Chapter 4

1727 Words
Chapter 4 Hapung-hapo si Stephanie nang dumating sya sa inuupahan niyang bahay. Di sya makamove on sa halos isang buong maghapon na rin niyang trabaho. Daig pa niya ang straight na tatlong araw na nag overtime. Simula interview ay di nya akalain na magtutuloy-tuloy na ang trabaho niya pero ang boss niya ay larga ritoz larga roon. Salamat na rin sa Diyos at di sya pinabayaan na magutom at mamatay ng dilat kung sakali. Kahit paano ay may trabaho na sya at makakapag-ipon na sya para sa ipadadala niya sa mga magulang niya at hahanapin niya ang kakambal niyang nahiwalay sa kanila ng matagal na panahon na at umaasa syang buhay pa ang kapatid niya. Malapit na yun matupad dahil may trabaho na sya, kahit nakakapagod sa first day. Pagod sya sa trabaho at pagod pa sya sa boss niyang ubod ng tino - sa kabaligtaran. Nanang ko! Mamamatay ako nang maaga! Dios mio Marimar! Baka isang linggo pa lang sya eh kailanganin na niya ang serbisyo ni Dra. Belo o ni Calayan dahil sa stress na dala ng amo niyang pasaway at malamang kung lalaki lang sya ay baka lumaylay abot hanggang talampakan ang bayag niya sa kunsumisyon sa babaero na yun. Grabe! Di man lang mahiya. Balewala lang kung nakita niya ang itinatagong yaman. Parang nagmamalaki pa. Yaaay! Malaki naman talaga! Bigla na naman umulit sa utak niya ang scenario kanina sa office ng supervisor sa stock building. Suck me more... Santissima! Napaantanda sya ng krus nang gumuhit sa isip niya ang ginagawa ng babae sa kwan ng boss niya, na halatang ikinaligaya naman ng lalaki. Manyakis! Mahilig! Pabagsak na humilata sya sa pansolohang higaan niya. Narinig pa niyang umigik ang paa ng kahoy na higaan. Ni hindi na niya nagawang maghubad ng uniform na suot dahil parang tinakasan na sya ng lakas at pati pagkain ay parang ayaw na niyang gawin. Gusto na niyang matulog. Pumipikit na ang mga mata niya nang may sumigaw sa pinto niya sabay kalampag niyon. "Stepanya! Hoy! Stepanya! Lumabas ka riyan! Magbayad ka na ng renta mong dalawang bwan! Hooooy!" sigaw ng may-ari ng bahay na nagpatutop sa bibig niya. Naglahong parang bula ang antok niya sa boses na yun na parang sirena ng bombero. Napabangon siya nang wala sa panahon. Diosko! Si Aling Conching! Galit na naman ang babae dahil Stepanya ang tawag sa kanya. Napasumiksik sya sa gilid ng kama at sinisilip ang babae sa butas ng bintana. "Hoy! Stepanyaaaaa!" sabay kalabog na naman nun sa pinto niya. Magigiba na nga, kinakalabog pa. Kapag sya yumaman, aalis na sya sa pesteng lugar na yun. Akala mo naman ang ganda-ganda ng bahay na pinauupahan sa kanya, eh parang kulungan lang ng baboy na nilagyan ng dingding. Buti na nga lang ay mga kakosa niya ang mga tambay doon kaya di sya tinatalo dahil kung hindi ay baka nagahasa na sya. Gasino nang tuklapin ang dinding niya kung sakali. Ang bubong naman niya kapag umuulan ay umuulan din. Sahod dito, sahod doon. Butas butas kasi na baka nga kahit aswang ay naninilip na sa kanya kapag natutulog sya. "Lumabas ka riyan! Susunugin ko ang bahay mo!" sigaw pa nun. Sinarili niya ang paghagikhik. Tanga lang! Sunugin mo, bahay mo naman ito. "Stepanya lumaba—" natigilan ang babae nang tumalsik ang pustiso sa may gilid. Natutop niya ang bibig para hindi kumawala sa kanya ang malakas na tawa. Kitang kita niya kung paano luminga ang babae at nang walang makitang tao ay sabay dampot sa pustiso at ipinahis sa daster na suot, sabay subo. Eeeek! Kadiri! Salubong ang kilay na umalis ang babae sabay tapik sa bintana niyang kahoy saka siya bumunghalit ng tawa pagka alis nun. Buti na lang nahulog ang pustiso eh di napilitan na lumayas ang babae. Ano bang gagawin niya? Kailangan niyang rumaket. Alangan naman na bumale sya sa boss niyang maharot. Baka mamaya ay gipitin pa sya lalo. Isa pa kauumpisa pa lang niya, nakakahiya naman kung mag-aadvance na kaagad siya. Mabilis syang tumayo para maligo. Sabon, buhos lang ang ginawa niya dahil mahal ang tubig. Buti na lang ay wala syang kili-kili powers kaya kahit naman wisik lang ay mabango pa rin sya. Saka kapag nakakapagdelihensya naman sya eh bumibili naman sya ng cologne, iyong mumurahin nga lang kasi tipid sya. Mahalaga sa kanya ang pisong duling. Para sa katulad niyang mahirap, importante ang bawat sentimo para makabuo ng piso. Pagkabihis niya ay lumabas sya. Patago-tago sya dahil baka makita sya ng may-ari ng inuupahan niya, mahirap na. Eskabeche na naman ang labas niya sa harap ng buong barangay. Ipapahiya sya noon sigurado. "Saan ang punta mo, Stephanie?" biglang sumulpot sa tabi niya si Lyndon. Anak yun ng may-ari ng inuupahan niya. Kung tuuusin ay mayaman naman talaga ang Aling Conching na yun dahil lahat ng paupahan doon ay iyon ang may-ari. Depende sa gara ang presyo at yaman naman na pobre sya ay doon sya na pinaka low class. Kumabaga sa kwarto ng hotel, dun siya sa walang air con at electric fan, abaniko lang ang meron. Ang bahay ng babaeng iyon ay nasa pinakapusod ng maliit na lugar na yun, maganda at malamansyon, at kung palaban din syang babae ay sasamantalahin niya ang pagpapacute sa kanya ng anak nun na si Lyndon kaya lang hindi sya ganoon. Mas gusto niyang mabuhay nang marangal, hindi yung gagamit sya ng tao para lang mabuhay o makabayad ng renta. "Mamaya na tayo mag-usap 'Don. Magraraket ako bago pa ako pasabugan ng nanay mo ng kanyon,” malalaki ang hakbang niya para makalayo kaagad pero sunud pa rin ng sunod ang lalaki sa kanya. Gwapo naman ito kaya lang Mama' s boy kaya hindi niya type. "Saan?" usisa pa nito. "Kahit saan. Baka may pwedeng tulungan sa pag-ihaw ng bbq sa kanto, eh di pwede na yun." aniya na sige pa rin ang paglakad. "Gusto mo ba roon sa car washing nung kaibigan ko? Sa gabi naman yun open kaya pwede ka. Tatawagan ko na. Gusto mo ba?" tanong nun sa kanya na nagpatigil sa paghakbang niya. Tiningnan niya ang lalaki, "Wala bang kapalit yan? Kasi Lyndon uulitin ko na naman na magkaibigan lang tayo." paniniyak niya. Ayaw niya kasi na tawagin sya na paasa kaya sa una pa lang eh nagsasabi na sya at ayaw din niyang tawagin na manggagamit kaya sinisiguro muna niya kung bukal sa kalooban ang pagtulong. Kahit pa sabihin na maprinsipyo sya, eh ano naman. Yun na nga lang ang meron sya, aalisin pa ba niya? Eh ano na lang matitira? Wala na. "Wala. Tulong ko sa'yo. Pumunta ka na sa may Raiden's apartelle at nasa tabi noon ang Raiden's car wash. Ibang klase yun, sarado sa umaga at bukas sa gabi. Hindi ka nun tatanggihan dahil ka brad ko yun sa fraternity. Sige na at aabisuhan ko na,” nginitian pa sya ng lalaki. Mabait naman talaga si Lyndon kaya lang di nya talaga gusto ito. "Salamat." kiming tugon niya. "Ikaw pa. Lakas mo sakin. May pamasahe ka ba?" tanong pa nito sa kanya. "Wala pero kaya kong maglakad. Salamat ulit," saka niya tinakbuhan ang lalaki na dumudukot na ng pera. Kaya naman talaga niya yung marating. Marami naman na kakosa niya ang nagpapasakay sa kanya sa tricycle ng libre kaya minsan ay walang problema ang pamasahe. "Manong Kerubin, pasakay!" sigaw niya sa lalaking kakilala na kaagad napapreno ng gamit na hauler ng baboy na pamarako. "Mag-aamoy baboy ka!" sigaw ng lalaki kaya napangiwi sya at saka senenyasan na huwag na. Siguro kagagaling sa pamamarako ni Mang Kerubin. Ay hindi! Yung barakong baboy pala, hindi si Mang Kerubin. Baka yung boss niya ang namamarako na naman. Dapat doon ay kapunin para hindi dumami ang lahi, tanggalan ng dalawang itlog. Diosmio! Bakit ba pumasok sa utak na naman niya ang boss niyang barako? Hangga't maaari ay ayaw niyang maalala kasi sobrang gwapo kaya lang ay ubod naman ng harot. Mahirap na kapag lagi niyang naiisip-isip ay mainlove pa sya. Baka mamatay sya kaagad ng maaga dahil sa konsumisyon kapag ganoon ang naging boyfriend niya. Erase! Sino naman nagsabing ganoon ang tipo niyang lalaki? Desisyon ba siya? Gusto niya ay maginoo. Gusto niya ay hindi babaero at higit sa lahat ay may respeto sa kanya bilang babae. *** Napasipol si SJ habang nagmamaneho sa babaeng naglalakad na sexy sa suot na faded ripped skinny jeans. Parang pamilyar sa kanya ang malalaking kulot ng buhok ng babae. Nangunot ang noo niya kung saan niya yun nakita. Hindi niya kasi tiningnan ang mukha nun, basta balakang ang una niyang tiningnan at ang buhok na mahaba. Sino nga ba? Kaagad syang timingin sa side mirror pero nakita niyang nakasakay na ang babae sa isang jeep. He grinned playfully. Masundan nga! Baka sakali na lang makakuha sya ng date. Oh son of a wench! May imi-meet nga pala sya sa restaurant na blind date ngayon. Sayang, initeresado pa naman sya sa babaeng nakasakay sa jeep. Mukha kasing maganda at bata pa iyon, parang yung bago niyang Secretary na si... sino nga ba yun, Efifania? Di niya maalala ang pangalan. Parang di nga niya naitanong at hindi rin naman nagpakilala o baka nag-uulyanin na naman sya sa pangalan ng babae? Mana sya sa Papa niya, makakalimutin sa mga babae. Napaisip tuloy sya kung ano nga bang pangalan ng secretary niya habang kandahaba ang leeg niya sa pagsilip sa babaeng nasa loob ng jeep. Di niya kasi makita ang babae at parang sinisilihan ang pwet niya kaya di sya mapakali sa pagkakaupo niya, at kandahaba ang leeg niya sa pagsilip kung anong klase ng mukha ng sexy na pasahero ng jeepney. Parang hindi sya makakatulog kapag di niya nakita. Baka lagnatin pa kamo sya. Ganoon sya . Kapag gusto niyang makita, kailangan ay makita niya. Hindi pwedeng hindi, dahil bibiyakin niya ang mundo kapag di niya nahanap ang gusto niya. Makita lang naman niya sana amg dalagang yun ay ayos na. Naku curious lang sya sa mukha kung maganda ba o pangit. Baka naman Talikod-Genic o baka hipon! Maganda ang likod, pangit ang harap, maganda ang katawan swanget ang mukha. Pero pakiramdam niya ay maganda kahit na a g mukha mukha. Maganda kasi ang pwet at maganda rin ang buhok. Anang pilyong isip niya. Aabangan niya kung saan bababa iyon. Sana bago sya lumiko papunta sa restaurant eh bumaba na para makita niya ang hinahabol niyang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD