BUTAS-BUTAS NA PANTY

1503 Words
Salubong ang kilay nito habang nakatingin at nanlilisik ang mga mata sa akin. Hindi siguro ito makapaniwala na mga pinagsasabi ko sa kaniya. Pasensya na lamang kami. “Ano Mr. Barnes, hindi ka na nakaimik diyan? Kasing laki lang ba ng longganisa ang Jumbo mo?” nakakalokong tanong ko ulit sa lalaking kulang na lang ay sakaling ako. Hindi nga ako nakontento at itinuro ko pa ng ang nasa gitnang hita nito. Hawakan ko kaya? Nakakatiyak akong baka sakaling ako nito. Nakita kong umiling-iling ito. Hanggang sa ibuka nito ang bibig nito. “Ms. Fang, sa mga salita mo pa lang ay alam na alam na talaga na sanay na sanay ka na sa larangan na pakikipag-s*x sa mga lalaki. Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, layuan mo si Mateo, dahil hindi ikaw ang babaeng nararapat sa kanya!” mariing sabi nito sa akin at may kasamang pang-uuyam. Malakas naman akong tumawa sa mga pinagsasabi nito. Sa totoo lang ay hindi man lang ako apektado sa mga pagmamaliit ng dati kong asawa sa akin. Dahil walang katutuhanan ang lahat ng ‘yun. Kaya alam ko sa aking sarili na malinis ako. Kaya naman muli na naman akong nagsalita. Iwan ko ba, minsan kasi ay bastos din ang bibig ko. Naturingan pa naman akong isang doctor pero may pagkabastos din. “Mr. Barnes, ano bang masama kung nakipag-s*x ako sa mga lalaki? Hmmm! Huwag mong sabihin na virgin ka pa? Diyan ako hindi maniniwala,” nakataas ang kilay na tanong ko sa lalaki. Lalo namang nanlilisik ang mga mata ng lalaki. Ngunit hindi pa rin ako natakot sa lalaki. “Magkaiba tayo, Hazel Fang. Saka, lalaki ako at marunong akong pumili ng babaeng ikakama ko. Ikaw ba? Ang alam ko sa isang babaeng katulad mo na mababa ang lipad ay kahit sino na lang na mga lalaki, kahit nga yata isang matandang uugod-ugod na ay papatulan mo basta makakuha ka lang ng pera. Alam kong ganiyan ang mga prostitute!” muling pang-iinsulto ni Wallace sa akin. Hindi muna ako nagsalita, ngunit ipinasok ko ang aking ulo papasok sa loob ng kotse niya. Inilapit ko rin ang aking mukha sa mukha ni Wallace. “Ano pa bang pinuputok pa ng butsi mo, My ex-husband, eh, hiwalay na nga tayo. Wala ng Hazel Fang ang mang-gugulo o panay ang habol sa ‘yo. . . Hmmm! Pero isa lang ang masasabi ko sa ‘yo, Mr. Barnes. Masarap akong humalik kahit isa akong prostitute…” Agad kong hinawakan nang mahigpit ang panga ni Wallace. Pagkatapos ay walang habas kong pinaglapat ang mga labi namin. Hanggang lapat lang ang puwede kong gawin baka mahalata nito na hindi ako marunong humalik. Ramdam kong parang natutulala ni Wallace, o para bang nagulat sa aking ginawang pagnakaw nang halik sa aking asawa. Hanggang sa maramdaman kong itinulak ako nito kaya tuluyan nagkalayo ang mga labi namin. “Damn you, woman! Hindi ko pinangarap na makipaghalikan sa isang katulad mong prostitute! Isang babaeng sinusuka ng lipunan!” galit na sabi nito sa akin. Nakita ko ring kinuha nito ang panyo at pinagpupunasan ang labi nitong hinalikan ko at tila diring-diri sa aking ginawang halik. Malakas naman akong tumawa dahil sa nakikit ako sa lalaki. At simpre maloko ako kaya muli kong inilapit ang mukha ko sa mukha nito na agad naman nitong inilayo sa akin. Ngunit nakapaskil sa mga mata nito ang pagkasuklam sa akin. Pero wala akong pakialam sa ano mang sasabihin o iisipin nito sa akin. Hinipan ko pa nga ang mukha nito gamit ang bibig ko. Kaya ayon lalo itong nag-alboroto na tila isang bulkan. Bago magsalita ay kinagat ko muna ang ibabang labi ko. Pinaikot ko rin ang aking dila sa bungad ng aking bibig. Sabay kindat sa lalaki. “Dapat nga magpasalamat ka sa akin, Mr. Barnes, dahil hinalikan ka ng isang katulad kong prostitute lamang. Alam mo bang ako ng uri ng prostitute na pinipilahan ng mga lalaki. Sa lahat ng mga babaeng mababa ang lipad ako lamang ang pinakamasarap kainin at kumain!” baliw na sabi ko kay Wallace. “Stay away from me, Hazel…! At baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo!” singhal nito sa akin. “Mr. Barnes! Remember? Ikaw ang unang lumapit o humarang sa aking daraanan.” “Lumapit lang ako para balaan ka na layuan mo si Mateo! Hindi ikaw ang babaeng karapatdapat na pag-alayan ng apelyido naming Barnes!” Ngumisi naman ako sa lalaki. “Mukhang nakakalimutan na Mr. Barnes na gamit ko pa ang apelyido mo dahil hanggang ngayon ay kasal pa tayo! At puwede kong ipagsigawan dito mismon na mag-asawa tayo! Huwag mo akong subukan Mr. Barnes! Hindi mo alam ang kayang gawin ng isang prostitute na ito!” pagbabanta ko sa lalaki. Kitang-kita ko naman ang pagkuyom ng mga kamao ng lalaki. Ngunit hindi pa rin ito nagsalita. Hanggang sa may pumasok na naman sa utak ko na kabaliwan. Agad na gumalaw ang aking kamay upang buksan ng pinto ng kotse ni Mr. Barnes. Pagkatapos ay pinagpilitan kong pumasok sa loob ng kotse nito. Kahit na naka-upo pa ito sa driver’s seat. Agad akong na upo sa katabing upuan at muling tumingin sa lalaki. Nakita kong nakaawang ang bibig ni Wallace at gulat na gulat sa aking ginagawang pagpasok sa kotse niya. ”Get out of my car, Hazel!” “Isang malaking NO! Tutal naman ay nandito ka na rin lang, pwes! Ihatid mo ako hanggang sa pantalan papuntang Sta. Vanity. Para naman may silbi ka bilang asawa ko!” mariin utos ko sa lalaki. “Sino ka para utusan ako, Hazel Fang?!” “Simpre ako lang naman ang iyong asawa na prostitute! Kaya ano pang hinihintay mo? Ihatid mo na ako kung ayaw mong ipagsigawan kong may asawa kang prostitute,” pananakot ko sa lalaki. “Hindi mo ako basta mapapasunod, Hazel Fang. Hindi ang isang babaeng katulad mo lamang na marumi na pagkatao. Ano pang hinihintay mo? Lumabas ka na ng kotse ko, now!” “Okay!” maikling sagot ko. Sabay bukas ng bintana ng kotse ni Wallace. Saktong pagbukas ko ay may dalawang lalaki ang dumaan. “Hey! Available ba kayo ngayon araw? Hindi kasi puwede ang mister kong si Wa----” “How dare you, Hazel!” malakas na sigaw Wallace, habang matuling pinatatakbo ng kotse nito. Ako naman ay malakas na tumawa. “Stop laughing, woman!” Bigla ko tuloy natakpan ang aking bibig upang pigilan ang paghalakhak ko. Lalo at galit na galit na sa akin si Wallace Barnes. “Wala ka pa ring pinagbago, My Ex-husband. Ang sungit-sungit mo pa rin.” Sabay iling ng aking ulo. Ngunit wala akong narinig na sagot mula sa lalaki. Tahimik lamang itong nagda-drive ng kotse. Subalit hindi pa rin ako nagpaawat at muling nagsalita. “Hmm! My Ex-husband, ‘yung tanong ko sa ‘yo kanina ay hindi mo pa sinasagot. Hmmm! Tama bang kasing lalaki lang ng longganisa iyan?” Sabay turo ko ulit sa gitna ng hita ni Wallace. Dahan-dahan namang bumaling sa akin si Wallace at wala man lang kangiti-ngiti sa akin. “Hindi mo ko madadaanan sa mga ganiyang strategy mo Hazel. Alam na alam ko na ang mga pakulo ng mga katulad mong prostitute!” pang-iinsulto muli sa akin ni Wallace. Muli na namang akong humalakhak. Magsasalita pa sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. At nakita kong isa sa mga tauhan ko ang tumawag sa akin. “Yes, Nando? May problema ba?” tanong ko ka agad sa lalaki. “Ms. Hazel, papunta ka na ba rito sa Sta. Vanity?” tanong sa akin ni Nando. “Yes, tatawagan na lang kita kapag nakarating na ako riyan.” “Sige po, Ms. Hazel. Sasabihin ko na lang po kung saan tayo magkikita rito sa Sta. Vanity. Ngayon po ay papunta na kami sa lugar na mga magulang mo upang alamin kung anong lagay nila.” “Okay, thank you so much.” Sabay off ng aking cellphone. Talagang pina-una ko sa Sta. Vanity sina Nando upang alamin kung anong lagay ng aking pamilya. Iwan ko ba, dahil habang papalapit ako sa lugar namin ay abot-abot ang kabog ng aking dibdib. Kailangan kong paghandaan ang sumbat sa akin ng mga magulang ko. Dahil pinabaayaan ko sila at hindi man lang nagparamdam ng ilang taon. “Customer mo ba ang tumatawag sa ‘yo, babae?!” mapang-uyam na tanong sa akin ni Wallace. “Yes,” maikling sagot ko sa lalaki at hindi man lang lumingon dito. Dahil sa labas ng bintana ako nakatingin. “Wala ka bang makuhang ibang tranaho at ang pagiging prostitute lang ang alam mo, Hazel?!” “Wala, dahil ‘yun lang ang mabilisan ang pera. Ano bang pakialam mo sa akin. Kung gusto mo bigyan mo ako ng pera. Limang milyon ka agad. Para namang may pang shopping ako, luma na rin ang mga panty ko at butas-butas na, ganoon din ang mga bra ko. Nakakahiya tuloy sa aking mga customer!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD