Chapter 5
Laking panghihinayang ni SJ nang hindi bumaba ang babaeng hinahabol niya bago siya lumiko papuntang restaurant, to meet his blind date.
Hindi naman talaga sya humahabol sa babae pero curious syang makita ang mukha ng babaeng sexy kaya napahabol sya sa pampasaherong sasakyan na iyon. Weakness kasi niya ang mga babaeng malalaki ang balakang. It's better that way rather than to see a woman with really big t**s, pero flat na flat naman ang pwet na parang tinakasan ng laman at natira ay puro buto. It sucks!
Hindi naman sya pintasero pero yun ang trip niya talaga.
But anyways, ano bang magagawa niya kung sadyang hindi ipinagkaloob sa kanya na makita niya ang mukha ng babaeng yun.
SJ got everybody's attention when he hopped out of his white BMW. Naks! Pure na pure ang kulay ng sasakyan niya pero ang pagakatao niya ay hindi pure. He's dark and green but he doesn't really care about it. Kahit pa parang tulad sa Papa niya ang tingin sa kanya na ubod ng babaero, so what? Kasalanan ba niyang ipinanganak sya na gwapo kaya niluluhuran siya ng mga babae?
The heck! No!
And besides, it runs in the blood because his Mama told him that he's a mixture of his Papa and his Uncle or his Papa Nyx. So, what to expect? Meeting those men isn't as simple as knowing an ordinary person who is low in profile. Matitinik parehas ang dalawang yun kaya anong labas niya? Matinik times two equals Matinik na Matinik!
Nakangisi na kaagad siya sa lahat at lahat ng babaeng nakatulala sa kanya ay tinataasan baba niya ng kilay na halos ikahimatay ng mga yun.
Pero tang*na! Nasaan na ang date niya? Hindi siya nagpapahalata.
Ang sabi ni Seol na kaibigan niyang babaero rin ay nakadamit ng kulay itim na tube top at red skirt.
Panay ang silip niya sa ilalim ng mesa para makita ang red skirt.
Hayop na! Mapagkakamalan pa syang maninilip ng lagay na pasilip silip sya sa ilalim ng mesa para tingnan ang skirt kung pula, hanggang sa may makita syang naka black tube top.
"Can you please stand up for me Miss?" he gave her a playboy smile kasabay ng naniningkit niyang mapang-akit na mga mata.
Sino bang tatanggi sa ganoon? Wala, kaya mabilis na tumayo ang babae at nagpacute sa kanya kaso... Hindi red ang skirt ng babae so it means to say, hindi yun ang date niya.
"Oh sorry. You're not the one I'm looking for,” aniya sa babaeng parang nadismaya pa kaya naman hinalikan niya sa pisngi, pagkatapos ay kinindatan pa.
Parang idinuyan sa alapaap ang babae dahil sa ginawa niya saka sya lumayas sa harap nun. Ganoon sya, hindi sya umaalis sa harap ng babae na hindi yun nasisiyahan. Ang ayaw lang niya ay ang mga babaeng ipinagsasaksakan ang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon kahit ayaw na niya.
Nakakailang hakbang pa lang sya nang may sumalubong kaagad sa kanya, a woman in black tube top- check, red skirt- check. Ito na ang hinahanap niya.
Napalabi sya habang pinapasadahan ng tingin ang babae. Napako ang mga mata niya sa mukha nitong mukhang inosente.
Parang gusto niyang madismaya, virgin pa yata. May phobia na kasi sya sa mga babaeng virgin. That one time na may lumapit sa kanya na nag-pretend na may experience na yun pala ay wala pa at pagkatapos makipag s*x sa kanya eh umiiyak ba naman at panagutan daw niya. Gaga lang! Pipikutin pa sya! Buti na lang panigurado sya bago tumatalon sa kama. Yun din ang turo ng Papa niya at Tito niya, never use a woman without protection not unless gusto niya ng mapikot ng tuluyan ng babae. Then by that time, pwede nang walang condom para kahit mabuntis ay tuloy lang ang buhay. Tuloy nga, tuloy sa simbahan.
At wala syang balak na mangyari iyon. Mas masaya sa pagiging single at sa dinami-rami ng babaeng dumaan sa buhay niya ay wala pa sa kanyang nagpanerbyos man lamang. Kaya alam niya na wala pa syang mahal at duda sya kung magkakameron ba.
Ano ang sabi ng Mama niya?
Hoy SJ kapag ikaw nakarma, laking tuwa ko pa at pasasalamatan ng husto ang babaeng magpapaluhod sa playboy na katulad mo! Mana ka talaga sa Papa mo! Mga lahi ng babaero!
Napangiti sya nang maalala ang Mama niya.
"Yan bang ngiti na yan eh let's go na ang ibig sabihin?" tanong ng babae na nagpabalik sa kanya sa katinuan.
Inilapit niya ang bibig sa tainga ng babae, "Virgin or not?" diretsong tanong niya.
Tumawa ang babae sa tanong niya. Inilapit din ang bibig sa tainga niya.
"Small, medium or large?" mahalay na tanong ng babae.
Hindi na birhen, tiyak niya.
He smirked, "XL." he lustfully grinned na ikinashock ng babae.
"Shet! You're kidding me right?" seryosong tanong nun na parang nahintakutan.
He licked his lips, "I'm afraid I'm not baby," seryoso rin na pahayag niya.
Hindi yun kaagad nakaimik. Lakas ng loob magtanong, hanggang large lang naman pala ang kaya.
"Ok. Better find another date," aniya at akma na yung tatalikuran nang hawakan noon ang braso niya.
"Wait. I'm coming with you." nakangiti na ang babae sa kanya habang kagat kagat ang labi.
Pumameywang siya saka sumipol. At kanino niya nakuha ang gesture na yun? Sa Tito Nyx niya. Tagapag alaga niya kasi yun dati kapag wlang trabaho o misyon, kaya bata pa lang sya eh kung anu-anong kabulastugan na ang mapupulot niya, kaya lumaki na lang sya na dala-dala na ang mga yun hanggang sa ngayon.
"Then let's rock and roll!" aniya at inakbayan ang babae palabas ng restaurant.
"I know a place, Raiden's apartelle." anang babae habang iginigiya niya palapit sa kotse niya.
"Okay. Magpapa carwash na rin ako habang nasa kwarto tayo,” kinindatan niya ang babae na parang kinilig.
Saglit syang natigilan, "You haven't answered my question yet," tiningnan niya ang babae na nakatayo na sa may passenger's side. Ang tinutukoy niya ay kung virgin ba ito o hindi na.
Umiling ito, “I'm well experienced." sagot nito kaagad.
"Good," aniya at sumakay na sya sa sasakyan.
Nakatayo pa rin ang babae sa labas ng kotse kaya inarkuhan niya ng kilay, asking her. What?
"Aren't you going to open the door for me?" tila dismayadong tanong nito.
Gusto niyang matawa pero pinigil niya.
Lumiko ang nguso niya, "No." tahasang sagot niya.
Demanding, hindi naman niya girlfriend. Hindi niya talaga yun ugali na magbukas ng pinto ng kotse para sa babaeng sumasama kaagad sa kanya. Reserved ang gesture na yun para sa babaeng magpapaluhod daw sa kanya, sabi ng Mama niya—kung meron man kasi parang wala.
Parang inis na sumakay ang babae sa sasakyan. Eh kung hindi sumakay, eh di lalayasan niya. Madali lang naman syang kausap. Kung ayaw sa kanya, eh di ayaw. Hindi pa sya baliw para baguhin ang nakaugalian na niya para lang mapaamo ang ibang tao o babae. He's SJ Elizares and he's proud of himself, kahit dakilang playboy ang tawag sa kanya.
Para tuloy nabadtrip na rin sya sa babae. Ang arte nito. Sa lahat pa naman din ng ayaw niya ay yung parang daig pa ang prinsesa kung ituring ang sarili.
Pero anong magagawa niya, naroon na iyon . Alangan naman tanggihan pa niya. Go na! Rock and roll--on the bed, SJE!
***
Nakatayo si Stephanie sa harap ng isang poging lalaki na kaibigan ni Lyndon— Sir Raiden.
Kanina pa iyon nakatingin sa mukha niya at parang ayaw ng ialis pa hanggang sa tumikhim sya kaya napilitan na magsalita ang lalaki.
"Sige. Personal recommendation ka ni brad kaya tanggap ka na. Sa gabi ka papasok ha. Hanggang alas dose lang naman ng gabi yun. Sweldo mo ay one hundred per hour. Okay na ba yun?" tanong niyon na nginitan pa sya.
Ang pogi.
Tumango sya at sumaludo pa kaya natawa ng kaunti ang lalaki. "Yes sir!"
"Ikaw lang ang tatanggap ng mga bayad ng costumers, kahera ka sa maikling salita,” aniyon pa.
Tumango ulit sya, "Opo sir. I got it."
"Sige. Dito ka na at aalis muna ako. Kapag recommended ni Lyndon alam kong mapagkakatiwalaan saka maganda ka at wala naman kahina-hinala sa kilos mo." aniyon pa at dinampot ang susi.
Ano naman nanakawin niya roon kung sakali? Computer? Baka di pa man lang sya nakakalayo eh abutin na sya ng pulis. Sa bigat ng cpu at monitor, wag na lang magnakaw dahil mapapagod pa sya.
"Looks can be deceiving, sir." simpleng sagot niya sa lalaki na tumawa pa sa sinabi niya.
"Well, I know that look isn't deceiving." aniyon sa kanya at tinitigan pa muna ng mukha niya bago umalis sa harap niya.
Naupo sya sa silya at tiningnan ang nasa monitor ng pc. Simple lang naman pala. Input ang data ng sasakyan, amount. Print. Kwala! May resibo na kaagad.
Mukhang mas magaan ang trabaho niyang ito kesa sa Pharmaceuticals ng haliparot niyang boss na pinagbuhat sya ng toneladang kahon ng gamot.
Ang impakto! Naalala na naman niya. Bwisit! Bakit ba di na matikal tikal ang lalaking yun sa utak niya? First time nilang magkita eh daig pa ang naka double adhesive tape ang pagmumukha na nakapaskil sa memorya niya.
May kakaiba sa boss niya na kahit pasaway ay hindi ang tipo na basta lang makakalimutan kahit sa isang sulyap pa lang.
Kaya malamang babaero kasi may ganoong factor ang lalaki na hahanap-hanapin ng isang babae.