PART 6

1035 Words
Natigilan at nahintakutan si Don Savillano nang maramdaman nito ang dulo ng baril na inilapit sa sintido nito. Napatuwid din ng upo ang Don. Kasunod niyon ay malakas na palo sa batok ang naramdaman ng Don na siyang nagpawala agad sa ulirat nito kaya hindi na ito nakapanlaban pa. "Dad! Napayakap sa kanyang anak si Faith sa napanood. Kuha iyon ng CCTV footage sa bahay nila. Napapikit din siya ng mariin. "Mommy, si lolo." Napaiyak naman ng batang si Honey. Siya ang matapang dahil hindi niya man lang inalis ang tingin sa monitor ng computer. Kitang-kita niya ng pagkaladkad sa kanyang Lolo Savillano ng tatlong lalaki palabas sa silid. Nakuyom niya ang mga kamay niya at nagtangis ang kalooban niya. Kung puwede lang na pumasok siya sa loob ng TV at pagpipira-pirasuin niya ang mga lalaki ay ginawa na niya. How dare them to mistreat her Lolo! "Don't worry, anak, we will save your lolo," Faith told to her daughter sturdily then kissed her in her peak of head. Pagkatapos ay tumingin siya kay Jhie na kasama rin nila sa sandaling iyon. Kanina, nang kinutuban siya nang masama sa agency nila gawa nang nabasag na picture frame ng kanyang Dad ay nagmadali agad silang umuwi kasama si Jhie. Anong panlulumo niya dahil hindi nga siya nagkamali nang masamang kutob. Nadatnan nila sa bahay ang mga wala nang buhay na mga kasambahay nila at mga guwardya. "Malapit na raw sina Rey at Jomar," sabi ni Jhie. She nodded once at pinilit pinakalma pa ang kanyang sarili tapos ay si Honey naman ang inalo. "Stop crying, anak. Don't you worry, I will take your lolo back from them. I promise," mas matatag niyang sabi. Her face taut, and her eyes wrinkled an austere brow. Totoo ang sinabi niya dahil pagbabayarin niya ang gumawa nito. Isinusumpa niya! "Is Lolo okay, Mommy?" Umiiyak pa rin si Honey. "Yes, anak. I'm sure he's okay. Don't worry to much." "I want to save Lolo, Mommy. Payagan mo po akong umalis at hanapin siya. I will bring him back." Natitig siya nang husto sa mukha ng kanyang anak. Nahintakutan siya sa galit na makikita niya sa mukha at mata ng anak. Kinilabutan din siya nang matindi. "Please, mommy. I'm going to kill them all," giit pa ni Honey. She shook her head numerously. Inayos niya ang buhok ng anak, she pushed a strand of Honey's hair back behind her ears, tapos ay pinunas ng mga palad niya ang luha at pawis nito sa noo. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "No, anak. Sorry pero kasi ay laban ito ni Mommy. I will be the one to save your lolo because it was me whom they wanted. I am the reason why they took your lolo." It's so rediculous na kinakausap niya ang anak niyang ten-year-old pa lamang sa mga ganoong usapin. Kahit siya man ay hindi siya makapaniwala na nakakaunawa ang kanyang anak at nakikisali na sa mga problemang ganito gayong dapat ay naglalaro pa lang ito. "Then, I will help you. Let's save Lolo, Mommy. Malapit na ang birthday ko. I want Lolo back before my birthday," giit ni Honey. "I said no! Huwag matigas ang ulo mo!" Magdadahilan pa sana si Honey. Ipagpipilitan pa rin ang gusto. "Faith! Honey!" pero bungad na kasi ni Rey kasama ang Tito Jomar niya kaya ibinilang ng bata ang inuungot sa ina. "Daddy, they kidnapped Lolo," nagsumbong at nagpakarga agad ito kay Rey. "What happened?" tanong ni Rey sa anak pagkatapos halikan sa noo tapos tumingin sa asawa. Sina Jomar at Jhie ay nagyakap din. "Si Daddy, kinuha ng mga tauhan ni Bardero," sabi ni Faith sa asawa. Naluha ulit siya. "Ano?!" nanlaki ang mga mata ni Rey. Plinay ulit ni Faith ang CCTV footage at kahit si Rey ay napakuyom nang mapanood iyon. "Dad, let's save Lolo," pakiusap ng batang si Honey sa ama. "Yes, anak. We will. They will pay for this," may kasiguraduhang tugon ni Rey sa anak saka kiniss ulit ito sa noo. Pagkatapos ay makahulugan silang nagkatinginan ni Faith. Pinatulog muna nila si Honey bago nila pinag-usapan ang dapat gawin. "Sasamahan kita. Hindi ako papayag na ikaw lang," giit ni Rey nang ipagpilitan ni Faith na dapat siya lang ang susugod sa mga kalaban. "Kung tayong dalawa paano si Honey kung mangyaring masama sa ating dalawa?" "Faith, sinabi na ni dlDad na mas matinding kalaban si Bardero. Kaya kailangan mo ako." Nagtatalo na silang mag-asawa. Habang sina Jhie at Jomar ay pilit tini-trace ang kinaroroon ni Bardero. Busy si Jhie sa pagtitipa sa computer. Napakabilis ng mga daliri nito. Pinapasok nito lahat ang mga system ng mga CCTV na puwedeng nadaanan ng sasakyan nina Bardero mula sa bahay nina Faith. Si Jomar ang pasulyap-sulyap sa mag-asawa. Nakikiramdam. "Saka nandito naman sina Jomar at Jhie na titingin sa anak natin," pagrarason pa ni Rey. "Rey, please! H'wag ka nang mapilit! I can handle this alone! Ang gawin mo ay bantayan mo ang anak natin at baka bumalik sila!" pasigaw nang sabi ni Faith gawa ng stress. "Sorry, Faith, pero hindi ako papayag. Asawa mo na ako ngayon kaya kahit anong laban mo ay laban ko na rin. Sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo. Dalawa tayo na lalaban para makita ulit ni Honey ang pinakamamahal niyang lolo," pagkasabi n'on ni Rey ay buong pagmamahal na niyakap ang asawa. Napaiyak na si Faith sa mga bisig ni Rey. Iyak na magkakahalo ang dahilan. Mga dahilan na paano kung hindi niya maililigtas sa pagkakataong ito ang ama niya? Paano kung hindi nila makayanan ang laban na ito? Paano na ang kanilang anak? "Gotcha!" dikawasa'y narinig nilang bulalas ni Jhie. Napatingin sila sa dalaga. Nakangiti nang tumingin din sa kanila ito. "Nasa Isla Buenavista sila," saka nakangising pagbibigay impormasyon. Nanlisik ang mga mata ni Faith. Oras na para lumaban ulit....... ********** Ang hindi nila alam ay nakangisi na ngayon si Bardero at ang hacker din nito. Sinadya talaga ng mga ito na papasukin si Jhie sa system nila at ma-track sila para sa mga plano nito. "Good job," tapik ni Bardero sa lalaking mahusay rin sa computer katulad ni Jhie tapos ay ngumisi ito ng malademonyo. Malapit nang mag-umpisa ang ninanais nitong laro......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD