PART 7

972 Words
"Okay ka na?" paniniguro ni Jay kay Faith nang lumapit na ang asawa sa kanya pagkatapos ang madamdamin nitong paghalik sa natutulog nilang anak. Ora mismo nang malaman nila ang lugar kung nasaan si Bardero sa tulong ni Jhie ay nagplano na silang mag-asawa at kumilos. At ngayon na nga ang alis nila. Hindi na nila papatagalin pa ang pagliligtas kay Don Savillano. Sana nga lang ay buhay pa ang Don at hindi agad tinuluyan ng anak ni Graciano na naghihiganti sa kanila. "Oo," malungkot na sagot ni Faith sa asawa. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya muna si Honey na tulog na tulog. Nagpaalam siya sa anak na hindi ginigising dahil siguradong mangungulit itong sumama kung magkataon; na hindi niya mapapayagan dahil napakadelikado. Mas mainam nang ganito na lang na aalis sila ni Rey na tahimik. Si Rey naman ang kumilos. Walang kaingay-ingay rin nitong nilapitan si Honey at masuyong hinalikan sa noo. "Sleep well, baby. Bukas makikita mo na ang lolo mo," saka mahinang sabi nito. Pagkatapos ay kinumutan nito ang anak. Kumilos si Honey pero umayos lang ng higa ang bata. Napangiti si Rey sa anak. Nagtanguan na silang mag-asawa nang tumingin sa isa't isa. Lumabas na sila sa silid na iyon anh kanilang anak. Marahang isinara ni Rey ang pinto. Makikitang nag-aantay sa kanila sina Jomar at Jhie. "Aalis na kami," sabi ni Faith sa dalawa. "Kayo na ang bahala kay Honey," sabi rin ni Rey. "H'wag kayong mag-alala at mag-iingat kayo," tugon ni Jhie. "Ito," tapos ay may inabot ito kay Faith. Kinuha iyon ni Faith at isinuot sa tainga niya. Iyon 'yung tulad ng dating gadget niya na singsing na nagiging hikaw. "Pare, ingat, hah? 'Pag hindi kaya kontakin niyo agad kami. Sina James at Tyron nasa malapit niyo lang. Sinabihan ko na sila na mag-antay-antay," bilin ni Jomar kay Rey. Nagkamayan silang magkaibigan. Sina James at Tyron ay tauhan nila sa agency na tulad din nila. Ang nais nga sana ni Jomar ay team na silang pupunta para masa madali ang pagbawi kay Don Savillano pero ayaw ni Faith. Ang dahilan ni Faith ay laban daw nila ito kaya walang makikialam hangga't maaari. "Sige, pare," tapik ni Rey sa balikat ni Jomar. May ikinabit din si Jhie sa may bandang likod ng tainga ni Rey. Isang napakaliit na bagay iyon na hindi basta-basta makikita ng sino man. Nagkulay green iyon, hudyat na gumagana tapos ay namatay din ang ilaw. Isa iyong transmission device na dumidikit sa balat ng tao. Bagong gadget nila na kabibili pa lang nila para sa agency nila, para sana sa mga special project nila, pero dahil kakailanganin ito ngayon ay first time nila itong gagamitin. "Kapag nagkaproblema, pindutin mo lang at maririnig kita," saka sabi ni Jhie kay Rey. Tumango si Rey sa kaibigan ng asawa. Nagkatinginan ulit silang mag-asawa. Tipid silang nagngitian. Handa na sila. Saglit nga lang ay umalis na nga silang mag-asawa lulan ang isang kotseng kinuha ni Jomar sa kung saan para hindi sila ma-trace ni Bardero. Nag-ready na rin si Jhie sa harap ng computer. Ang daming tinitipa-tipa ang dalaga sa keyboard na siya lang ang nakakaintindi bilang hacker. Si Jomar ay taga-alalay lang muna sa nobya habang hindi pa nagigising si Honey. May camera silang inilagay sa silid ng bata para makita ni Jomar kung magigising ito. "Salamat, Eva," sagot ni Jhie sa nag-report na isa pang tauhan nila sa agency na si Eva Angeles. Ready na raw ang motor boat na sasakyan nina Faith at Rey mamaya patungong Isla Buenavista. Agad iyong ipinaalam ni Jhie kay Faith. "Copy," tipid na sagot ni Faith kay Jhie saka pinindot ang hikaw. "Nasa pier na raw ang motor boat," at pagbibigay impormasyon din nito sa nagmamanehong asawa. "Okay, laban na!" Mas pinaspasan ni Rey ang takbo ng kotse. Wala pa rin silang kaalam-alam na naka-monitor sila kay Bardero. Nakangisi si Bardero sa sandaling iyon habang pinapanood silang mag-asawa. Kampanteng nakaupo si Bardero sa tabi ng hacker din nito. Nag-aantay lamang na lumapit sa pamingwit nito ang mga isda na gusto nitong huliin. "Steady ka lang muna," sabi ni Bardero sa hacker nito bago iniwan ito dahil alam nitong matatagalan pa ang mag-asawa. Pagdating nina Rey at Faith sa pier ay halos paliparin ni Rey ang motor boat. Hawak-kamay silang mag-asawa na seryosong nakatingin sa harapan. Napakaganda ng dagat, napakapayapa, kabaliktaran ng nangangambang mga kalooban nila. Tao lang din sila kaya natatakot din sila. Tulad din nila ni Jhie na kahit nasa harapan lang ng computer at inaalalayan ang mag-asawa ay walang pagsidlan din ang nerbyos na nadarama. Nakikita pa nito sa computer ang papalayong sasakyang pandagat nina Faith at Rey. "Ngayon na!" hanggang sa utos na ni Bardero sa hacker nito. Awtomatiko na napakabilis ng mga daliri ng hacker na iyon na tumipa sa keyboard ng computer. Namilog naman na ang mga mata ni Jhie nang bigla-bigla ay nag-NO SIGNAL ang computer niya at ang daming character na nagsilabasan. Nawalan na siya bigla ng control kina Faith at Rey. "Sh*t!" napamura si Jhie na mabilis ding tumipa sa keyboard nito. Nilabanan niya ang hacker na pumasok sa system nila. "Bakit?" tanong ni Jomar sa nobya. Sa kilos ni Jhie ay nahalata nitong may problema. "Nawala ko sina Faith at Rey! Biglang naputol ang connection!" naalarmang sagot ni Jhie na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa. "Ano?!" Nataranta na rin si Jomar. Pinindot niya ang hightech bluetooth headset sa tainga niya. "Rey! Rey! Ano'ng nangyayari sa inyo diyan?! Sumagot ka, pare! Tang ina!" Subalit walang Rey na sumasagot dahil na-disconnect na rin ang linya sa mga device nina Faith at Rey. Napakabilis ng hacker ni Bardero. Mas magaling ito kay Jhie. Ang lakas ng tawa ni Bardero ng mga sandaling iyon. At si Honey, bigla ay nagising ang bata na takot na takot sa napanaginipan niya. "Mommy! Daddy!".......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD