalingan. Ilang oras na lang ay ikakasal na siya sa binata. Kinagat niya ang kuko mula sa kanyang hinlalaki. Kailangan niyang makausap si Ephraim bago mahuli ang lahat. Palabas na sana siya nang mapagbuksan niya ng pinto si Romano. "P-Papa..." "Saan ka pupunta? Hindi ba dapat nag-aayos ka na ngayon para sa kasal ninyo ni Ephraim?" Nakagat nita ang ibabang labi. "Gusto ko lang ho sana makausap si Ephraim, Papa." Tumaas ang isang kilay nito. "Para ano? Magkikita rin naman kayo mamaya." Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kung hindi man niya magawang makausap si Ephraim, mabuti pang umamin na siya sa ama nito, tutal ito naman ang may gustong ipakasal siya sa binata. "Papa, kasinungalingan lang ho lahat. Hindi ho totoong may relasyon kami ni Ephesian, at lalong hindi ho totoo na pinagbubuntis ko ang anak niya. Mr. Verdadero, humihingi ho ako ng tawad sa kasinungalingan namin ni Ephesian. Tatanggapin ko ho lahat ng kaparusahan huwag ninyo lang ituloy ang pagpapakasal ko kay Ephraim," mahaba niyang paliwanag. Ang mukha nito ay nanatiling walang emosyon. "I know." "H-ho?" "Alam ko ang lahat umpisa pa lang. Kinausap ako ni Ephesian tungkol sa pagpapanggap mo. Sa tingin mo, Cecilia, bakit ginagawa ito ng anak ko para mabigyan ka lang ng magandang buhay?" Natigilan siya. Mula umpisa pa lang pala alam na nito ang plano nila ni Ephesian. Hindi niya magawang sagutin ang huling tanong nito kahit may ideya siya sa kung ano ang sagot. "My son loves you, Cecilia. Ikaw ang huli niyang kahilingan bago siya bawian ng buhay. Kahit labag sa loob ko ang ipakasal ka kay Ephraim para mabigyan ka ng magandang buhay at malayo sa pamilya mo, pumayag ako dahil ito ang kahilingan niya." "Pero ho kasi...hindi deserve ni Ephraim ang maloko. Paano ho kung malaman niya ang totoo? Ayokong maramdaman niya na pinagkaisahan natin siya." Tumaas ang sulok ng labi nito. "Paano naman ang nagawa ni Ephesian para sayo? Tinggap ka niya ng buong-buo. Binigyan ng tirahan at minahal ng walang kapalit. Kasama kang pumayag sa kasunduang ito, Cecilia. Ngayon ka pa aatras?" Nakuyom niya ang kamao. "Bakit ho kayo pumayag kahit alam ninyong mali?" "Because I trust my son's judgement." "Pero ho kasi..." "Then make Ephraim fall in love with you and make you pregnant. Once he found out about your lies, maniwala ka sa hindi, mas gugustohin niyang hindi malagay sa kahihiyan kaysa tapusin ang kasinungalingan mo. Pumayag ka sa ka pagpapanggap kaya panindigan mo." Iyon lang at iniwan na siya nitong nag-iisa. Pabagsak na naupo sa gilid ng kama si Cecilia habang kagat ang dulo ng kuko sa hinlalaki niya. Kung nasabi iyon ng ama ni Ephraim wala ng dahilan para umatras pa siya ngayon. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang mag-aayos sa kanya. Pagkatapos siyang ayusan at suotin ang wedding dress ay hindi siya makapaniwala sa nakikita habang tinititigan niya ang sarili mula sa reflection ng salamin. "Wow! You look beautiful, Cecilia," sabi sa kaniya ni River nang pumasok ito sa kwarto niya. "Thank you, River." Nagbuntong-hininga ito. "Alam ko ang nararamdaman mo ngayong ikakasal ka na kay Kuya Raim. Sana mahalin mo rin siya tulad ng pagmamahal mo kay Kuya Ephesian." Napatingin siya sa inabit nitong medium size na kahita ng alahas. "Pinapasabi ni Dad na suotin mo raw ito. Iyan ang family heirloom ng Verdadero. Marapata na sayo raw iyan mapunta." Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Sa ginagawa ni Señor Romano, mas lalong bumibigat ang kalooban niya. Kinuha ni River ang kamay niya at ibinigay ang kahita ng alahas. "Hihintayin ka namin sa labas, Cecilia." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya pagkalabas ni River. Buti na lang water-based ang make up na ginamit sa kaniya kaya hindi kakalat. Napasinghap siya nang makita ang nilalaman ng kahita. Isa iyong sapphire diamont set. Kahit hindi niya itanong, alam niyang hindi biro at basta-basta ang presyo ni'yon. Kinuha niya iyon at isinuot. Bagay iyon sa mamahaling dress na binili sa kanya. Habang tinititigan niya ang sarili mula sa reflection ng salamin, pinapatunay lang sa kaniya na hindi siya nababagay sa pamilya ni Ephraim. Pero tama si Señor Romano na huli na ang lahat para umatras pa siya. Katok sa pinto ang nagpatigil sa kaniya. "Ma'am Cecilia, lumabas na raw ho kayo." "Susunod na ako salamat." Ilang beses pa siyang nagpakawala ng malalim na bunting hininga bago nagdesisyong lumabas. Pag-apak niya sa pulang carpet na inilatag sa malawak na hardin ng mansion ay pumailanlang ang bridal chorus. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bridal bouquet habang ang mga mata ay tumuon kay Ephraim. Ang gwapo-gwapo nito sa blue white tuxedo na suot nito. Inilugay din nito ang buhog nito na laging nakatali, na hanggang balikat ang haba. Hindi niya alintana ang mga bisitang nandoon para saksihan ang pag-iisang dibdib nila ni Ephraim. Pabilis din ng pabilis ang tahip ng puso niya habang papalapit siya nang papalapit sa binata. Sa huling hakbang ay kinuha nito ang kamay niya at nakita niya ang sarkastiko sa mga ngiti nito. "Talagang binigay sa'yo ni Dad ang family heirloom," mahina nitong sabi. "You are something especial, Cecilia, dahil dinadala mo ang anak ng paborito niyang apo." Bahagya itong yumuko para bulungan siya. "Galingan mo ang pag-arte. Don't try to back out now." Pasimple niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak nito. "I-I know." Tumikhim ang officiant. "We are gathered here today to celebrate one of life’s greatest moments, the joining of two hearts. In this ceremony today we will witness the joining Ephraim and Cecilia in marriage," pag-uumpisa nito. "Please face each other, hold hands and say your vows." Hinarap nila ang isa't isa at si Ephraim mismo ang humawak sa kamay niya at sinabi ang vows nito. "Cecilia, hindi ako perpektong tao, But I promise to be a good husband. I'm not great with words, but I'll give and provide for all of your needs. I'm not a showy person, but I promise to be truthful and not to hurt you. Whatever may come I will always be there. As I have given you my hand to hold, so I give you my life to keep." Alam niya na nag lahat ng sinabi ni Ephraim ay pawang kasinungalingan lang, pero hindi niya alam kung bakit tumagos iyon sa puso niya. Humugot siya ng hangin at marahan iyong pinakawalan bago nagsimulang magsalita. "Ephraim, I'm sorry..." hindi niya mapigilang hindi maiyak. "Cecilia... why the hell are you crying? At para saan ang sorry na 'yan?" Tinuyo niya ang basang mga mata. Natatawang tumingin siya sa mga bisitang nandoon. "I'm sorry, ganito ata talaga ang nagbubuntis, very emotional." Muli niyang hinarap si Ephraim. "Sorry kasi, alam kong hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa'yo pero tinanggap mo kung sino ako. Salamat kasi binigyan mo ako ng pag-asa at kaligayahan na hindi ko inaasahan na mangyayari sa buhay ko. Ikaw ang dumating noong mga panahong nag-iisa ako at ikaw ang nandyan noong mga panahong mahina ako. You gave everything I didn't deserve. Mahal kita at hindi magbabago 'yon." Ang mga sinabi niyang iyon ay para kay Ephesian lahat dahil binago nito ang buhay niya. "Ephraim, do you take Cecilia to be your awful wedded wife?" tanong ng officiant sa binata. "I do." "Do you promise to love, honor, cherish and protect her, and be faithful to her?" "I do." "Cecilia, do you take Ephraim to be your awful wedded Husband?" Baling sa kanya ng officiant. "I do," agad niyang sagot. "Do you promise to love, honor, cherish and protect him, and be faithful to him?" "I do." Inabot batang lalaki ang singsing nilang dalawa. Kinuha ni Ephraim ang kaliwa niyang kamay at inulit ang sinabi ng officiant. "I Ephraim, take thee, Cecilia to be my wife, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise my love to you. And with this ring, I take you as my wife, for as long as we both shall live." Pagkatapos ay isinuot nito ang singsing sa palasingsingan niya. Kinuha niya ang singsing at inulit din ang sinabi ng officiant. "I Cecilia, take thee, Ephraim to be my husband, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in joy and sorrow, and I promise my love to you. And with this ring, I take you as my husband, for as long as we both shall live." Pagkatapos ay isinuot niya ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay nito. "You may kiss your wife," sabi ng officiant kay Ephraim. Itinaas ni Ephraim ang belo niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang papalapit nang papalapit ang mga labi nito sa kanya. Pero ang halik nito ay dumapo sa kanyang noo. Kasunod ni'yon ay ang malakas na palakpakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD