PART 5

1300 Words
"Come in," tugon ni Don Savillano sa kumakatok sa silid nito. Pumasok si Yaya Jamaica na may dalang tray ng pagkain. "Sir, kumain na po kayo." Bumangon ang medyo mahina na ring si Don Savillano dahil na sa katandaan nito. Naka-roba pa rin ang matandang Don dahil kagigising pa lang at medyo masama ang pakiramdam. "Where's Honey?" tanong ng Don kay Yaya Jamaica na naglalapag ng kakainin nito sa pinaka-dining area ng maluwang nitong silid. Yumukod muna ang yaya na si Jamaica bago sumagot sa among matanda. Ito ang yaya ni Honey na trabaho ring dalhan ng pagkain ang Don dahil kay Honey. "Wala po siya rito, Sir. Maaga po kasi silang umalis ni Ma'am Faith." Tumango-tango si Don Savillano. Naalala na nitong ipapakilala nga pala ngayon ni Faith si Honey sa mga tauhan nila para maturuan. At dahil wala sa bahay ang pinakamamahal na apo ay nalumbay ang Don. Nasanay na kasi ito na si Honey ang nagdadala ng pagkain nito kasama si Yaya Jamaica. "Maiwan ko na po kayo, Sir." Yumukod ulit ang yaya sa Don at lumabas na nga. Ang hindi alam ng Don ay bago isara ni Jamaica ang pinto ay isang makahulugang tingin muna ang pinukol nito at nang maisara nito ang pinto ay ngumisi ang dalagang katulong. Mayamaya ay makikitang nagmamadali na itong tumalilis palabas ng malaking bahay. Walang kaalam-alam si Don Savillano sa masamang mangyayari ngayon; na sa mga sandaling iyon ay isang itim na magarang kotse ang naka-park ngayon sa 'di kalayuan ng mansyon nila. Nag-aantay ang mga sakay niyon ng tyempo na malooban ang mansyon nila. Si Jamaica na yaya ay pasimpleng nakikiramdam sa paligid bago ipinagpatuloy ang paglabas. Ang mga guwardya ay tiwala naman na sa dalaga dahil medyo matagal na si Jamaica sa paninilbihan sa Don at sa mag-asawang Faith at Rey. May ilang buwan na at maasahan naman talaga. "Saan ka?" sita ng isang guwardyang nagbabantay sa gate ng malaking bahay kay Jamaica. "May bibilhin lang na personal kong kailangan riyan sa malapit na store. Nagpaalam na ako kay Don Savillano nang dinalhan ko siya ng pagkain ngayon lang." Hindi man halata pero kinakabahan ang dalagang yaya. "Sige, bilisan mo lang," pagpayag ng guwardya. Tinanguan nito ang kasamang guwardya at binuksan na nga ang gate para sa yaya na lalabas. Hindi nila napansin ang mas nagmamadaling lakad ni Jamaica nang makalabas. Patingin-tingin siya sa likod niya. Nangangamba na baka may sumunod. At nang masiguro niyang wala ay nilapitan na niya ang magarang kotse na kanina pa nakaparada sa 'di kalayuan at nag-aantay. Patingin-tingin pa rin si Jamaica sa paligid habang pasimple niyang kinatok ang tinted na salamin ng sasakyan. Dagli naman iyong nagbukas. "Good morning, boss," at bati niya sa lalaking prenteng nakaupo sa loob ng sasakyan. "Jamaica, anong status sa loob? Sigurado ka bang si Don Savillano lang ang naroon?" tanong ng lalaking katabi ng driver nang walang katinag-tinag. "Oo, sigurado ako kasi nakita ko kanina na lumabas si Sir Rey tapos sumunod sina Ma'am Faith kasama ang anak nila," tiwalang sagot niya. "Good," saad ng lalaki bago lumingon sa big boss nila. "Boss, ano tuloy na ba ang plano ngayon?" Kumurap ang lalaking madaming tattoo sa katawan. Mahahalatang galing talaga ito sa kulungan. Tapos ay tumingin ito kay Jamaica. "Ituloy niyo na dahil kating-kati na ako na paglaruan ang pamilyang 'yan." Ngumiti si Jamaica sa big boss nila. Nauunawaan niya ang big boss nila dahil ilang buwan na kasi ang paghihintay nito para mangyari ang matagal na nilang plinano. Iyon ay ang looban ang bahay nina Don Savillano habang wala ang mapanganib na sina Faith at Rey. Ang katotohanan ay pumasok lamang siya bilang yaya sa malaking bahay upang maging spy. May iniabot ang lalaki sa kanya at isa iyong itim na bote na may pulang ekis ang tatak. Bote ng lason! "Ipainom mo sa lahat ng bantay iyan na hindi nila namamalayan. Ihalo mo sa pagkain nila tapos kontakin mo kami kapag okay na. Nandito lang kami mag-aantay sa signal mo kapag puwede na kami pumasok." "Copy." Ngumisi si Jamaica na kinuha iyon tapos ay ibinulsa na iyon sa pang-yaya nitong kasuotan. "Pero bakit hindi ko na lang idamay si Don Savillano para matapos na ito?" Awtomatiko na nanlisik ang mga mata ng big boss nila. "Tanga!!" saka singhal nito. Napahiya ang dalaga. "Nakalimutan mo na ba na ang gusto ni boss ay siya ang papatay sa Don Savillano at anak nitong si Faith pero bago ang lahat ay paglalaruan muna sila?" bulong ng lalaki sa kanya. Ito man ay natakot sa bulyaw na iyon ng big boss nila. Isang pagkakamali lang kasi nila ay patay sila. Nahihiyang nagyuko si Jamaica ng ulo. Nawala sa isip niya iyon. "Sorry, boss." Hindi ulit umimik ang big boss nila. Nakatiim-bagang lang ito. Ganito na ito simula namatay ang ama nitong si Graciano at binalak na gantihan ang pamilya nang pumatay sa ama nito. Lagi na itong galit. "Sige na, kumilos ka na. Siguraduhin mong hindi ka papalpak," pagtataboy na ng kausap niya sa dalaga. "Sige, boss." Tarantang umalis na si Jamaica roon at tinungo ulit ang malaking bahay para isakatuparan na ang masama nilang plano. Yumukod siya sa mga guwardyang nadaanan. "Oh, 'di ba sabi ko mabilis lang ako," at saka pilyang aniya. Walang naging reaksyon ang mga guwardyang seryoso sa sinumpaang tungkulin na bantayan ang malaking bahay ng mga Savillano. "Siya nga pala, gusto niyong miryenda? Igagawan ko kayo?" Wala pa ring tugon ang mga guwardya. "Susss, nahiya pa kayo. Sige wait lang gagawan ko na kayo." Maliksing iniwan niya ang mga ito pero nang marating ang bandang kusina na walang CCTV ay parang masakit ang dibdib niyang nasapo iyon. Medyo ninenerbyos din kasi siya sa gagawin. Oras na pumalpak siya ay katapusan na niya. Nang okay na ang pakiramdam niya ay seryoso na ngang gumawa siya ng miryenda para sa mga guwardya at para sa mga kasamahan na rin niyang kasambahay. Nag-bake siya ng cake. Bahala na. Kahit hindi naman niya gawin ito ay mamatay pa rin siya. Papatayin naman siya ng big boss nila kaya susugal na lang siya. Sorry na lang sa mabait na mag-asawang Faith at Rey. Trabaho lang. "Jamaica, ano 'yan?" tanong ng isa niyang kasamang kasambahay na pumasok sa kusina. "H'wag kang maingay pero birthday ko kasi ngayon kaya gumawa ako ng cake. Simpleng cake lang para sa ating lahat," pagsisinungaling niya pero sa magiliw na tinig. Natuwa ang katulong na iyon. "Ay, gano'n ba. Eh, dapat sinabi mo para mabigyan ka ng bunos nina Ma'am Faith. Malay mo bigyan ka ng bonus o regalo." Humagikgik siya kunwari. "Suss, 'wag na. Nakakahiya." "Ay naku, kung nahihiya ka ay 'wag kang mag-alala ako ang magsasabi kina Ma'am at Sir mamaya." "Bahala ka," tipid na lang na aniya saka inilabas na sa oven ang cake. "Wow, mukhang masarap, ah," anang katulong. Akmang titikim agad ito buti at nasaway niya kung hindi tigok agad ito dahil sa nakalagay na lason sa cake. "Mamaya na. Tulungan mo muna akong bigyan ang mga guwardya. Sabay na lang tayong kakain 'pag nabigyan na natin silang lahat." "Ay, sige sige," tuwang-tuwa na saad ng kapwa kasambahay. Tulungan na silang ini-slice ang cake at binigay na nga sa mga kapwa nila kasambahay at sa mga guard. Saglit lang ay sarap-sarap na silang kumakain lahat. Hindi nga lang nagtagal ay isa-isa nang nagtumbaan sila dahil bumubula na ang mga bunganga nila. "A-ano'ng n-nilagay mo sa c-cake?" hirap na humingang nagawang itanong pa ng kasambahay sa kanya. Hawak nito ang leeg. Malakas na halakhak ang tinugon niya. Saglit nga lang ay natumba na rin ang kasambahay na iyon. Tinadyakan niya ito ng ulo. Haharang-harang, eh! At nang makita niya na tumba na ang lahat ng guwardya ay inilabas na niya ang kanyang cell phone para tawagan si big boss nila.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD