"Aaaaaahhhhhhhh!!" palahaw ni Rey sa sobrang sakit na naramdaman. Pakiramdam nito ay nahahati ang katawan nito sa ginagawang pagto-torture sa kanya ng tauhan ni Bardero. Nakatali ang dalawang kamay nito ng kadena pataas. Nakadipa ito na walang saplot sa pang-itaas na katawan. Ang dalawa nitong paa na nakatali rin sa kadena ay pabukakang nakatayo, na paminsan-minsan ay bumibigay kaya napapaluhod ito. Kitang-kita na sa hitsira ni Rey ang matinding paghihirap na tinatamasa. Putok na ang bibig at isang mata nito. Tumutulo ang dugo sa noo at ang daming sugat sa katawan. "Tama naaaaa!!!" hiyaw rin ni Faith. Awang-awa siya kay Rey. Nakaupo naman siya sa lumang upuan sa harapan ng asawa. Nakatali ang tiyan niya doon, pati ang paa at kamay. Basang-basa at nanginginig ang buong katawan sa sobrang