KASALUKUYANG nasa portico si Cecilia, nakaupo sa swing habang kinakalikot ang bagong cellphone niya. Tinuruan na siya ni River kung paano gamitin ang bawat function ng cellphone, pero hindi maiiwasan na nalilito pa rin siya.
"Cecilia..." Sa sobrang abala niya ay hindi niya narinig ang pagtawag sa kanya ni Ephraim.
"Paano nga ulit ito?" tanong niya sa hangin. Paano ba naman hindi niya alam kung paano tanggalin ang nagamit niyang mga application.
"Ms. Macaria!"
"Ay kalabaw!" Napaigtad siya sa malakas na pagtawag sa pangalan niya. Nang lingunin niya kung sino iyon ay mabilis siyang bumalikwas ng tayo.
"Mr. Verdadero, ikaw pala," nakangiwing aniya.
Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang Iphone at muling bumalik sa mukha niya. "Mukhang busy ka sa bago mong cellphone, hindi mo man lang narinig ang pagtawag ko sa'yo." Nakikita niya ang iritasyon sa mukha nito.
"Pasensya na. Kahit tinuruan na ako ni River hindi ko pa rin makuha ng tama. Kaya sabi konsa kanya mumurahing cellphone na lang sana ang ibinili niya sa akin—"
"Tayong dalawa lang ang nandito, hindi mo kailangang magpanggap na hindi mo gusto ang ganyang klaseng cellphone."
"Ano?" Nangunot ang noo niya. Sinasabi ba nito na nagpapanggap lang siya at ginusto niya talaga na bilhan siya ng Iphone phone?
"Hindi ko ginusto na ibili ako ng bagong cellphone at hindi ko 'yon hiningi sa'yo."
Isinuksok ni Ephraim ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng suot nitong slacks. Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
"Wala akong oras para pag-usapan 'yan. Sumunod ka sa'kin, naghihintay na si Attorney Napoles sa opisina ko," anito na nauna ng naglakad.
Naguguluhang sinundan niya ito hanggang sa opisina nito sa loob ng mansion. Pagkapasok nila ay agad na tumayo ang lalaking naghihitay.
"Attorney, I want you to meet Cecilia." Agad siyang ipinakilala ni Ephraim sa nasabing abugado.
Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "Nice to meet you, Cecilia."
Kahit naguguluhan pa rin ay tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
"Mag-umpisa na tayo," si Ephraim na naupo na, kaya naupo na rin siya sa nag-iisang bakanteng upuan na nadoon.
"Ito ang marriage agreement ninyo ni Mr. Verdadero." Inilapag ng abugado ang isang piraso ng papeles sa harapan niya. "Basahin mo ng maigi para mas maintindihan mo siya. Kung meron ka man na hindi maintindihan, feel free to ask me."
Bumaba ang tingin niya sa papeles na nasa harapan niya. Hindi man siya nakapagtapos ng high school ay hindi naman tanga para hindi malaman kung para saan iyon.
"Nakalakip din dyan ang mga rules ni Mr. Verdadero once na naikasal na kayong dalawa," dagdag pa ng abugado.
Merong pito na rules ang nakalakip sa nasabing agreement. Una, tungkol iyon sa assets. Nakapaloob dun na wala siya na kahit na anong makukuha sa mga assets nito. Pangalawa naman ay ang income and windfall, na wala rin siyang makukuha sa mga iyon. Pangatlo, tungkol sa debts and expenses. Hindi sagutin ni Ephraim na bayaran kung meron man siyang pinagkakautangan. At habang nasa puder siya nito ay si Ephraim lahat ang sagot sa lahat ng gastusin niya para sa bata lamang. Pangapat, child support. Tulad sa sinabi sa pangatlo ay si Ephraim ang bahala sa lahat ng pangangailangan ng bata hanggang sa magtapos ito sa pag-aaral. Panglima, no attached feelings. Kung ano man ang pinagkasunduan nila ngayon ay mananatili ganu'n. Panganim, wala siyang pakialam sa personal na buhay ni Ephraim. At ang pangpito, hindi siya pwedeng makipagrelasyon sa iba hanggat nanatili siyang kasal sa binata.
Parang sinampal siya sa mga oras na iyon matapos mabasa ang marriage agreement. Oo, plano niyang malayo sa pamilya niya at magkaroon ng magandang buhay, pero wala siyang planong kumuha kahit na isang kusing sa pera ng mga Verdadero.
"Kung tapos mo ng basahin at naiintindihan mo naman, maari ka ng pumirma," maya'y sabi sa kanya ni Ephraim.
Tiningnan niya ito. "Wala naman akong habol sa kayamanan mo kung 'yan ang sa tingin mo. Pipirmahan ko ito bilang patunay na wala akong masamang intensyon. Pero maari ko bang dagdagan ang rules?"
"What rules?"
"Na hindi mo ako pwedeng hawakan, halikan at lalo na ang piliting makipag-s*x sa'yo," buong tapang niyang sabi.
Mula sa pagiging seryoso ni Ephraim ay malakas itong tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"I'm not desperate to have s*x with my brother's pregnant woman, Ms. Macaria. Kung s*x lang din ang hanap ko, they're a lots of woman who are willing to spread their legs for me just to f**k them. Iniisip ko pa lang na hawakan ka hindi ko na maatim ang angkinin ka pa kaya?"
Alam niyang pang-iinsulto iyon at hindi dapat siya mainsulto, pero bakit tila siya nasasaktan sa sinabi nito?
"Attorney, ikaw na ang bahalang magdagdag ng gusto ni Cecilia," baling ni Ephraim sa abugado.
"Yes, Mr. Verdadero."
Tipid niyang nginitian ang binata. "Salamat. Tsaka na ako pipirma kapag okay na. Kung wala na akong kailangan dito, excuse me." Mabilis siyang tumayo at lumabas.
Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag nang mailapat niya pasara ang pinto ng opisina ni Ephraim. Para siyang nasu-suffocate kapag kaharap at kausap ang binata.
Malaki ang pagkakaiba ni Ephesian at Ephraim. Kung paghahambingin ang dalawa, para silang umaga at gabi. Magaan at kumportable kausap si Ephesian, habang kabaliktaran naman ang kay Ephraim.
Nilibot niya ang tingin sa kabuohan ng mansion. Naboboring na siya sa totoo lang dahil hindi siya sanay na walang ginagawa. Gusto niyang tumulong sa paglilinis pero hindi naman siya pinapayagan ni Nanay Delia na kumilos dahil magiging asawa na raw siya ni Ephraim.
Natigil siya sa paglalakad sa hardin ng mansion nang may marinig niya pag-uusap.
"Hindi ka ba nagtataka sa biglang pagdating ni Cecilia rito sa mansion?" Narinig niyang sabi ni Niña na isa sa mga kasambahay. Kasalukuyan silang nagdidilig ng mga bulaklak at ng ibang halaman.
"Nagtataka syempre. Hindi lingid sa kaalaman natin na mahirap din siya, pero bakit napusuan ni Señorito Ephraim ang isang babaeng tulad niya? Ang laking diperansya niya kay Ma'am Francesca," sabi naman ni Sonia.
"Ay oo naman! Walang-wala siya sa kalingkingan ni Ma'am Francesca. Nilandi lang ata niya si Señorito Ephraim para mabuntis siya."
"Sinabi mo pa! Kabisado ko na ang mga ganu'ng karakas. Kung ganu'n lang pala ang sikreto sana ginawa ko na ang ginawa ni Cecilia, edi sana donya-donya na ako ngayon." Narinig pa niyang sabi ni Sonia.
Nagbuntong-hininga na lang siya kahit sa totoo lang ay gusto niyang ipagtanggol ang sarili na mali ang paratang ng mga ito sa kanya. Pero wala siyang lakas ng loob para gawin 'yon dahil alam niya ang magpanggap na buntis ay mali.
Napapitlag siya nang mabungaran si Ephraim pagpihit niya pabalik. Napahawak siya sa dibdib. "Mr. Verdadero...ikaw pala."
"Bakit hindi mo itama ang paratang nila sa'yo?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang pag-uusap nila Niña at Sonia.
"Para ano? Kapag pinagtanggol ko ba ang sarili ko magbabago ba ang tingin nila sa'kin? Kung ano ang tingin nila sa akin hindi na magbabago pa 'yun. Tska base sa mga sinabi nila kahit hindi ko pa nakikita si Francesca alam kong walang-wala na ako sa kalingkingan niya. Kilala ko naman ang sarili ko kaya bakit ako masasaktan? What they told me doesn't less me a person."
Sa haba ng sinabi niya ay wala ito binigay na sagot. Nanatili lang itong tahimik habang nakatitig sa kanya. May nasabi na naman ba siyang mali?
"Give me your phone," anito na inilahad ang kamay sa harap niya.
"H-ha?"
"Give me your phone," ulit nito.
Dali niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng tokong niya at inabot kay Ephraim. May pinindot-pindot ang hinata sa cellphone bago iyon muling ibinalik sa kanya.
"I've already added my phone number to your contact list. In case of an emergency, contact me," anito.
"S-sige, magpapaload na lang ako."
"No need. Naka-plan ang simcard mo. You can call and text me anytime you need."
Napatango-tango siya. Meron na rin nakalagay sa contact niya.
"Na-downloadan ba ni River ng messenger app 'yang cellphone mo?"
Marahan siyang umiling. "I never tried it. Di-keypod lang kasi ang cellphone ko."
Ephraim clicked his tongue. Kinuha nito ang cellphone mula sa kamay niya. "Follow me," utos nito.
Sinundan niya ito at dinala siya nito sa kalesa garden set at naupo roon. "Come here and sit. Tuturuan kitang mag-download ng apps na pwede mong gamitin." Tinapik nito ang katabing espasyo.
"S-sige." Naiilang man ay tumabi siya ng pagkaka-upo rito.
"Hindi ka pa rin naka-connect sa wifi?"
"Hindi. I don't know how—"
Nangunot noo nito. "Ano bang alam mo?"
"Sana hindi na lang ganyang klaseng cellphone ang ipinabili mo kay River. Kung alam ko lang na bibilhan mo 'ko, 'yung mumurahing cellphone lang bibilhin ko."
"I'm not into cheap things, Cecilia. Para saan pa ang mga pera ko kung hindi ko rin gagastusin?"
Hindi na lang niya ito sinagot para di na humaba ang usapan nila tungkol doon.
"Ganito ang gagawin mo kapag magda,-download ka ng apps na gusto mo. Pupunta ka sa apple store at hahanapin mo rito ang apps na ida-download mo, then click download. Ganu'n lang kadali."
Tumango-tango siya dahil nasundan niya ang tinuro nito. "Alam mo ba 'yung f*******:? Pwede ko rin ba iyon i-download?"
"It's up to you."
"Pwede rin ba kita i-add 'dun?"
Nangunot ang noo nito at ibinalik sa kanya ang cellphone niya. "Nauubos ang oras ko sa mga walang katuturan." Tumayo na ito at nagmartsa paalis. "Add me if you want," pahabol nito bago ito tuluyang nawala sa paningin niya.