Kabanata 2

1073 Words
AZUL   “HOY, teka! Ano bang ginagawa niyo sa bahay namin?!” Nanglalaki ang mga matang sigaw ko nang isang araw, pagkauwi ko galing mag hung-out sa kaibigan ko ay may mga sheriff na nakapalibot sa bahay namin.   Pilit akong pumasok sa loob ng bahay dahil hindi tama ang ginagawa nila. Nilalabas nila ang mga gamit doon at may nakapaskil pa ng kulay dilaw na tape na para bang may krimen na nangyari roon.   Ngunit maagap akong napigilan ng isa sa mga opisyales doon. “Sir, hindi na kayo pwedeng pumasok d’yan…”   “Anong hindi? Okay lang kayo? Eh bahay namin ‘yan! Bahay ‘yan ng magulang ko!” sigaw ko pa.   Huminga nang malalim ang opisyales at pilit na nagpaliwanag sa akin. “Hindi na po pagmamay-ari ng magulang mo, sir, ang bahay at lupa na ito. Hindi na nila binayaran sa bangko. Kaya naman iiliitin na naming,”   Nanglalaki ang mga mata ko. Iilitin ng bangko! At kailan pa kami naghirap? Hindi naman sa pagmamayabang, pero mayaman talaga ako, ang pamilya namin.   Umiling ako. “Baka nagkakamali lang kayo. Impossibleng hindi babayaran ng magulang ko ‘to,”   Isa ang mansion na ito sa matatandang property ng mga Falcon. Kaya bakit hindi babayaran ng kanyang magulang?   May inabot sa akin na papeles ang opisyales. “Heto sir, basahin niyo po,”   Nanakit ang ulo ko kakaintindi sa malalim na ingles. Pero kahit papaano naman ay naintindihan ko. Nakapaloob doon na property na iyon ng bangko dahil hindi na binayaran ng ilang taon ang bahay.   Bakit hindi niya alam ‘yon? “Hindi mo ba alam, sir? Wala na nga po ang ibang mga importanteng gamit. Pati wala na ring tao sa bahay,”   Napako ang focus ko  nang makitang nilalabas ng isang boy ang computer set ko. Nanglaki ang mga mata ko. “Hoy, at saan mo dadalhin ‘yan?”   Napakamot sa ulo ang lalaki. “Eh sir, kasama ho ito sa iilitin,”   Naningkit ang mga mata ko. Hindi pwe-pwede! Naroroon ang data ng nilalaro kong online RPG. Hindi ko pa nase-save ‘yon. Galit na sinugod ko ito.   “Spare this one! I’ll triple the price of this set. Napakaimportante nito sa akin. May sentimental value ‘to,” totoong sabi ko naman. Regalo sa akin ito ng lola ko noong nabubuhay pa ito. Ito lang naman kasi ang nakakaintindi at nagmahal sa akin.   Nagtalo pa kami ng lalaki. Pero maya-maya ay dumating ang parang supervisor nito. “Sige na, huwag nang kunin ‘yan,” tila naawa naman sa akin ito.   Hindi ko alam kung maiinis o magpapasalamat. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.   Pinanood ko na lamang ang pagki-clearing ng mga ito sa bahay namin.   Kaya pala. Maraming kaya pala. Nagtataka ako dahil ilang araw nang wala rito ang pamilya ko. Sanay naman na akong may business meeting ang mga ito kaya hindi na ako nagtaka pa.   Hanggang sa makaalis ang mga ito ay lumong-lumo ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko napakawala kong kwentang tao dahil hindi man lang ako nasabihan ng pamilya ko na aalis na ang mga ito. Kung saan ang mga ito ay hindi ko alam.   Talaga pa lang iniwan na ako ng mga ito. Sabagay, sino nga ba naman ang magtitiis sa isang tulad kong pabigat at palamunin? Walang pangarap at walang direksyon ang buhay?   Talagang tinalikuran na ako ng pamilya ko. Pati na ang magulang ko at mga kapatid.   Wala sa sariling napatingin ako sa computer set ko. Ito na lamang ang natira sa akin. Napangiti ako kahit papaano, now, I’m not alone anymore. May kasama pa rin ako sa kalungkutan.   Sa ngayon, kailangan ko munang asikasuhin kung saan ako hahanap ng matitirhan ko. Kahit papaano’y may tira pa namang pera ang bank account ko, at kasya pa naman ‘yon sa ilang buwan at pagrenta sa maliit na apartment.   Kinabukasan, inasikaso ko na ang mga dapat asikasuhin. Lumipat ako ng lugar sa hindi masyadong sosyal na lugar. ‘Yung can afford lang. Bumili na rin ako ng wifi para may internet ako mamaya kapag naglaro na ako. Kompleto na rin ang gamit ko na pang sarili.   Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa bukas ko, pero kailangan kong maging matatag.   Sinubukan kong tawagan ang pamilya ko at gusto kong tanungin kung ayos lang ba ang mga ito at kung nasaan ang mga ito. Ilang ring na ang ginawa ko, wala pa ring sumasagot.   Kaya nagpasya akong tawagan na lamang ang mga kapatid ko. Pero ganoon pa rin.   Sa huli, no choice ako kundi tumawag sa mga pinsan ko. Sinagot naman ‘yon ni Lenard. Si Lenard ang isa sa pinakahambog kong pinsan. Napakataas ng tingin nito sa sarili.   Pero, wala, kailangan kong lunukin ang pride ko dahil nag-aalala ako sa pamilya ko.   “Hello, Lenard,”   “Oh, Azul, napatawag ka?”   “Ahm… ano kasi, itatanong ko lang kung alam mo ba nasaan ang—”   “Ang magulang mo?” putol nito sa sasabihin ko.   “Ah… eh… ganoon na nga,”   Natawa sa kabilang linya si Lenard. “Bakit, Azul? Hindi mo na ba kayang mamuhay mag-isa? Laki laki ng katawan mo, batugan ka. Bakit hindi ka maghanap-buhay hindi ‘yong asa ka lang sa pamilya mo? Alam mo, kung hindi lang ako nahihiya kila tita at tito, kahit kalian hindi kita kikilalaning pinsan. Nakakahiya maging pinsan ka,” asik nito.   Nasaktan ako sa narinig ko rito. Hindi naman sa batugan ako. Nadepress ako dahil sa nangyari sa negosyo ko at sa pag-ipot sa ulo ko ng ex-girlfriend ko. Idagdag pa ang napakataas na expectations sa akin ng magulang ko at walang suporta ng mga ito sa hilig ko.   “Gusto ko lang silang kamustahin, Lenard,” nagtitimping saad ko.   “Wala kang makukuhang sagot sa akin. Ayaw ipasabi ng magulang mo. Hindi ko sila masisisi. Nakakahiya ka naman talaga. Ayaw na nilang magkaroon pa ng kahit anong konesksyon mula sayo. Tinatakwil ka na nila bilang anak. Good luck, Azul, kung ako sayo mag-ready ka nang magdildil ng asin. O kaya naman mag call-boy ka na lang, tutal ayaw mong nahihirapan sa trabaho…” tumawa ito ng nakakaloko at ibinaba na ang tawag.   Napatiim-bagang ako. Hindi ako bulag sa pagiging plastic sa akin ng mga kapamilya ko. Pero hetong hinahamak na nila ako, mas hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Mas naramdaman ko tuloy ngayon ang pag-iisa ko.   Sobrang nakakalungkot.     ***  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD