"Okay ka lang?" tanong ni Jomar kay Jhie. Malapit na sila sa isla kung nasaan si Bardero. At sana naroon nga sina Faith at Rey saka si Don Savillano upang mailigtas na nila sila. "Jomar, natatakot ako. Naalala ko 'yung pakikipaglaban natin noon kay Len ta's namatay si Jay-r," nanginginig na pag-amin ni Jhie. Inakbayan ni Jomar ang kasintahan. "Parehas lang tayo pero may awa ang Diyos, Jhie." "Pero natatakot talaga ako lalo na para sa mga tauhan natin. Hindi ko alam kung tama ba na iri-risk nila ang buhay nila para kina Faith. Kung tutuusin ay hindi na ito sakop ng trabaho nila sa atin." "Gusto nila ito.Kung hindi naman kina Faith at Rey at pati na kay Don Savillano ay wala sila ngayon kung sa'n sila ngayon. Nagbabalik lang sila ng utang na loob at mahal din nila si Faith at Rey bilang