Chapter Sixteen

1452 Words

MAAGANG gumising si Cecilia para maghanda sa driving lessons niya. Pero tulad pa rin ng mga nauna, wala na si Ephraim sa kwarto sa tuwing nagigising siya. Para sa kanya mabuti na rin ang ganu'n na hindi sila nagtatagpo para iwas na rin sa pagkakailang niya sa asawa. Mula kasi noong nagpunta sila sa mall, parang iniiwasan siya ni Ephraim. Hindi niya alam kung dahil ba sa nagalit ito sa kanya o ano. Pero tulad ng sinabi nito sa kanya ay iniwan nito sa kanya ang black card. "Good morning, Nay Delia," masigla niyang bati sa matanda nang maabutan niya itong naghahain ng pagkain sa lamesa. "Magandang umaga rin, Cecilia. Mukhang maganda ata ang gising mo ngayon, hija." Tipid niya itong nginitian. "Oho, Nay. Maganda ho ang tulog ko nitong mga sumunod na araw," aniya. Kahit na sa sofa lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD