Chapter 6

1795 Words
Chapter 6 *** Halos mapapikit si Stephanie sa kinauupuaan niya. Sunud-sunod kasi ang nagpa car wash at nagkandaduling na sya sa pag-iinput sa pc ng plate numbers ng mga sasakyan. Pero nang matapos ang mahabang pila ay nakapag-relax sya. Ni hindi sya makatayo para kumain at naririnig na niya ang tyan na kumukulo. Antok na sya kahit pa alas otso pa lang ng gabi. Her eyes automatically shut, na kahit anong pilit niyang imulat ay parang may mga anghel na nakalambitin sa talukap ng mga mata niya at kinakantahan sya ng Lullaby, dahilan para mapapikit sya at mapaidlip. "Eh Ehm!" may tumikhim pero di niya pinansin. Baka anghel iyon sa panaginip niya kasi maganda ang boses, husky at malambing. Masarap iyon pakinggan. "Dagaaaaa!" sigaw ng boses lalaki kaya napamulagat sya at wala sa panahon na tumayo sya sa ibabaw ng silya kahit parang nahihilo sya. "Daga! Asan?! Asan?!" tili niya at halos mapatalon-talon sya sa ibabaw ng upuan. Tumingin sya sa lalaking sumigaw, na ang lakas ng tawa sa may likuran niya. Nakatalikod kasi siya sa lalaki habang ito ay nakatayo sa may harap ng mesa. "Ikaw?! S-Sir?!" parang gulat pa niyang tanong dito. Nagkibit balikat ang maharot. "Who else? Do have any other boss who is more handsome and hotter than me? It's only me, nothing more, nothing less." nanulis pa ang mapupulang nguso ng damuho at cute na cute na naman. Yabang! At graveee! Lakas din makapantrip ng amo niyang kulang sa manners, sobra lang sa kalandian. Daga raw kahit wala naman. Siguro naalala din ang kalokohan kanina kaya nagkadaputol ang takong ng sapatos niya. Takot kasi talaga sya sa daga kasi nangangagat iyon. Isa pa, malamig ang paa at maitim pa. Maya-maya ay kunot noong sinipat sya nito. "Faded ripped jeans? Big hair curls?" hinimas himas nito ang sariling baba. Bumaba sya sa silya at sinipat ang sarili, "What's your problem sir about my hair ang my ripped jeans?" takang tanong niya rito. Pati ba buhok niya at pananamit ay kailangang pansinin nito? Pakialamerong di hamak! Baka naman gusto nitong magtrabaho sa salon at isa itong bakla talaga. Nanulis ulit ang nguso nito. "Nothing." anito at dumako ang mga mata sa mukha niya, "I told you not to wear eyeglasses, didn't I?" At ano namang pakialam nito kung may suot siyang salamin sa mata? Wala naman sya sa opisina eh bakit hanggang dito eh pinakikialaman sya? "Sir, in the first place you're not my boss right this very moment. Ang boss ko po ay si Sir Raiden. Kayo po, boss ko sa SEP-C." paalala niya sa lalaki at ngumiti pa sya. Nagkibit balikat ito at relax na relax ang aura, "Okay. I'll leave my car, papa-car wash ko." anito at ngumisi pa ng pagka ganda ganda na naman kaya pasimple syang tumikhim para kalmahin ang sarili. Gwapo kasi talaga ng sobra ang maharot na si Sj. Nakakatunaw ang titig, pati na ang ngiti ng lalaking ito, kahit na napakapalikero. Naupo ulit sya sa silya at itatype na ang plate number ng sasakyan nito nang mahagip ng mga mata niya ang isang babaeng nakahalukipkip na parang may hinihintay. Napakaikli ng skirt na suot at konti na lang eh lalabas na ang itinatago ng babae. Maganda at bata pa iyon. Malamang kasama ng amo niyang babaero ang babae na nakaposing. "Why still work here?" usisa ng amo niya bago pa man lang sya makadutdot sa keyboard. Inikot muna nito ang mga mata sa kabuuan ng maliit na office na yun. Bumuntong hininga sya bago sumagot. "Financial crisis and family needs, sir,"simpleng sagot niya. Yun lang naman parati ang problema ng mga mahihirap na katulad niya. "Plate number, sir." aniya ulit kay SJ na hindi kaagad sumagot kaya napaangat sya ng tingin. Her boss is seriously staring at her face, na daig pa niya ang may uling sa mukha. Bahagyang nadagdagan ang pintig ng puso niya. Naiistress na naman sya. Mas lalong gwapo pala ito kapag ganoon na seryoso at parang may iniisip na kung ano. "SJE 069," anito pero nakatingin pa rin sa kanya. Pati ba naman numero ng plaka ng kotse nito ay bastos din? Sixty nine? Pero in fairness bongga talaga ito dahil nakapag request ng letra na ng initials ng pangalan nito. Magtataka pa ba siya ay ganoon naman talaga ang mga mayayaman, daig pa ang may sariling registration company. Itinype niya ang plate number nito. Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niyang pinagmamasdan nito ang ginagawa niya at parang naiilang sya. "What's your name again, babe?" SJ asked in his mildest tone, na parang makapanindig balahibo sa lambing. Hesus! Santisima de Trinidad! Ano raw? Babe? Makailang beses syang kumurap. In denial queen lang sya kung sasabihin niya wala syang nararamdaman na atraksyon sa boss niya. Una sa lahat, ang kagwapuhan nito ang unang rason na makakaakit sa babae at hindi sya tomboy para hindi makita ang kagwapuhan na iyon pero, hindi pa sya sira ulo para tuluyang gustuhin at humanga ng lubos sa maharot niyang boss. Backspace Steph! Utos niya sa sarili. "Stephanie Samaniego, SIR." pormal sa sagot niya at idiniin pa ang salitang, sir, "Four hundred fifty, sir," dugtong kaagad niya sa presyo ng pagka car wash. "Stephanie—I got that." tumaas pa ang isang sulok ng labi nito sa pag-ulit ng pangalan niya habang kumukuha ng pera He handed her one thousand peso bill. Binuksan niya ang sulong para kumuha ng sukli pero nag-salita ito ulit. "No. No. Keep the change, pambili ng takong ng sapatos… Stephanie?" tumaas pa ng bahagya ang mga kilay nito kaya napalunok sya nang palihim. Nasundan pa yun ng magandang mga ngiti, no captivating smile indeed. He's such a magnet. Nakakahipnotismo ang bwat salita at kilos nito at parang na touch sya na ibibigay nito ang sukli sa kanya pambili ng takong. Takong lang talaga? "It's Stephanie Anne sir, actually,” parang nabahiran ng lungkot ang mga mata niya nang maalala ang karugtong na yun ng pangalan niya na naisipan na niyang hindi gamitin simula noong nagkahiwalay sila ng kakambal niya. "It suits you more." anito at ngitian pa sya bago ito umalis sa harap niya. Tanaw pa niyang sumalubong ito ng babaeng naka tube top at kaagad naman na umakbay doon, saka ibinigay ang susi sa nag-ooperate ng automatic car wash machine. Babae na naman nga nito ang kasama. Siguro ay gumagamit ng proteksyon kaya walang takot na sumiping kung kani-kanino. At sa ganoong klase ng pagkatao nito, walang duda na grabeng taas ng libido ng amo niya, baka mas mataas pa sa kagwapuhang taglay nito. Mabait naman pala. Di na tuloy sya nakapagpasalamat sa tip na ibigay sa kanya na mas malaki pa kesa sa bayad sa pagpa-carwash. Pati resibo ay iniwan na rin ng damuho kaya itinago na lang niya sa bag niya. Nahabol pa niya ng tingin ang dalawa sa glass wall habang naglalakad. Siguro papunta sa apartelle ang mga iyon. Napailing na lang sya. Alam na niya ang gagawin ng dalawa. Tulad din iyon ng nakita niya sa office ng supervisor kaninang umaga. *** So, ang sekretarya pala ni SJ ang nakita niya kaninang sumakay ng jeep at hinabol pa niya. The woman he's attracted to was just so right in front of his very eye the whole day. Akala niya kung sino, si Stephanie pala. Well, that ripped jeans made her look sexier. Ang liit ng baywang at ang laki ng balakang nun, not minding the not so well developed boobs. He grinned. It's okay. Dalang-dala naman ng ganda ng mukha at laki ng balakang ang kinulang sa boobs na budget. Kaya parang natulala pa sya na parang pamilyar sa kanya ang dalaga, yun pala ay secretary niya, and her name is Stephanie Anne. Stephanie Anne... He mimicked her name. Nakatunganga sya habang hinihintay ang babae na kasama niya na matapos maligo pero lumilipad pa ang utak niya. Madaldal lang na sobra ang Stephanie na yun pero mukhang mabait naman kasi mapagpahalaga sa pamilya. Family needs and financial crisis, yun ang sabi na dahilan kaya dalawa ang trabahong pinapasok. Hindi ba iyon napapagod? Napailing sya. Parang hindi kakayanin. Isang panggabi at isang pang maghapon. Grabe sigurong pangangailangan nun kaya kumahog na magtrabaho ng dalawa at magkasabay pa. Pero naman, maganda talaga. Napatayo sya at lumakad lakad. Kung hindi lang yun virgin, pinatos na niya yun malamang. Pero ayaw nya sa mga ganoong tipo na probinsyana kasi yun ang mga babaeng mapagpahalaga sa puri, baka mamaya ay magtinikling sya sa dalawang itak kapag pinakialaman niya yun. Hahabol yun ng kasal sigurado. Wag na lang. Trip pa naman sana nyang i-one-night stand. Tama na sya sa mga liberated na babaeng kandarapang nagpapa-iskor sa kanya tulad ng babaeng kasama niya ngayon na lumabas na banyo at hubad na kaagad. "Remove you towel,” utos nun sa kanya kaya relax na tinanggal niya ang pagkalasukbit ng towel sa baywang niya at isinalya yun sa kama. Inilahad niya ang dalawang mga kamay na parang nagmamalaki at di niya masabi na see? Napanganga ang babae nang tingnan ang kabuuan niya. "T-That big?" tanong na naman nun na ikinatawa niya. "Did I forget to inform you that the size is XL?" tanong niya sa babae, "Kaya o hindi?" nagsalubong ang kilay niya at bumagsik ang anyo niya. Sa lahat ayaw niya yung nagpi-pretend din na matapang pero mahina naman pala. Alam naman niyang kaya. Yun lang eh takot yata talaga yung ibang babae. Yung iba naman eh isa yun sa mga dahilan kaya hinahabol sya. At kung maliit ang kanya, kahiya hiya sya sa lahi ng mga Elizares. Ang pangit man tingnan na noong mga bata pa sila ay lahat sila nagkukumparang magpipinsan, and concluding it all…pare parehas lang silang lahat. They're all s*x gods and so captivating, especially when it comes to opposite s*x. Walang imik na lumapit ang babae sa kanya at pinakatitigan ang p*********i niya at kaagad na hinawakan, saka tumingin sa mga mata niya. "Meron bang hindi maganda sa'yo?" the woman kissed her neck. "I believe wala. My best asset are my eyes. I'm the only one who has this pair of green eyes in my clan. I got this from my great grandfather," mayabang na sabi niya sa babae na pababa ng pababa ang halik sa kanya. Meron nga ba? Yun lang sigurong pagiging habulin niya ng mga chicks. Wala eh. Gwapo sya eh! Magaling pa! "Then watch me make those persuading greeny eyes dilate in pleasure." tila may kayabangang sabi rin niyon sa kanya. "Then I'm waiting. Do it now." utos niya sa babae bago itinulak ang ulo nito pababa pa sa kanyang p*********i. Walang sino man na pwedeng humamon sa kanya. Malilintikan, pagdating sa away lalaki man o pagdating nila ng babae sa kama. He's one of the kings and nobody can change it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD