PART 4

1275 Words
"This is Honey, my daughter. Gusto ko ituro niyo lahat sa kanya ang mga nalalaman niyo," blangko ang hitsura na pakilala ni Faith sa anak niya sa kanyang mga tauhan. Pinasadya niyang pinatawag ang mga ito upang makilala ang kanyang anak at magbigay-aral kay Honey kapag sila ay may spare time. "Hello po," bati ni Honey sa dalawang lalaki at tatlong babae na lihim na nagtratrabaho sa detective agency ng mga parents nito. Dahil sa ka-cute-an ni Honey ay tipid na napangiti ang mga seryosong tauhan ni Faith. "Guys, gusto ko turuan niyo siya na parang ibang tao at hindi parang bata. Don't you worry dahil naturuan na siya ni Dad kaya hindi na siya mahihirapan. At para sabihin ko sa inyo, nakapatay na rin 'yan ng tao," pagbibigay impormasyon ni Faith sa mga tauhan niya. Halata na napipilitan lang siya dahil panay ang pagbuntong-hininga niya. Napamaang naman ang nga tauhan niya. Hindi sila siguro makapaniwala dahil napakabata pa ni Honey. Sino nga ba naman ang mag-aakala? Siya nga na ina ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon, eh. Humagikgik sa kanila si Honey at nag-peace sign sa kanila. "Hi, Honey. Ako ang magtuturo sa 'yo about sa computers," excited na unang nag-approach si Jhie sa bata. "Really, Ninang Jhie?" Natuwa ang bata. Kinikilig ang hitsura nito. "Oo, at sisigiraduhin kong mas gagaling ka kaysa sa akin. You like it?" Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Honey. Hindi naaalis ang mga ngiti nito sa labi. "Thank you, Ninang Jhie." Sa katuwaan pa ay yumakap si Honey sa Ninang Jhie nito. "Welcome to the group, Honey. Ako si Kuya James mo. Ako naman ang magtuturo sa 'yo paano maging magaling sa mga baril," sabi naman ng isang lalaking guwapo. May lahi yatang Amerikano. Pagkatapos ni James ay sunod-sunod na nagpakilala na nga ang mga tauhan ng agency. Giliw na giliw sila sa pinakabatang myembro ng kanilang grupo. Iba-iba ang mga kakayahan ng mga ito kaya excited lahat na turuan ito. Hinayaan na ang mga ito ni Faith. Pumasok sila ni Jhie sa pinaka-opisina niya at para siyang pagod na umupo sa kanyang executive chair. Magkagayunman kasi ay hindi pa rin talaga siya sang-ayon sa pinapasok ng anak. "Jhie, gawan mo sila ng schedule kung kailan nila tuturuan si Honey," saka seryosong sabi niya kay Jhie. "Sige. Buti naman pumayag ka na sa gusto ng anak mo?" Nahilot-hilot niya ang kanyang sintido. "Not really. I just don't have a choice dahil sa anak na iyon ni Graciano. Tama naman kayo ni Dad. Dapat talaga ay kaya ring ipagtanggol ni Honey ang kanyang sarili dahil sa klase ng mga taong nakapaligid sa atin. Kung nanganganib ang buhay natin ay malamang siya rin." Jhie smiled widely by that. Naka-cross arms nitong nilingon si Honey na nakikipagkulitan sa mga kasamahan. Ang pure glass kasi na salamin na ginawang dingding sa pinaka-office nila ay kita ang mga nangyayari sa labas. Doon sa labas ang hindi kita sa loob. Pinasadya ni Faith na ganoon ang opisina nila. "Para talagang ikaw kasi ang anak mo. Pustora pa lang niya, oh," pagkuwan ay anito. Nailing siya na napatingin din sa anak. Yeah, inaamin na niyang parang siya talaga si Honey noong bata siya. However, hindi niya ikinaka-proud iyon dahil mas magiging proud siya sana sa anak kapag iba ang gusto nitong tahaking buhay. Puwede namang doctor sana. Actually, doctor talaga ang pangarap niya para kay Honey. Maliban sa marangal na trabaho o propisyon iyon ay magagamit din nila rito sa agency nila sana dahil ang propisyon na iyon ngayon ang kulang sa kanilang grupo. Kailangang-kailangan nila ng doctor kapag may nasusugatan silang tauhan na malala. Kung sana iyon na lang ang pangarap ng anak niya ay hindi na sana kailangang magbayad sila ng lihim sa mga doktor sa mga susunod na maraming taon. Ngayon kasi ay nagpapa-house call pa sila ng isang doktor para gumamot sa mga tauhan nila kapag napupuruhan. Tulad din kasi ng mga kriminal ay hindi sila puwedeng magpagamot sa mga ospital dahil siguradong maiimbestigahan sila, iyon ang iniiwasan nila, lalo na kung tama ng bala ang sugat nila. Legit ang kanilang agency pero iwas pa rin sila sa hospital. "Teka, nasaan pala si Haydee?" dikawasa'y pansin niya sa paligid nang 'di niya makita ang isang tauhan. Sina Jomar at Rey ay sadyang wala dahil may nilakad na trabaho. "Ay oo, 'di ko pa pala naire-report sa 'yo. Si Haydee ay binigyan na namin ni Jomar ng assignment." She frowned. "What?" "Eh, kasi kinulang tayo ng tao at siya na lang ang available." "Sana tinanggihan niyo na lang ang trabahong 'yon. Haydee is not yet ready." Nakaramdam siya ng pangamba para sa isang tauhan. Si Haydee kasi ay tini-training pa lang niya. "Don't worry, Faith, kayang-kaya naman niya ang trabaho dahil ang hanapin lang naman o alamin ang totoong pagkatao ni Mr. Hired Killer ang tratrabahuin niya. Hindi iyon delikado. She didn't need to fight. Author's Note: Please read also WRONG TARGET ( A deal with Mr. Hired Killer) story if you want po. May kaugnayin rin po kasi ang story na ito sa story na iyon. Salamat. "Are you sure? Dapat ay una pa rin ang kaligtasan nila kaysa sa trabaho. You know that, Jhie. It's our number one rule." "Oo naman. 'Di namin iyon nakakalimutan ni Jomar pero malaki ang tiwala namin kay Haydee." "Okay then," pabuntong-hiningang tipid na sabi niya na lang. May tiwala siya kay Jomar at Jhie sa pag-aasikaso rito sa agency nila. Alam nilang mag-asawa na pangangalagaan ng mga kaibigan nila ang tinayo at mahal nilang negosyo. Natuon ulit ang tingin nila ni Jhie kay Honey na nakikipagkarate sa isa nilang tauhan. Tuwang-tuwa ang mga tauhan nila sa bata. Hanggang sa isang tila paglipad ni Honey dahil nagpapakitang gilas ito sa mga magiging couch nito ay nasagi nito ang malaki at naka-frame na larawan ni Don Savillano. Lumagapak iyon sa sahig at nabasag. "Honey!" Napakabilis na lumabas sa office si Faith para saklolohan ang kanyang anak. "Mommy, I'm sorry," paghingi agad ng bata ng tawad sa kanya na yumakap. "Sorry po, Ate Faith," sabi rin ng isa sa mga tauhan niya. "Sa schedule niya na lang kasi kayo magturuan! Linisin niyo 'yan!" makapangyarihang utos niya sa mga ito. Pagdating talaga sa kanyang anak ay nawawala siya sa sarili. "It's okay, Baby. Shhh!" Hinagud-hagod niya ang likod ng anak at hinalikan ito sa buhok. "Ako na," pigil ni Jhie sa mga tauhang maglilinis nga sana sa mga bubog nang nabasag. Sinenyasan niya ang mga ito na unawain na lang si Faith sa ngayon. "Sige na pwede na kayong umalis. Just make sure na magre-report kayo sa akin tungkol sa mga tinatrabaho niyo every hour if possible. At ise-send ko na lang sa inyo ang schedule niyo sa pagtuturo kay Honey." Sunod-sunod na ang mga tauhan na umalis. "Ba-bye po." Nagawa pa ring paalam at kaway ni Honey sa mga ito. "Okay ka lang ba talaga, Baby?" tanong na naman ni Faith kay Honey. Chineck niya ang katawan ng anak kung walang sugat. "Yes, Mommy. I'm fine po," nakangiti na ulit na sagot ng anak sa kaniya. "Faith, kinabahan ako bigla," mayamaya ay sabi ni Jhie. "Bakit?" baling si Faith ng tingin sa kaibigan. "Look." Itinuro ni Jhie ang larawan ni Don Savillano na nabasag ang salamin. "Hindi ba may masamang pangitain kapag ganyan?" Umawang ang mga labi niya nang makita ang larawan ng kanyang Dad sa mga bubog ng picture frame. Nagkatitigan sila ng larawan ng kanyang ama at sa pagkakataong iyon ay kinilabutan na rin siya. "Mommy, si Lolo." Kahit si Honey ay parang nakaramdam din ng gano'n dahil naluluhang yumakap ito sa kanyang leeg.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD