TULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Cecilia. Naghilamos siya at nagpalit ng damit bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan niya roon si Nanay Delia na abala na sa pagluluto ng umagahan.
"Magandang umaga ho, Nanay Delia," agad niyang bati sa matanda.
"Magandang umaga rin sa'yo, Cecila. Bakit ang aga mo atang bumangon?"
"Sanay lang ho akong gumising ng maaga. May maitutulong ho ba ako?"
"Naku, kaya ko na ito. Maupo ka na lang dyan. Ano ba ang gusto mo gatas o kape? Ay! Buntis ka mga pala kaya bawal sa'yo ang kape."
Bahagya siyang natigilan. Kung hindi pa nito pinaalala ay makakalimutan niya ang tungkol sa pagpapanggap niyang buntis. Iyon nga pala ang dahilan kung bakit siya nandirito ngayon.
"Ako na lang ho ang magtitimpla, Nay." Lumapit siya sa countertop para magtimpla ng gatas pero pinigilan siya nito.
"Ako na. Noon pa man ay ito na ang tungkulin ko sa mansion na ito, kaya hayaan mong gawin ko ito."
"Hindi po ako sanay na pinagsisilbihan, Nay Delia."
"Pwes masanay ka na dahil ilang araw na lang ay magiging ganap na Verdadero ka na."
Gustong magalak ng puso ni Cecilia sa tuwa pero hindi niya magawa dahil alam niya na kasinungalingan ang lahat kung bakit siya nandito ngayon.
Hindi na nakipagtalo pa si Cecilia sa matanda at naupo na lang. Habang hinihintay ang itinitimplang gatas para sa kanya, nailibot niya ang tingin sa paligid ng kusina na may disenyong vintage na hinaluan ng modernong istraktura. Ang mga mata niya ay tumuon sa isang may kalakihang portrait ng isang magandang babae. Habang tinititigan niya iyon ay nakikita niya ang malaking pagkakawangis ni Ephesian sa babaeng nasa portrait.
"Kung maitatanong mo, siya si Señora Esmeralda, ang asawa ni Señor Romano at ang ina nila Señorito Ephesian at Señorita River. Makikilala mo ang bunsong anak ni Señor Romano sa mga susunod na araw. Tiyak hindi na makapaghintay ang isang iyon na makilala ka," sabi ni Nanay Delia.
Pero nagtaka siya sa ilang sinabi nito. Sa ibang babae ba naging anak ni Señor Romano si Ephraim?
"Hindi ho ba kapatid ni Ephesian si Ephraim, Nay Delia?" hindi niya mapigilang itanong.
May pagtataka sa mga mata nito na tinitigan siya ng matanda. Sino nga ba ang hindi magtataka kung hindi mo lubos na kilala o ni wala kang alam sa pagkatao ng taong pakakasalan mo.
"If you want to know anything about me, you should ask me, Cecilia."
Nabaling ang tingin niya kay Ephraim. Walang kahit na anong emosyon sa mukha ng binata na humakbang ito papasok sa komedor.
"Nabanggit ko kasi sa kaniya na si Señora Esmeralda ang ina nila Señorito Ephesians at Señorita Emerald—"
"I'm not talking to you, Nay Delia," putol ni Ephraim sa iba pang sasabihin ni Nanay Delia habang ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya.
"Ito na ang gatas mo, Hija." Inilapag ni Nay Delia ang tasa ng gatas sa harapan niya at wala itong paalam na umalis sa komedor.
Naguguluhang tiningnan niya si Ephraim. Ano ba ang probelama ng isang ito?
"Gusto mong malaman kung magkaiba kami ng ina ni Ephesian? Yes, we have different mother. Anak ako ni dad sa ibang babae. Happy?" Ephraim gave her a sarcastic smile before walking over to the counter top to brew his own coffee.
Sinundan niya lang ito ng tingin. Kahit hindi sabihin, nagsusumigaw sa pagkatao nito ang galit at selos na hindi niya alam kung saan nanggagaling.
"May gusto ka pa bang malaman? O baka naman gusto mo rin malaman kung anong klase ang ina ko? I can tell you. You'll know about it anyway." Naglakad ito pabalik sa lamesa dala ang tinimpla nitong kape at naupo sa kabilang dulo ng lamesa.
"Hindi ako interisadong malaman ang tungkol dun," aniya na ininom ang gatas na itinimpla sa kanya ni Nanay Delia.
Pumitik ang kilay ni Ephraim. Sa unang pagkakataon kasi mayroong tao ang hindi interisadong malaman nag tungkol sa babaeng pinagmulan niya. O baka naman nagpapanggap lang ito para mapaikot ang ulo niya.
"That's new. Pero hindi na ako magugulat kung isang araw malaman mo na lang ang tungkol doon."
"Tulad ng sinabi ko, hindi ako interisado. At kung ano man ang malaman ko tungkol sa ina mo, wala kang maririnig na kahit na ano mula sa akin."
Walang emosyon ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "Don't fool me with your innocence, Cecilia. Isang beses mo nang nabilog ang ulo ko kaya hindi na mauulit pa 'yun. Kung nagawa mong paikutin ang ulo ng kapatid ko, pwes hindi ako. Maybe he's so desperate to find a woman because he knew that he's dying."
"Mali ka ng iniisip mo, Mr. Verdadero. Mabuting tao si Ephesian. Tinulungan niya ako at—"
"He make you pregnant and leave you behind. Alam niyang mamamatay na siya pero binuntis ka pa rin niya.
Natigilan siya sa sinabing iyon ng binata. Muntik na naman niya makalimutan ang tungkol sa pagpapanggap niyang nagdadalang-tao siya.
"Hindi ba 'yun pananamantala? O baka naman, sinamantala mo ang pagkakataong iyon para umangat ang buhay mo?"
Nakuyom niya ang kamao na nasa ilalim ng lamesa. Hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili niya dahil isa iyon sa dahilan kung bakit siya pumayag sa kagustuhan ni Ephesian.
"Bite your tongue? Or did I ring a bell?"
"Wala akong habol sa pera mo, Mr. Verdadero. Kung ako ang papipiliin mo, hindi ko gugustuhing maikasal sayo," aniya na pinipilit na maging mahinahon.
Saglit siya nitong tinitigan bago pagak na natawa saka bumalik sa walang emosyon nitong mga mata. "Sana ginawa mo iyan noong una pa lang. It's too late for you to back out Ms. Macaria."
"Dinadala ko ang anak ng kapatid mo, at alam ko na mayroong kapalit ang pagpayag mong maikasal sa akin. Sa tingin ko naman deserve ko ang tratuhin mo ako ng tama."
Tumaas ang sulok ng labi ni Ephraim. "Well, bakit hindi? You benefits me and I benefits you. We're even." Inubos nito ang kapeng laman ng tasa nito bago ito tumayo.
"You will be my wife, but I want you to know that I despise you. I hate woman someone like you," anito na nagpakirot sa puso niya. "Anyway, pupunta rito si River ngayon, siya ang sasama sa'yo na mamili ng gown mo para sa kasal natin sa Lingo. Behave your self," huling sabi nito bago siya nito iwan.
Mariing naipikit ni Cecilia ang mga mata. Hindi niya alam kung tama pa ba itong pinapasok niya. Gusto niyang umamin ngayon kay Ephraim na hindi totoo na buntis siya, pero hindi niya alam kung ano ang kalalabasan kapag sinabi niya ang totoo rito. Pero mas magiging malaking problema kung magpapatuloy ang kasinungalingan niya. Hahanap siya ng tiyempo para aminin ang katotohanan kay Ephraim.
Pagkatapos niyang inumin ang gatas ay bumalik na siya sa kwarto niya para maligo at magbihis ng kumportableng damit. Eksaktong tapos na siya nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto niya at pumasok si River.
"Hello, Cecilia! I'm happy to see you again!" Sa gulat niya ay bigla siya nitong niyakap. Pero sa huli nahihiya itong bumitaw sa kanya saka hinawakan ang mga kamay niya. "Oh! I'm sorry. Masaya lang ako na muli kong nakita ang nagpatibok sa puso ni Kuya Ephesian."
"Masaya rin ako na muli kitang nakita, River."
"Anyway, about Kuya Raim, pagpasensyahan mo na lang siya. Minsan talaga masungit siya pero nasisiguro ko sayong may mabuti siyang puso."
Tipid niya itong nginitian. "Alam ko naman iyon."
Matamis siyang nginitian ni River. "Alis na tayo? Excited na akong mag-shopping!"
Nakagat niya ang ibabang labi. "Saan ba tayo mamimili ng dress ko? Sa Divisoria ba? Doon mura kaya mas makakatipid ako."
Ang ngiti nito sa mga labi ay napalitan ng pagkunot ng noo. "Divisoria? Mall ba 'yun?"
Oh. Nakalimutan niya na ang tulad nilang mayayaman hindi alam ang lugar kung saan makakabili ka ng mga murang kagamitan.
"Parang ganu'n na nga. Doon mo mabibili ang mga murang mga damit o gamit, pero hindi siya branded tulad ng mabibili mo sa mall."
"Are we safe going there?" Nagbuntong-hininga ito. "Kung iniisip mo ang gatos don't worry..." Itinaas nito ang hawak nitong kulay itim na credit card. "Ibinigay sa akin ni Kuya Ephraim ang black card niya, kaya mabibili natin ang lahat ng gusto mo."
Napatingin siya sa hawak nitong card. Doon pa lang sinisipa na siya ng katotohanan na mahirap siya. Meron nga siyang credit card pero wala pa ata sa butal ng credit card ni Ephraim ang nilalaman ng credit card niya.
"Iyan ang gagamitin natin? Hindi ba nakakahiya kay Ephraim, gagatos tayo mula sa pera niya?"
Amusement shown in River's eyes. "Never ka bang binigyan ng pera ni Kuya Ephesian?"
"Hindi naman ako humingi."
Tumango-tango ito. "Don't worry, barya lang ito sa mga pera ni Kuya Ephraim. Let's go." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila palabas ng bahay.
Sakay ng itim na BMW tinungo nila ang Genesis City Mall na hindi kalayuan sa King's Village kung nasaan ang bahay ni Ephraim. Pagkarating nila sa mall ay agad silang bumili ng wedding dress niya sa isang sikat na boutique. Paulit-ulit niyang tinatanggihan ang mga dress na pinipili sa kanya ni River dahil masyado iyong magarbo para sa kanya. Gusto niya ay simpleng wedding dress lang dahil hindi kailangan masyadong bonggahan ang susuotin niya dahil pawang kasinungalingan lang naman ang dahilan kung bakit siya ikakasal kay Ephraim.
Habang pinipiliian siya ni Emerald ng dress ay napukaw ng atensyon niya ang nag-iisang simpleng wedding dress sa boutique na iyon. Isa 'yong B-collar sleeveless lace formal wedding dress. Humakbang siya palapit doon at hindi mapigilang hawakan iyon.
"You like that?" tanong sa kanya ni River na nakasunod pala sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Oo."
"Simple but elegant. Miss, kukunin na namin ito," baling ni River sa sales lady.
"Magkano ho ito?" tanong niya sa sales lady nang makalapit ito sa kanya.
"Two hundred thousand po, ma'am."
Nalula siya sa presyo ng wedding dress. Kung alam lang niya hindi na sana ito ang pinili niya.
"Actually, ma'am, ito ho ang latest design ni Miss Czasna. Kaya maswerte ho kayo." Wala na siyang nagawa nang kunin nito ang wedding dress mula sa mannequin at dinala sa counter na agad namang binayaran ni River
Ikinawit ni River ang kamay nito sa braso niya matapos nitong mabayaran ang wedding dress. "Sapatos naman ang bilhin natin, Ate."
Dinala siya nito sa isang bridal shoes shop. Tulad sa nauna ay nalula rin siya sa mga presyo ng mga sapatos. Kaya isang simple at pinakamura sa lahat ang pinili niya sa halagang fifty thousand pesos! Sumasakit ang ulo niya sa mahal ng bilihin.
Pagkatapos nilang mabili ang mga dapat nilang bilhin para sa kasal ay dinala naman siya nito sa ibang bilihan ng mga damit. Bumili rin ito at ito rin mismo ang bumili ng para sa kanya. Binilhan din siya nito ng mga panty at bra.
"Gusto mo ba nito, Ate Cecilia?"
Pinamulahan siya ng mukha nang tingnan ang nighties na hawak ni River. Halos wala kang maitatago kapag sinuot mo ang pantulog na 'yon.
"I'm sure Kuya Raim will love this. Bilhin natin ito at ito at ito pa."
Magpoprotesta sana siya pero wala na siyang nagawa nang dalhin na nito 'yon sa counter para mabayaran lahat. Pagkatapos, dinala siya nito sa bilihan ng mga cellphone. Hindi na siya pumasok sa loob ng shop dahil wala naman siyang maitutulong doon kaya minabuti na lang niyang maghintay sa labas.
"Here." Napatingin siya sa box ng Iphone na iniabot sa kanya ni River. "Cellphone mo," anito.
"S-sa'kin?" Mabilis siyang umiling. "Hindi naman ako nagpapabili sa'yo. Tsaka mahal iyan. Hindi ko kayang bayaran 'yan."
Mula sa pagtatakang mukha ay ngumiti si River. "Si Kuya Raim ang nagpabili sa akin ni'yan. Sinabi niya sa akin na bilhan kita dahil wala ka raw cellphone."
"Pinabilhan niya ako?"
"Yes." Kinuha nito ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang box ng cellphone."
Hindi makapaniwalang tiningnan niya iyon. Isa iyong mamahaling cellphone brand. "Sana yung murang cellphone na lang ang ibinili mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ito gamitin," nakangiwi niyang sabi.
River clicked her tongue. "Don't worry I'll teach you later. For now kumain muna tayo bago umuwi. Nagutom ako sa pag-shopping natin." Ikinawit na nito ang kamay sa braso niya at dinala siya sa sikat na restaurant para kumain.
"YOUR soon wife amused me, Kuya Raim."
Mula sa laptop ay tumuon ang mga mata niya kay River na abala sa pag-scroll nito sa cellphone.
"Why?"
"She is always complaining about the prices of the items we buy. Lagi niya ring pinipili ang pinakamurang presyo."
"She did?"
Tiningnan siya nito. "Nasabi na sa akin ni Dad ang pinagmulan ni Ate Cecilia. Kung ibang babae iyon siguradong pipiliin na nila ang pinakamahal. But Ate Cecilia is different. I like her."
"Why you like her?"
"Coz she's not like Ate Francesca na pera ang basehan sa buhay."
Nailing siya. Kung hindi pa niya alam ang karakas ni Cecilia malilinlang din siya sa ipinapakita nito, pero hindi na ulit siya magpapaikot sa kainosetihan nito. Never again.