Dahan-dahan namang lumingon sa aking si Wallace. Sobrang dilim ng pagmumukha ng lalaki. Ngunit tinaasan ko lamang ito ng kilay habang nanlalaki ang mga mata ko. “Huwag mo lang pasinin ang aking mga sinabi My. Ex-husband. Ganito lang talaga magsalita ang isang babaeng mababa ang lipad,” agad na bawi ko sa lalaki. Saka, alam ko naman na hindi niya ako bibigyan ng pera. Malabong pagtuunan niya ako ng pansin o tulungan. Kaya naman hindi na lamang ako ulit nagsalita. Lumipas ang mahabang oras, sa wakas, nakarating na rin kami sa pantalan na papunta sa Sta. Vanity. Agad akong lumingon kay Wallace. Hindi ito nagsalita nakatingin lamang ito sa labas ng bintana. Tumikhim muna ako. “My Ex-husband!” pagtawag ko sa lalaki. Lumingon naman ito sa akin ngunit hindi naman maipinta ang mukha nito. M