KASALUKUYANG naglilinis ng kwarto si Cecilia. Nakapatong sila sa upuan habang tinatanggalan ng alikabok ang ibabaw ng kabinet. Sa ganu'ng tagpo siya naabutan ni Ephraim ng pumasok ito sa kwarto niya.
"What the hell are you doing there?!"
"Ay kalabaw!" Dahil sa gulat ay muntik na siyang mawalan ng balanse, buti na lang napakapit siya sa kabinet. "Mahuhulog pa ako sa lakas ng bunganga mo eh."
"Nasaan ang utak mo para tumuntong dyan?" Lumapit ito sa kanya at walang pasabi na basta siya nito binuhat pababa.
"T-teka..."
"Ano bang naisipan mo para pumatong sa upuan?" inis na tanong nito nang mailapag na siya nito.
"Relax, Mr. Verdadero, naglilinis lang ako—"
"Naglilinis?! Are you insane? You're aware that you're pregnant, tapos pumapatong ka sa upuan? What if something happens to the child?!" bulyaw nito sa kanya.
Oo nga pala, buntis siya. Bakit ba palagi niyang nakakalimutan ang pagpapanggap niya bilang buntis?
"Kung paglilinis lang din naman, ano pa ang silbi ng mga katulong dito sa bahay? Kung ano man ang gusto mong ipagawa, ipagawa mo sa kanila!"
"Hindi mo 'ko kailangan na sigawan, Mr. Verdadero. Alam ko naman kung paano ingatan ang sarili ko."
"You must take care of yourself so that nothing bad happens to the child you are carrying! You may forget that you are here because of that child!" singhal pa nito sa kanya.
Oo nga rin pala. Kaya nga pala siya nandito ay dahil sa kasinungalingang nagdadalangtao siya.
Nayuko siya. "I'm sorry," hinging paumanhin niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Mamayang gabi magkakaroon ng family dinner ang ang pamilya ko. Dahil ikakasal na tayo kailangan ka nilang makilala. May mga damit si River sa kwarto niya, mamili ka na lang doon. Ipasusundo kita before six pm," iyon lang at lumabas na ito sa kwarto niya.
Buntong hiningang naupo siya sa gilid ng kama. Habang tumatagal, pahirap na nang pahirapnang sitwasyon niya. Dapat maamin na niya ang totoo rito bago pa mas maging kumplikado ang lahat.
Tumayo siya at para i-lock ang pinto bago pinagpatuloy ang naudlot na paglilinis. Hindi naman na siguro babalik si Ephraim para mahiga na lang.
Magtatanghali na ng matapos siya sa paglilinis sa kwarto niya. Nang mailagay niya sa supot ang mga kalat ay bumaba siya bitbit ang mga plastic ng basura.
"Cecilia, ano ba 'yang dala mo? At ano 'yang suot mong bata ka?" pinasadahan nito ng tingin ako suot niya. Paano isang kupasing bestida ang suot-suot niya.
"Naglinis po kasi ako sa kwarto ko, Nay Delia. Saan ko ho ito pwedeng itapon?"
Kinuha nito sa kamay niya nag plastic ng basura at tinawa ang isa sa mga kasambahay.
"Niña!"
Agad naman itong lumapit. "Nay Delia, bakit ho?"
"Itapon mo nga ito sa basurahan. At sa susunod ikaw na ang maglinis sa kwarto ni Cecilia."
Nakita niya ang bahagyang pagsimangot ni Niña sa utos na iyon ni Nanay Delia.
"Hindi na ho kailangan, Nay, kaya ko naman hong maglinis."
"Gawain 'yan ng mga kasambahay dito. Gusto mo bang kami ang mapagalitan ni Señorito Ephraim?"
"H-hindi ho. Pero kasi magaan na trabaho lang naman ho 'yun," pagdadahilan niya.
"Magaan man o hindi, hindi mo obligadong maglinis. Trabaho namin iyon. Oh siya, bumalik ka sa kwarto mo at maligo. Ipapadala ko na lang ang tanghalian mo sa kwarto mo."
Gusto pa sana niya magprotesta pero minabuti na lang niya ang sumunod dito. Buntong hiningang bumalik siya sa kwarto niya para maligo. Paglabas niya sa banyo nandoon na ang tanghalian niya.
Pagkatapos kumain nagbukas na lang siya ng television at nanood ng movie sa Netflix, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulugan niya ang panonood.
Tawag sa cellphone niya ang nagpagising sa kanya. Inaantok na pilit niyang inabot ang cellphone sa ibabaw ng night stand niya at agad iyong sinagot.
"Hello, sino 'to?" inaantok pang tanong niya.
"It's me, Ephraim. Nandyan na si Jasper para sunduin ka. Nakaready ka na ba?"
Mabilis siyang napabalikwas ng tayo. Biglang nawala ang antok niya pagkakita nita sa oras, it's already five thirty.
"O-oo. I'll call you later." Mabilis niyang pinutol ang linya at daling pumunta sa kwarto ni River para mamili ng dress na pwede niyang suotin.
Buti na lang magkasing katawan sila ng dalaga kaya di siya nahirapan na mamili. Isang beige satin sling dress ang napili niya. Nanghiram na rin siya ng sandals na susuotin dahil wala naman siyang magandang sandals na dala. Matapos niyang mamili ay bumalik siya sa kwarto niya para mabilis na mag-halfbath.
Pagkabihis ay hinayaan na lang niyang nakalugay ang mahaba't unat niyang buhok at naglagay lang siya ng manipis na make up. Kung tutuusin maganda naman siya, pero hindi ganu'n kagandahan para pagpantasyahan ng mga kalalakihan.
Nang masigurong maganda na siya, bitbit ang bag na hiniram din niya kay River na lumabas na ng kwarto.
SA MANILA BAY siya hinatid ng driver. Hindi inaasahan ni Cecilia na sa yate gaganapin ang dinner. Paghinto ng sasakyan ay agad na bumaba ang driver na si Jasper para pagbuksan siya ng pinto.
"Salamat, Jas."
"Why took you so long?" iritableng tanong sa kanya ni Ephraim nang salubungin siya nito.
"Pasensya, nakatulog kasi ako. Hindi ko namalayan ang oras."
"Nice choice," anito na ang mga mata ay nasa buong katawan niya.
"Let's go." Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang umakyat sa yate. Pagkakuwan ay dinala siya nito kung saan naghihintay ang iba nitong kamag-anak.
"Family, I want you to meet Cecilia, my fiancee." Agaw atensyon ni Ephraim sa mga ito at awtomatiko namang tumuon sa kanila ang mata ng mga ito.
"Cecilia, meet my family," sabi naman nito sa kanya.
"H-hello po sa inyo." Naiilang na kinawayan niya ang mga ito.
"Oh... it's nice to meet you, Cecilia." Lumapit sa kanya ang isang babae na sa tanya niya ay nasa fifty's na.
"I'm Helen, Ephraim's untie." Pagpapakilala nito bago siya yakapin. "This is Joshua, Benjamin, Samuel, Elijah, Daniel, Luke and Gabriel. We are Romano's siblings." Nginitian at kinawayan lang siya ng pitong lalaki.
"Hello po. Ginagagalak ko po kayong makilala.
"And I'm Ezra." Lumapit sa kanya ang isang lalaki. Gwapo rito ito tulad ni Ephraim.
"Nice to meet you—" Laking gulat niya nang bigla siya nitong niyakap.
Hindi niya alam kung paano ito palalayuin na hindi nao-offend kaya tiningnan niya si Ephraim para humingi ng saklolo.
Tumikhim si Ephraim kaya agad siyang pinakawalan ni Ezra. Tinaas nito ang dalawang kamay. "Sorry."
Napapitlag siya nang akbayan siya ni Ephraim. "Ako na ang magpapakilala sa inyo. "That grampy guy over there, siya si Becket." Turo nito sa lalaking parang hindi marunong ngumiti. "Si Masoud naman yung sa katabi niya, and the weird guy is Vítor." Tinuro nito ang nakasalaming lalaki.
"Hi!" Sabay-sabay bati ng mga ito
"At 'yung katabi ni River ay si Alzira, kapatid siya ni Vítor. Wala hindi makakapunta ang iba dahil busy sa buhay." Kinawayan siya ni River at ng babaeng pinakilala ni Ephraim na Alzira."
"Hello sa inyo," ganting bati niya sa mga ito.
Kinawayan din niya ang ama ni Ephraim na si Romano. "Hi, Papa." Lumapit siya rito para magmano.
"Oh siya, kumain na tayo, siguradong gutom na ang lahat."
Inalalayan muna siyang maupo ni Ephraim bago ito naupo sa tabi niya. Tahimik na kumain ang lahat. Nagsimula lang ang usapan pagkatapos nilang kumain.
"Kumusta ka naman, Cecilia? Mahirap ba ang pagbubuntis?" tanong sa kanya ni Untie Hellen.
Natigilan siya. Pero hindi niya pinahalata ang pagkailang. "Ayos lang naman ho. Medyo naging antukin lang ho ako."
"Ganyan talaga ang magbuntis."
"How did you met?" tanong naman ni Masoud.
Tiningnan niya si Ephraim, pero mukhang wala ito balak na tulungan siya. Bahala na!
"Umh...nagkakilala kami sa bar at tinulungan niya ako," sagot niya.
"Ano naman ang nagustuhan mo kay Ephraim?" si Ezra.
Muli niyang tiningnan ang binata. "Kailangan ba may dahilan para magustuhan ang isang tao? Ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay meron siyang mabuting puso. Hindi man iyon marahil nakikita ng iba, pero iyon ang una niyang ipinakita sa akin."
Nangtingnan niya si River ay wala siyang nakitang kahit na emosyon sa mga mata nito. Marahil alam kasi nito ang totoo.
"Ikaw ang unang beses na may nagsabing merong mabuting puso si Kuya Raim." It's Alzira.
Nayuko lang siya. Pinagdarasal niya na sana wala nang magtanong pa sa kanya.
"How about you, Raim? Anong nagustuhan mo kay Cecilia?" tanong naman ni Masoud kay Ephraim.
"Wala," mabilis na sagot ni Ephraim.
"Wala?" kunot na tanong ni Mosoud.
"Wala. Basta nagustuhan ko lang siya. Simple as that."
Kung hindi lang niya alam na nagsisinungaling lang ito ay kikiligin siya. Pero kahit na alam niyang nagsinungaling lang ito hindi pa rin niya mapigilang kiligin.
Humaba pa ang usapan na may asaran at tawanan. Mga kalog at maharot ang mga pinsan ni Ephraim. Inaasahan niya na hindu ganito dahil sa mayayaman ang mga ito, pero very welcome silang tao.
"Lumalalim na ang gabi. Mauuna na kami," paalam ni Ephraim.
"Mabuti pa nga, masama sa buntis ang mapagod," sangayon naman ni Untie Hellen.
Tumayo na rin siya ng tumayo na si Ephraim. "Maraming salamat po. Una na ho kami."
"Asahan ninyong pupunta kami sa kasal ninyo sa Lingo, Cecilia, Ephraim."
"Salamat po!" muli siyang nagpaalam bago siya inalalayan ni Ephraim na bumaba sa yate.
Hindi mawala ang mga ngiti niya sa labi hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ni Ephraim.
"Why are you smiling?" tanong sa kanya nito na saglit siyang sinulyapan.
"Natutuwa lang ako sa pamilya mo kasi close kayong lahat."
"Oo nga pala, wala ka bang iimbitahan sa pamilya mo?"
Nawala ang ngiti niya sa labi. "Hindi kasi kami close ng tiyahin ko. Wala na rin akong mga magulang."
"Ganu'n ba?" Tumango siya bilang sagot.
Tahimik na lang sila hanggang sa makarating sila sa mansion. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang magsalita si Ephraim. "Goodnight."
"Goodnight, Raim," aniya at mabilis na hinalikan si Ephraim sa pisngi. Nabigla siya sa kanyang nagawa, pero huli na ang lahat para bawiin pa 'yun. Kagat ang ibabang labi na pumasok siya sa kanyang kwarto.