PAGKAALIS ni Ephraim ay agad niyang inasikaso ang mga gamit niya para mailipat sa kwarto ni ng asawa. Asawa... Ang sarap sanang sabihin na may asawa na at ang swerteng isipin na isang Ephraim Verdadero pa ang napangasawa niya kaso ang lahat ay palabas lang. Hindi rin niya magawang maging masaya dahil may malaki pa siyang problema na kailangan niyang solusyonan. Hindi niya alam kung paano niya mareresolbahan ang problema niya. Kung humanap kaya siya ng lalaki para buntisin siya? Mabilis siyang napailing sa isiping iyong. Hindi siya ganu'ng klaseng babae at hindi siya ganu'n kadesperado para gawin iyon. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Señor Romano, ang paibigin si Ephraim. Magagawa niya kayang mapaibig ang lalaki? Pero paano lalo na't may iba itong minamahal? Buntong hiningang binu