Chapter Fourteen

2028 Words

HINDI inaasahan ni Cecilia na sa isang auto shop siya dadalhin ni Ezra. Akala niya sa mall na naman siya nito dadalhin para mamili ng mga mamahaling damit at kung anu-ano pa. "Sa tingin mo, anong sasakyan ang magandang bilhin?" anito habang sinusuyod ng tingin ang mga mamahaling sasakyan. "Hindi dapat ako ang isinama mo rito, wala naman ako alam sa mga sasakyan," aniya. Nilingon siya nito at kinunotan ng noo. "You don't know how to drive?" "Mahirap lang ako. Walang sasakyan. Sa tingin mo paano ako matututong magmaneho?" Nagkibit ito ng balikat. "Bakit kasi ang hirap mo? Hindi ka tuloy makabili ng mga ganitong bagay." Sinamaan niya ito ng tingin. "Sana hindi mo na lang ako isinama rito kung lalaitin mo lang ang kahirapan ko." Tumawa ito ng pagak. "Hey! I'm just teasing you, Cecilia."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD