Tumingin ako sa aking Ama. Hindi ko naman matitiis ito. Bahala na nga, saka, kailangan kong harapin si Inay. Paano niya ako mapapatawad kung muli akong aalis dito sa Sta.Vanity? Baka tuluyan na itong mamuhi sa akin. Kaya naman, muli kong pinahid ang aking luha sa mga mata ko. “Sige po, Itay. Hindi na po ako aalis. Kailangan ko ring suyuin si Inay upang tuluyan na niya akong mapatawad. Saka, nauunawaan ko po ang Nanay kaya siya nagagalit sa akin…” “Maraming salamat, anak ko. Hayaan mo't tutulungan kitang kausapin ang Inay mo upang muli kayong magkaayos, Hazel…” anas ng tatay ko. At nakikita ko ang tuwa sa mukha ng aking Ama. Mahigpit naman akong hinawakan ng aking Ama sa kamay ko at dinala sa loob ng bahay. Hinatid niya ako sa dati kong silid. Pagpasok sa loob ay nakita kong malinis ito