Kinabukasan nagising akong sobrang tahimik sa loob. Pati sa labas ay wala akong narinig na ano mang salita. Ngunit hindi muna ako bumangon. Kinuha ko ang aking cellphone. Agad akong pumunta sa social media upang alamin kung anong mga nangyayari sa mundong ibabaw, lalo at walang ditong tv. Kumunot ang aking noon dahil laman ng balita ang aking ex-husband at ayon dito ay may bumangga raw sa kotse nito. Naganap ang banggaan kagabi ganap ng alas-dyes ng gabi. At ngayon nga ay ginagamot ito sa HAFANG MEDICAL Hospital. Tiwala naman akong magagamot si Wallace, sa hospital na pagmamay-ari ko dahil magagaling ang mag doctor ng HAFANG MEDICAL Hospital. GUSTO ko sanang tawagan ang isa sa mga doctor ng HAFANG MEDICAL Hospital upang alamin ang lagay ni Wallace, ngunit baka magtaka ang doctor na