Kabanata 3

1152 Words
AZUL     ILANG lingo ang matuling lumipas at tuloy lang ang buhay para sa akin. Noong una, syempre, nahirapan ako dahil hindi naman ako sanay mag-isa. Pero ngayon ay unti-unting nakapagadjust na ang katawan ko. Hindi ko alam kung hanggang kalian ako ganito o kung kailan ako maghahanap ng trabaho. Sa totoo lang, nawalan na kasi ako ng motivation simula noong nalugi ang pangarap kong negosyo at iniwanan ako ng ex-girlfriend ko para sa pinsan ko.   Naging alcholic ako. Na dati-rati naman ay hindi. Tuluyan na ngang nawalan ng direksyon ang buhay ko sa pagtalikod sa akin ng pamilya ko. Mabuti na nga lang naririto ang computer ko, dahil kung hindi, baka nasiraan na ako ng bait.   Sanay na akong matawagan na talunan at kung anu-ano pa, pero mas masakit sa akin ang ginawang pagtakwil sa akin ng sarili kong pamilya.   Siguro nga, dahil wala akong silbi at kahihiyan lang ako sa mga Falcon.   Nag-iinit ang paligid ng mga mata ko at humiga ako sa manipis na kutson na nabili ko lang sa palengke. Napatingin ako sa mga bote ng alak na nakakalat lang sa maliit na kwartong inuupahan ko. Parang kasing laki lang ‘yon ng banyo ko sa mansion dati.   Pero hindi naman ako nagrereklamo. Hindi naman ako tulad ng mga iba kong kamag-anak na para bang ikamamatay ng mga ito kapag pinantay ng mga ito ang sarili sa ibang tao.   Muli kong binuhay ang computer ko. At binuksan ko ang larong The World Beneath. Iyon ang pangalan ng larong kinahuhumalingan ko ngayon.   Maganda kasi ito at RPG ang laro. Mamimili ka kung ano ang gusto mong katauhan at maglalaban-laban kayo ng ibang gamers din at kung sino ang mananalo ay siya ang matataguriang pinakamalakas.   Nakakatawa mang isipin, pero minsan, nahiling kong sana ay mapunta ako sa mismong laro na ‘yon. Wala kasing impossible sa laro. Parang napakaperfect ng lugar na ‘yon. Malayo sa problema, sa lahat. Kayang magawa rin doon ang mga bagay na hindi nagagawa ng tao sa totoong buhay.   Sana, laro na lang ang buhay, natitiyak kong hindi ako magiging loser.   Marami ring players ang larong ito at ang iba’y gumagastos talaga ng tunay na pera para lang maging malakas ang hero na pinili.   Nagpapasalamat na rin ako dahil naimbento ang kwentong ito, dahil kahit papaano ay natutulungan ako nito sa depression ko.   Nakipag-chat pa ako sa ibang gamers din na katulad ko dahil may live chat naman doon. May mga online friends din akong nakilala sa larong ito.   Saglit na ini-stand-by ko lang ang laro at kumain muna ako ng dinner. Nagluto lang ako ng instant noodles at muling binuhay ang computer set ko.   Sa laro, meron doong freedom wall kung saan ang mga gamers ay pwedeng magsabi ng mga saloobin. At dahil masamang-masama talaga ang loob ko dahil sa nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw, nagtipa ako sa keyboard ko at nagchat ako sa freedom wall. Anonymous naman ‘yon kaya hindi makikita ang in-game name ko.   “Life is so unfair. How I wish I could be inside this game. Just pure happiness. No pain,” Chinat ko ‘yon.   Kahit papaano ay guminhawa at gumaan ang pakiramdam ko.   Hindi kasi ako nakakapagsabi ng sama ng loob ko kahit kanino.   Inubos ko muna ang pagkain ko at nilagay sa lababo ang pinggan. Mamaya ko na huhugasan ‘yon. Muli akong bumalik sa computer ko at nakita kong nagchat sa akin ang system ng laro sa private chat.   “Hi gamer, do you want to play this game in real life?”   Kinilig ako dahil hindi ko akalain na ang mga moderators ng laro na ito ay magcha-chat pa sa akin ng personal dahil lang sa nakitang chat ko sa freedom wall.   Nakangiting nagtipa ako sa keyboard ko. “How I wish I can play this game in real life,” ang ni-reply ko.   Hindi na ako umaasang sasagot pa sa akin ang moderator dahil sa dami ng issue ng mga gamers, impossibleng i-entertain pa nila ako.   Pero mas nagulat pa ako sa reply nito. “If given by chance, will you accept to enter this game and turn it into real life?”   Alam ko namang impossible ‘yon kaya sinakyan ko na lang ang biro sa akin. “Not a bad idea. I wanted to try. But of course, everything has a price. What’s the prize?” nagbibiro lang ako.   Tumayo ako’t hinugasan ko na muna ang pinagkainan ko. Nagwalis na rin ako ng sahig. Mga sampung minute ko siguro ginawa ‘yon bago ako muling bumalik sa upuan ko at hinarap ang laro.   Napanganga nanaman ako dahil nakita ko ang chat sa akin. “Of course, our dear gamer. Nothing is free in this world. This invitation comes with a price,”   Magta-type pa sana ako ng icha-chat ko nang may biglang magpop-out sa screen ng monitor ko. Isang tab na notification at kahit pindutin ko ang X ay hindi natatanggal.   Wala sa sariling binasa ko ang notification na parang warning sa screen ko.   “Dear gamer, thank you for your interest in joining the game. Upon checking, your account is fully verified. Will you accept to join the game and turn it into real life? Please take note that this is a one-time offer only. Once you reject the offer, you will never be able to receive another invitation. However, if you wish to continue and join the game, you’ll be transferred to Elinia, The World Beneath. Do you wish to continue?”   Dalawa lang ang pagpipilian. Yes or No. Natawa ako sa kakaibang gimmick na ‘to. Normally, ang mga ganitong pop-out sa akin ay pinipindot ko agad ang No. Pero curious ako kung ano ang mangyayari sa account ko kapag pinindot ko ang yes. Malo-log-out ba ako? Iki-kick-out ba nila ako sa server? Ano?   Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa ang pinindot ang Yes.   Namatay ang computer ko. Kinabahan ako. Baka na-virus na ang desktop ko. Pero napasigaw ako nang bigla ay may lumitaw na tao sa screen ko na nakasuot ng joker na maskara.   Nanginig ako sa takot nang biglang nagdilim ang buong kwarto ko at wala na akong makita kahit ano. Parnag maiihi ako sa pantalon ko. Maya-maya ay may nakakasilaw na sobrang liwanag at parang portal na nasa dingding ko.   Napasigaw at nagtatakbo na ako palabas ng pintuan ng unit ko.   Pero parang nasa outer space ako. Sobrang lakas ng gravity at parang may magnet na hinihigop ako papuntang portal.   Sinikap ko ang lahat para hindi ako lamunin ng kakaibang butas na ito, napahawak ako sa computer table ko at grabe ang higpit na hawak na ginawa ko huwag lang tangayin.   Pero sadyang napakalakas ng kakaibang pwersang ito at kahit yata ang pinakamalakas na boksinger ay walang magiging laban ditto.   Tuluyan na akong nilamon ng madilim at malakas na pwersa. Ang pagsigaw ko na lamang ang naiwan sa kwarto ko.         ***            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD