Chapter 3

1905 Words
Chapter Three "Aren't you going to get out of the truck?" tanong ni SJ kay Stephanie nang makababa ito para kausapin si Donya Olivia nang makarating sila sa wakas sa ospital na pag mamay-ari ng babae. Nakapameywang ito habang nakapilig ang ulo paharap sa kanya. Nanunulis ang mga labi ng binata na parang gustong manghalik ng impakto. "Putol yung takong ko, sir." nag-aalala at prankang sabi niya. Gaga kasi sya! Manilip ba naman at dahil sa pesteng daga eh anong nangyari? Magagastusan pa tuloy sya dahil kakailanganin niya ng bagong sapatos. Wala pa naman syang pambili at wala syang pera. Nagkandaubus-ubos na ang allowance niya sa kakapasahe dahil sa paghahanap ng trabaho. Biglang tumawa na lang si SJ dahil sa sinabi niya. Malamang naalala rin ang ginawa niyang paninilip. Di naman nya yun sinasadya. Parang balewala rito kahit nakita niya ang pesteng kwan nito. "Get out." Anito sabay hila nito sa braso niya. "Ay!" mahinang tili niya kaya nahulog sya sa kinauupuan pero sinalo naman sya ng impakto niyang boss. Ang bwisit! Mapilit pa rin kahit ayaw at may may pagkamarahas pa. Napaigtad siya at nagpumilit na kumawala sa mga braso nito. Ang amo niya ang may kakambal ng salitang danger. Sa nakita niya kanina ay halatang mahilig ito sa babae. Ang walang hiya! Paulit ulit tuloy sa utak niya ang akto nang ipagduduldulan nito ng sariling p********e sa bibig ng babae na iyon. Parang naalibadbaran ito sa ikinilos niya kasi nag-isang linya ang mga kilay nito habang nakatingin sa mukha niya. "You decided to do this so you are the one who's in charge to talk to that whale,” anito pa sa kanya at nameywang na naman. "Sinong whale?" anang boses ng babae sa likuran nito. Sinadya niyang huwag sabihin na nariyan na ang Donya para makaganti sya nang pasimple sa manyak niyang boss. Bigla itong napapihit sabay tago sa may likuran niya. "W-Whale? M-Mister W-Whales, I said," kandautal na paliwanag ni SJ habang nakatago sa may likod niya. Pasimple sya nitong itinutulak-tulak. Ang laki-laki nitong tao pero daig pa nito ang batang paslit. "Magsalita ka na, virgin." bulong nito sa may tainga niya kaya nangaligkig siya ng sobra. Sa hininga nito at sa pagtawag nito sa kanyang virgin pero bakit parang insulto iyon sa pandinig niya? Feeling niya pati sya ay mauutal din sa katarantaduhan ng amo niyang babaero. Bwisit! Parang hindi ito boss. Paika-ikang lumapit si Stephanie sa matabang butanding at narinig pa niyang pinagtatawanan sya ni SJ kaya iningusan niya ang lalaki. Kumunot ang noo ni Donya Olivia pagkakita sa sapatos niyang walang takong ang isa. Hinawakan niya ang kamay ng butanding, "Naku Ma’am…" drama mode sya. "Sorry po kung medyo late pero nakaabot naman po, di ba? Saka kita niyo naman, totoo ang sabi ko na personal delivery ni boss ang supplies. Gwapo na…” aniya. "Eh eh eehm!" kunwari tikhim ni SJ na nakatingala sa langit at proud na proud sa sarili. "Babaero pa!" bulalas naman ni Donya Olivia na ikinakamot ng ulo ng isa. Sya naman ang muntik matawa sa hitsura nito. Parang bata at cute cute habang kumakamot ng ulo si SJ. Wala. Basag talaga ang imahe ng isang ito bilang matinong boss. Tama ang first impression niya rito na basta lang makakilos, tapos! Pero wala naman itong sagot sa negatibong komento ng babae. Hindi naman pumapatol kahit na naiinsulto na o baka prou ito na tawaging babaero. Marunong pa rin naman sigurong gumalang si SJ kahit na paano…kahit na palikero at maharot ang lalaki. "O sya sige, ipababa ko na ang mga kahon ng gamot sa tauhan ko." anang babae. "M-Ma’am, sa amin pa ho kayo kukuha sa sunod ha?" malambing na tanong niya roon. Tiningnan muna sya niyon bago tumango, "Mabait ka at responsable. Oo, sa inyo pa ulit kahit masakit sa ulo yang boss mo. Total mukhang kaya mo naman syang pasunurin, mukhang di na magkakaproblema sa susunod. Dapat katulad mo ang mapangasawa ng babaero mong boss." aniyon pa sabay tapon ng makamatay na tingin kay SJ. Bakit ba galit na galit si Donya Olivia sa amo niya? May something ba? "Sir, bakit ho parang mag-ex kayo ni Donya Olivia?" curious na tanong niya sa lalaki habang nananahimik at walang tigil sa pag text. Bigla itong napatigil at tumingin sa mukha niya. "Do you want me to fire you? Nang-aasar ka ba talaga? May gusto kasi yung apo niyan sakin, eh binasted ko." tahasang sagot nito sabay balik ng tingin sa hawak na smartphone. Di niya alam kung kalokohan ba iyon o kung ano hanggang sa isang babaeng pagkaganda ganda ang lumabas mula sa ospital at naglakad papalapit sa kanila. Nakapako ang mga mata nun sa boss niya. "Why are you here?" tanong ng babae kay SJ. Pagkaikli-ikli ng short nito at kita niya sa tagiliran ang kalahati ng pisngi ng pwet sa suot na pekpek shorts. Ano ba yan? Napaiwas sya ng tingin. Parang sya naman ang nahiya. "Business, what else?" makahulugang sagor ni SJ. Parang nahimigan niyang nagbago ang tema ng pakikipag-usap nito, medyo pormal. Kunwari di sya nakikinig. Isinuot niya ang eyeglasses na baon at Ibinaling niya ang atensyon sa yakap na organizer niya at kunwari binuklat buklat yun, pero ang mga tainga niya ay nakatuon ang pandinig sa dalawa. Chismosa lang sya eh, simple lang. "Are you sure it's not about me?" may kahalayang tanong ng babae na lalong iniliyad ang malalaking dibdib. Kita niya yun sa sulok ng mga mata niya. Bigla syang nahiya, maliit ang kanya. "I don't use a woman, twice." simpleng tugon nito. Wow! Halos lumuwa ang eyeballs niya sa suot na salamin. Ano raw? Hindi ito nakikipagsex sa isang babae ng dalawang ulit? Grabe! One night stand lang pala kung maka aura ang boss niya. Matinik talaga! Mabilis na tumalikod ang babae pagkatapos na umismid na halos ikatanggal na nga nguso niyon sa sobrang pagkabaliko. Mukhang gigil na gigil sa amo ang babae pero walang magawa dahil harap-harapan na pinag-reject. Nahabol niya iyon ng tingin habang paseksing naglalakad labas ang mga pisngi ng pwet. Baka yun ang sinasabi ng boss niya na apo ni Donya Olivia na may gusto rito. Maganda pa naman sana. No! Sobrang ganda kaso ipinag-aalukan ang sarili sa lalakeng di naman iyon gustong makasama. Mapanakit din pala ang babaerong amo niya. Nakatulala pa rin sya ng biglang hawakan ni SJ ang organizer niya at ikutin pabaliktad. Napamaang siya sa lalake. "The next time, Make sure you're holding your organizer, accurately. Nagpalusot ka na hindi ka nakikinig at buklat ka ng buklat kunwari, baliktad naman ang organizer mo. Hmmn?" inilapit nito ang mukha sa mukha niya kaya umatras ng kusa ang ulo niya. Tanga lang sya. Bakit ba di niya napansin na baliktad nga ang organizer niya. Pahiya pa tuloy sya. Lumabas na maninilip na sya, chismosa pa! Napalunok sya nang matitigan sa malapitan ang labi nitong mapupula at ang mga mata na green. Kanino kaya nagmana ang kulay ng mga mata ng amo niya? Blue naman kasi ang kulay ng sa ama. Brown naman ang sa ina. Baka kusang patubo nito na berde ang mata, kasi berde rin ang utak at berde rin ang kwan. Ayay! Kung anu-anong pumapasok sa isip niyang kagagahan. Mabilis syang umiwas nang makabalik sa katinuan. Umikot sya sa kabilang tagiliran nito at pasimpleng kunwari ay tiningnan ang mga ibinababang supplies. Kahit paika ika ang paa niya ay wala syang pakialam. Nakatayo na sya nang may humablot sa isang paa niya. "Oy! Ano ba sir?!" aniya sa lalaking ngali ngali ng pukpukin ang ulo na kumukuha sa sapatos niya ng walang paalam. Bastos talaga! Pati ba naman sapatos niya ay kinukursunada. Sira ulo talaga. Sayang ang kagwapuhan, baliw naman! "Give me your shoe!" utos nito nang ipagsapilitan niyang huwag ibigay. "Akin to sir, bakit mo kukunin?" tanong niya at salubong din ang mga kilay niya. Nagsalubong na naman ang magagandang kilay nito. "Will you give me that or I'll fire you right away?" masungit na tanong nito kaya naman napilitan syang hubarin ang sapatos at iniabot iyon kay SJ. Gigil na pinutol nito ang takong ng sapatos niya at nanlaki pa ang mga mata niya nang tuluyang mabali iyon. Itinapon nito patalikod ang takong at sorry na lang kung may tamaan, saka ngumisi ang binata at tinaasan sya ng kilay. Parang proud na proud ito at daig pa ang naka accomplish ng isang bagay na napakahirap gawin, samantalang binali lang naman ang takong ng sapatos niya. Ang babaw ng kaligayan. "Galing ko noh? Wear it now." utos nito sa kanya at pinagsiklop ang mga kamay at panonoorin pa yata syang isuot ang sapatos. Sumunod na lang sya sa gusto nito. Okay naman nga, yun lang ay lalo naman syang lumiit. Kung kanina ay abot baba na sana sya ng boss niya, ngayon ay leeg na lang yata o wala pa. "Salamat sir." kiming tugon niya na lalong ikinaganda ng ngiti nito habang nakatingin sa mukha niya. "You should not wear your eyeglasses. Mas maganda kapag wala." anito sabay kindat sa kanya. Wala sa loob na nalayasan niya ang lalaki at mabilis syang sumakay sa close van truck. Kinakabahan kasi sya sa hitsura nitong grabe kung makaakit. Nakakanerbyos dahil baka maakit sya. Di pa sya baliw para magkagusto sa isang tulad nito na parang suyod sa kuto at hinaharabas ang mga kababaihan kung saan-saan. Compliment ba yun o tinitesting sya kung kakagat sya sa mga patutusada nito? Gwapo nga sana, no, ubod ito ng gwapo sana at friendly naman, kaso lang nasobrahan naman yata sa pagiging palakaibigan dahil parang kahit saan na lang sila makarating ay may babaeng nakukursunadahan. Kanina sa stock room, ngayon sa ospital ni Donya Olivia. Saan naman kaya ang susunod? Mukhang lahat na lang yata ng lugar ay may babae ang lalaking ito. She looked at the side mirror and saw him smiling at nothing. Sira ulo na! Ngumingiting mag-isa ang boss niya. Malamang may naalalang babae kaya abot tenga ang ngiti at mukhang matagal-tagal pa niyang pagtitiisan ito dahil wala syang balak na sumuko sa trabaho niya. May mga plano pa sya para sa pamilya niya, at hindi isang babaerong boss ang magpapasuko sa kanya. She’s determined and willing to word hard though dealing with her boss is quite harder. Iyon ang kauna-unahan niyang trabaho kaya seryoso siya roon. … “I’m going out!” Tigalgal si Stephanie sa amo nang bigla na lamang iyong lumabas ng opisina. Na naman? Kadarating pa lang nito tapos aalis na naman? Aba, hindi kaya magka-AIDS na ito dahil sa kakapambabae? Hindi na yata ito napipirmi sa iisang lugar lang. Saan kaya iyo ipinaglihi? “S-Saan ho kayo pupunta?” nakamaang siya at kahit na ang sekretarya na papaaalis na sa pwesto ay nakamaang din. Pupunta na raw kasi ito sa Canada dahil naroon ang pamilya. “Just going out,” anitong nakangisi sa aparato na hawak. Diyos ko. Halos mapaantanda si Stephanie sa sobrang pagkadismaya. Nakakailang babae kaya ito sa maghapon? Hindi na siya magtataka kung bukas makalawa ay may sakit na ito sa p*********i. “Huwag mo na lang pansinin dahil hangga’t hindi ka umaalis bilang secretary, ganyan ang araw-araw mong makikita, plus pa ang mga nagwawalang kliyente na hindi na-supplayan ng mga kailangan nila.” Nasapo niya ang noo. Hindi pa man lang ay parang gusto na niyang mag-resign kaya lang ay sayang ang pagkakataon. Pagtitiisan na lang muna niya ang bagong boss. Baka naman paghimalaan iyon at kisapmata na magbago at tumino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD