"Hayup ka! H'wag mo lang akong bubuhayin dahil sisiguraduhin ko na pagsisihan mong nabuhay ka sa mundong ito! Pagpipira-pirasuhin kita!" galit na galit na babala ni Rey sa lalaking nagpapahirap sa kanila ni Faith. Panay ang piglas niya sa kadenang bumibihag sa kanya ngunit ni katiting ay hindi iyon lumuwag. Imbes na matakot ay ngumisi lang sa kanya ang lalaki at pinapatuloy ang pagpapahirap kay Faith. "Aaaahhhhh!" hiyaw ni Faith dahil hinataw na naman ng lalaki ang likod niya ng latigo. Kulang na lang ay mabasag na ang mga ngipin niya sa pagtitiis niya sa mga sakit na pinapadanas sa kanya. "Tama na!" sigaw na naman ni Rey. Lumalabo na ang tingin nito dahil sa madaming dugong nawawala rito pero kitang-kita pa rin nito ang paghihirap sa kanyang asawa. At sa isa pang hataw ng lalaki sa la