Chapter Three

2294 Words
MATAPOS na maipa-cremate ang labi ni Ephesian ay iniabot ng ama nitong si Romano ang ash jar sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa crematorium. "Sabi ni Ephesian sa'yo ko raw ibigay ang mga abo niya," anito. Walang salitang tinanggap niya iyon. Tinitigan lang niya ang kulay itim na marble container dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na wala na talaga si Ephesian. Buntong hiningang tumabi ito ng upo sa kaniya. "Alam kong mahirap at masakit din sa akin ang pagkawala ni Ephesian. Pero sinisigurado ko sa'yo na magiging maayos din ang lahat. Kailan na nating magpahinga, lalo ka na. You have to take care of your self and your baby." Napatingin siya rito. "Ang anak ko ho?" Tipid siya nitong nginitian. "Yes. You're pregnant, right? Iyon ang sinabi ni Ephesian sa akin." Hinawakan siya nito sa kamay. "Everything will be okay, don't worry." Muli itong nagbuntong hininga pagkatapos ay tumayo na. "Huwag kang umalis sa bahay ninyo, ipasusundo kita bukas para sa mahalagang pag-uusap." "Tungkol ho saan?" "Tungkol sa mga huling hinabilin sa akin, ni Ephesian. Halika't ipapahatid na kita sa bahay ninyo para makapagpahinga ka na." Tumango siya at sumunod na rito. Pagkahatid sa bahay niya ay agad siyang dumiretso sa kwarto ni Ephesian at inilapag ang ash container sa ibabaw ng lamesa. Nahiga siya sa kama at doon ay muling umiyak. Ilang araw na siyang walang tulog at walang humpay sa pag-iyak. Naging mabuti sa kaniya ang binata kaya masakit para sa kaniya na mawala ito. Pakiramdam niya nawalan siya ng kakampi at tagapagtanggol. Hindi niya alam kung ano ang plano nito o gusto nitong mangyari sa pagsisinungaling nito sa ama na dinadala niya ang anak nito. Tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kaniyang pag-iyak. Tinuyo niya ang pisngi at pinagbuksan kung sino man ang dumating. "R-Raim..." anas niya sa pangalan nito. Hindi niya ito nakita ng ilang araw matapos lisanin ni Ephesian ang mundo. "You're crying," anito. Tumaas ang kamay nito para tuyuin ang butil ng luha na nasa gilid ng kaniyang mata. Naiilang na iniwas niya ang mukha rito. "Anong ginagawa mo rito?" Tinaas nito ang dalang plastic. "I came here to bring you this. Inutusan ako ni dad na dalhan ka ng makakain and to check if you're okay." Mukha ba siyang okay? Bakit hindi niya makita sa mukha nito na nagluluksa ito sa pagkawala ng kapatid. Bakit parang balewala lang dito ang pagkawala ni Ephesian? Tinanggap niya ang dala nito. "Salamat. Gusto mo bang pumasok?" "No. Im just dropping by to give you that." Tango lang ang isinagot niya rito. "Sige, alis na ako." "Ingat ka. Salamat ulit." Nang isasara na niya ang pinto ay muling nagsalita si Ephraim. "Umh, Cecilia." "May kailangan ka pa ba?" "Lock the door and take care." "Gagawin ko. Salamat," pagkasabi ni'yon ay tuluyan na niyang isinara ang pinto at kinandado. Masaya siya na muli niyang nakita si Ephraim, pero pakiramdam niya na hindi ito ang pagkakataon para pasalamatan ang binata sa kabutihang ibinigay nito sa kaniya noon. Alam niyang darating din nag tamang oras para mapasalamatan ito. Kinabukasan, tulad ng sinabi ng ama ni Ephesian ay pinasundo siya nito. Pagkarating niya ay hindi makapaniwalang pinagmasdan niya ang malaking bahay. Hindi niya akalain na nagmula sa mayamang pamilya si Ephesian at Ephraim. "You're here to," nabaling ang tingin niya kay Ephraim na bumaba mula sa sasakyan nito. Gwapo si Ephraim noong unang beses niya itong nakilala, pero hindi niya maitatanggi na higit itong gumuwapo ngayon. Bagay rito ang suot nitong office attire. "Ahh, oo. Pinasundo kasi ako ng ama mo. Mayroon daw siyang importanteng sasabihin," sagot niya. Nangunot ang noo nito. "Ganu'n ba?" "Magandang araw ho, Ma'am Cecilia at Señorito Raim. Pinapasabi ho ni Señor na dumiretso raw ho kayo sa opisina niya kapag dumating na raw ho kayo," salubong sa kanila ng isang kasambahay. "Sige, Marita. Salamat." Bumaling ng tingin sa kaniya si Ephraim at sinenyasan siya nitong sumunod sa kaniya. Kumatok muna ito sa pinto ng opisina ng ama bago iyon tinulak pabukas. Pagpasok ay nakita nila na hindi ito nag-iisa. "Mabuti at nandito na kayo. Maupo kayo." Iminuwestra ni Señor Romano ang kamay sa bakanteng mga upuan. "Cecilia, I want you to meet Attorney Devera. Kasama natin siya sa magaganap na pag-uusap," pagpapakilala nito sa lalaking abugado. "Nice to meet you, Cecilia," anito na nakipagkamay sa kaniya. "Kinagagalak ko rin ho kayo makilala." "Para saan ba ang pag-uusap na ito, Dad?" kunot ang noong tanong ni Ephraim. "Okay. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Pinagsalikop ni Señor Romano ang mga kamay na nasa ibabaw ng lamesa. "Bago namaalam si Ephesian sinabi niya sa akin na nagdadalang-tao si Cecilia," pag-uumpisa nito. "Are you?" kunot ang noong baling sa kaniya ni Ephraim. Hindi makatingin ng diretso na marahan siyang tumango. Ayaw man niyang magsinungaling, pero nandito na ito. Tulad ng sinabi ni Ephesian na magtiwala lang siya rito, kaya paninindigan na niya ito. Tumikhim si Señor Romano. "Inihabilin ni Ephesian sa akin si Cecilia at ang pinagbubuntis niya. Ayokong maging bastarto ang una kong apo, kaya gusto kong ipakasal si Cecilia sa'yo, Ephraim." "What?!" Bulalas ni Ephraim na napatayo sa kinauupuan nito. Siya naman ay hindi makapaniwalang tumitig sa señor. Ito ba ang plano at gustong mangyari ni Ephesian? Ito ba ang sinasabi nitong babaguhin nito ang buhay niya? "Gusto mong pakasalan ko ang babaeng binuntis ng anak mo? Dad I'm not out of—" Tumigas ang mukha ng señor at walang emosyong tumingin kay Ephraim. "Hindi kita pinakikiusapan, Ephraim. Inuutusan kita na pakasalan mo si Cecilia alang-alang sa bata." Nang tumingin si Cecilia kay Ephraim ay nakita niya ang galit sa mga mata nito. Sino ba aman ang hindi mabibigla at magagalit kung ipapakasal ka sa babaeng hindi naman ikaw ang nakabuntis? Hindi lang niya alam kung ano ang tumakbo sa isip ni Ephesian at naisip niya ang ganitong mga bagay. Hindi ba nito naisip na maaari siyang maipit? Pero tulad ng sinabi sa kaniya ng binata na nagtiwala lang siya rito at magiging maayos ang lahat. PUNO ng sarkasmo na tumawa si Ephraim. Hindi niya inaasahan na ipapagawa ito sa kaniya ng kaniyang ama. Ito na ata ang pinakamahirap na ipinapagawa nito sa kaniya. Hindi lang basta kalayaan niya ang nakasalalay sa kasal na gusto ng ama kundi pati ang buong buhay niya. Wala siyang problema kay Cecilia. Inaamin niya na nagkaroon siya ng atraksyon sa babae noong una niya itong nakilala at nakaramdam siya ng disappointment nang malaman niyang nobya ito ng kapatid niya at lalo pa nang malaman niya ngayong nagdadalang-tao ito. Masakit sa pride niya na pakakasalan niya si Cecilia alang-alang lang sa batang pinagbubuntis nito. Masakit din sa part niya na ipinaako sa kaniya ang responsibilidad ng ibang lalaki. "I'm so disappointed with Ephesian. I hope he didn't get this woman pregnant if he knew he was going to die," aniya na puno ng sarkasmo. "Ephraim!" "What? Ako pa rin ang mali? Dad, kalayaan ko ang kapalit nito sa gusto mong mangyari." "Freedom? You still want freedom after what your ex fiancee did to you?" Nakuyom niya ang kamao. Muli niyang naalala ang ginawang hindi pagsipot ni Francesca sa kasal nila. "Francesca is nothing to do with this conversation," tiim ang bagang na sabi niya. Nagtagisan sila ng tingin ng kaniyang ama. Hindi madali ang hinihingi nito kaya hindi naman siguro mali na humingi ng kapalit? Marahan na muli siyang umupo na hindi inaalis ang tingin sa ama. "Okay. I will marry her If you transfer to my name the Kingsmart as the new owner of the company," paghahamon niya sa ama. Napatuwid ito sa pagkakaupo. Alam niya kung gaano kahalaga sa ama ang Kingsmart kaya imposibleng ibigay nito sa kaniya ang kumpaniya basta-basta kapalit ng pagpapakasal niya kay Cecilia. "Okay." Natigilan siya sa sagot na iyon ng ama. Tama ba ang dinig niya o nililinlang lang siya ng pagkakataon? "Ililipat ko sa pangalan mo ang Kingsmart bilang bagong may-ari nito," ulit nito na lalong hindi siya makapaniwala. "Attorney Devera, ikaw na ang bahala," baling nito sa abogado. "Yes, Chairman," agad na sagot ng abogado. "Cecilia, I am doing this for you and for the sake of your child. Ito ang huling kahilingan ni Ephesian. If you really love my son, gagawin mo ito," baling ng kaniyang ama kay Cecilia na nanahimik lang. "Asikasuhin mo na agad ang kasal bago pa mahalata ang tiyan ni Cecilia. Don't disappoint me, Ephraim," huling sabi ng ama niya sa kaniya bago ito lumabas ng opisina. "Hanggang sa muli nating pagkikita, Cecilia, Mr. Verdadero," paalam ni Attorney Devera bago ito sumunod sa kaniyang ama. Bumaling siya ng tingin kay Cecilia na nananatili pa ring tahimik. Nakikita niya ang gulat sa mga mata nito. "Are you happy now?" tanong niya rito na puno ng sarkasmo. "Ikakasal ba talaga tayo?" balik-tanong nito habang ang mga mata ay nakatuon sa mga kamay nito. "Do you think the conversation awhile ago was just a joke?" Nagtaas ito ng tingin sa kaniya. "Pero ang kasal ay hindi isang laro, Raim. Alam kong hindi mo gustong maikasal sa akin, pero bakit hindi ka man lang tumanggi sa gustong mangyari ng ama mo?" "My father never take no for an answer, my dear, especially it comes to Ephesian. At idagdag mo pa na dinadala mo ang anak ng paborito niyang anak." "Kahit na. Hindi pa rin tama. Isa pa, hindi ko alam na isa pala kayong Verdadero." Nangunot ang noo niya. "You don't know? My brother didn't tell you about it?" Marahan itong umiling. "Hindi mahalaga sa akin kung ano ang pagkatao niya. Minahal ko siya bilang siya." Totoo naman 'yon. Minahal niya bilang kaibigan si Ephesian kung ano man ito hindi dahil sa dinadala nitong pangalan o ano pa man. Parang may sampal kay Ephraim ang sinabing iyon ni Cecilia. Halos lahat ng kababaihan nagkakandarapa sa kaniya dahil sa dinadala niyang pangalan. Nakakapagtaka lang, bakit hindi ni minsan nasabi ng kapatid niya ang tungkol sa pamilya nila. "Then you should be proud, dahil isang Verdadero ang mapapangasawa mo. And you should be thankful, dahil handa kitang pakasalan kahit hindi naman ako ang dapat na sumalo ng obligasyon ng iba." "Pumayag ka kasi may kapalit ang pagpayag mong magpakasal sa akin!" Puno ng pang-iinsultong tumawa siya. "For your information, sa ating dalawa ako mas argabyado rito. You benefits me, then I benefits you." Hinawakan niya ito sa baba. "Just be ready for our wedding, Cecilia." HINDI mapakali na nagpalakad-lakad si Cecilia sa sala. Noong una, hindi niya akalain na nagmula sa mayamang pamilya si Ephesian tapos ngayon, nalaman niya na isang Verdadero ang mga ito. "Pwede ba, maupo ka nga, Cecilia. Baka mapano pa iyang dinadala mo," sita sa kaniya ni Maribel. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o ano. Kasalukuyan silang nasa condo ni Ephesian. Alam din nito ang tungkol sa plano ni Ephesian at tungkol sa pagpapanggap niyang buntis. Masama niya itong tiningnan. "Hindi ka nakakatulong." Natawa ito. "Kung ako ang nasa sitwasyon mo, aba! Matutuwa pa ako. Bakit? Kasi makakaalis na ako sa pesteng kahirapan at hindi ko na kailangan mang-uto ng matandang lalaki para lang magkapera. Ikaw, tuluyan ka ng makakalayo sa pamilya mo at magkakaroon ng magandang buhay. Hindi ba iyan ang ipinangako sa'yo ni Ephi?" Naupo siya sa tabi nito. "Oo, pero hindi ko naman alam na magiging ganito kakumplikado. Ang inaasahan ko lang na gagawin nila ay bibigyan ako ng matitirahan at buwanang susutento. Hindi ko naman akalain na ipapakasal ako kay Ephraim." "Dapat ba akong mainsulto?" Singhap na napatingin siya sa bagong dating na binata. Hindi man lang niya napansin ang pagdating nito. Sabay silang napatayo ni Maribel sa sobrang kaba. Narinig kaya nito ang mga pinag-usapan nila? "P-paano ka nakapasok?" paglilihis niya. Itinaas nito ang hawak na card key. "Kinuha ko ang key-card ni Kuya noong nagpunta ako rito. Again..." Humakbangnito palapit sa kaniya. "...Dapat ba akong mainsulto sa mga sinabi mo, Cecilia?" "Hindi ko kagustuhan na marinig mo ang mga sinabi ko. Ayos lang sa akin kung sasabihin mo sa ama mo ang mga narinig mo." Buong tapang niyang sinalubong ang mga tingin nito. Tumaas ang sulok ng labi ni Ephraim. "Manhid na ako sa mga ganiyang salita, Cecilia. Everyone calls me a devil, habang anghel naman ang tawag nila kay Kuya. Pero hindi sapat ang mga sinabi mo para iurong ko ang kasal natin." Tiningnan nito ang tiyan niya at muling bumalik sa kaniyang mukha. "Baka nakakalimutan mo na isang tagapagmana ang dinadala mo ngayon? Don't you dare to run away because I won't let you do that." Saglit silang nagkatinginan ni Maribel. Ibig-sabihin hindi nito narinig ng buo ang mga pinag-usapan nila. Bahagya siyang nakahinga nga maluwag. "I came here to pick you." Nagugiluhang tiningnan niya ito. "Bakit?" "Hindi na safe para sa'yo na mag-isang titira rito." "Saan ako titira?" "Saan pa ba edi sa bahay ko." "S-sa bahay mo?" "May problema ba kung sa bahay ka na titira? Ikakasal ka na rin naman na sa akin, kaya walang problema kung mapapaaga ang pagtira mo kasama ko." "Pero—" "Pack your things." Tiningnan nito ang suot na relong pambisig. "You have 30 mins," anito na tumalikod na at walang paalam na lumabas. Gusto pa sana niya magprotesta, pero hinawakan siya sa kamay ni Maribel. "Tutulungan na kitang mag-impake ng mga damit mo," anito na hinila siya papasok sa kaniyang kwarto. "Ganito, gawin mo na lang muna ang sinabi ni Ephi sa'yo na magtiwala ka lang sa kaniya," anas ni Maribel pagkasara ng pinto. "Tapos? Paano kung mabunyag ang kasinungalingan na ginawa namin ni Ephi?" "Edi tsaka mo na problemahin iyan kapag nangyari na." Nanghihinang naupo siya sa gilid ng kama. Hindi niya talaga maiwasan na matakot sa pwedeng mangyari, pero tulad nga ng sinabi ni Ephesian ay magtitiwala siya. "Bahala na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD