Chapter Fifteen

1920 Words

KINABUKASAN, tulad ng palaging senaryo ay wala na si Ephraim tuwing magigising siya. Para kay Cecilia, panibagong boring na araw na naman iyon. "Bakit nilalaro mo ang pagkain sa plato mo?" kunot ang noong tanong ni Nanay Doria sa kanya. "Tinatagalan ko ho ang pagkain, Nay. Siguradong magmumukmok na naman ako sa kwarto maghapon. Naboboring ho ako." "Hindi ka talaga sanay na walang ginagawa ano?" "Opo, Nay. Paggising ko po sa umaga trabaho ho agad. Kasi kapag di agad kumilos wala ho kami kakainin buong araw." Nagbuntong-hininga ito. "Oh siya sige. Kung gusto mo talagang maglinis gawin mo. Huwag mo lang sasabihin kay Ephraim ha? Magagalit sa akin 'yon." Sa tuwa niya ay nayakap niya ito. "Salamat, Nay!" "Pero 'yung magagaang trabaho lang ha? Baka mapasama sa baby mo kapag napagod ka."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD