Tumaas lang ang kilay ko sa lalaking kaharap ko. Hindi ko binago ang paniniwala nito. Bakit pa? Eh, hindi rin naman ito maniniwala sa akin. Kaya hinayaan ko na lamang.
Saka wala akong pakialam kung sirang-sira na ang imahe ko sa lalaking ito. Hanggang sa makita kong nag-igting ang panga nito.
“Mr. Barnes, wala na naman tayong dapat pag-uusap. Kung mayroon akong dapat pirmahan upang mapawalang bisa ang kasal natin ay ilabas muna nang ako'y maka-alis na rin, lalo at marami ko pang gagawin buong maghapon!” na iinis na sabi ko sa lalaking kaharap ko.
“Masyado ka namang atat, Hazel? Bakit marami bang nakapili sa ‘yo? Kaya nagmamadali ka?!” mapang-uyam na tanong niya sa akin.
SERYOSO akong tumingin kay Wallace. Kahit kailan ay hindi ako magpapatinig sa lalaking ito sa mga pang-iinsulto nito sa akin. Hindi na ako ang batang Hazel noon ng kung tratuhin ay parang isang tao na walang halaga.
“Yes, marami talaga sila. Ang totoo niyan ay oras-oras may lumapit sa akin na mga lalaki at tinatanong kung kailan ba ako available!” mariing sagto ko kay Wallace at wala man lang kakurap-kurap ang mga mata ko nang sabihin ko ang mga katagang iyon.
Walang kangiti-ngiti na tumingin ako sa lalaki. Wala naman akong mabasa na ano mang emosyon sa mukha nito. Hanggang sa makita kong umiling-iling ito at tila hindi makapaniwala.
“Paano kaya kung malaman ng mga magulang mo ang pinaggagawa mo rito sa lunsod? Hindi na ako magtataka na ikakahiya ka nila! Ngunit nakikita ko naman sa ‘yo na matibay ang simura mo? Hindi na rin ako magtataka na balang araw ay magkaroon ka ng sakit!” muling pag-uuyam nito sa akin.
“Mr. BARNES, kung magkaroon man ako ng sakit ay hindi mo na iyon problema. At para matapos na ang walang kwentang usapan na ito ay ibigay mo na sa akin mga pipirmahan ko!” nasusurang sabi ko sa lalaki.
Agad namang tumayo ang lalaki. Pagkatapos ay lumabas ng opisina nito. Ngunit si Attorney Timong ang pumasok dito sa loob. Hindi na muling pumasok si Wallace. Kaya kaming dalawa na lang ni Attorney ang nandito.
“Ms. Fang, heto ang mga papel na ‘yong pipirmahan. Pangsamantala munang iyan ang ilalabas ko. Ang gusto kasi ni kliyente ko ay hindi makakaladkad ang malinis na apelyido.”
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ng abogado.
“Ano’ng ibig mong sabihin, Attorney?” nakataas ang kilay na tanong ko sa abogado.
“Ang hiling niya ay huwag na huwag mong gagamitin ang apelyido niya. At huwag mo ring sasabihin na mag-asawa kayong dalawa, habang inaayos pa ang lahat. Sana’y maunawaan mo ang hiling ng kliyente ko, Ms. Fang.”
Ilang beses muna akong nagbuntonghininga. Habang nakakuyom ang mga kamao ko.
“Huwag kayong mag-alala, Attorney. Dahil kahit minsan ay hindi ko ginamit ang apelyido ni Mr. Barnes Wallace, mas lalong hindi ko rin pinalalandaoan sa madla na asawa ko siya dati. Kaya wala kayong dapat na alalahanin sa akin!”
“Marahan salamat, Ms. Fang. Sana’y maunawaan mo si Mr. Barnes.”
Marahan na lang akong tumango sa lalaking abogado. Pumirma na lamang ako sa papel at kasunduan na hindi ko puwedeng gamit kahit saan ang apelyido ng lalaking ‘yun. Nakagalay rin sa papel na hindi ko ipagsasabi na mag-asawa kami. At hintayin ko na lang daw na ipatawag ako upang mapawalang bisa na ang kasal naming dalawa.
Iiling-iling na lamang ako na umalis ng opisina ni Barnes Wallace. Kasalukuyan akong naglalakad papalabas ng gusali nang may tumatawag sa aking pangalan.
“Hazel Fang, ikaw ba ‘yan?!” Mabilis pa sa alas-kwatrong lumingon ako rin. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang isang lalaki. Tinitigan ko ang mukha nito, habang papalapit sa aking kinatatayuan.
Habang papalapit ito sa akin ay parang nagiging pamilyar na ang mukha nito. Ngunit hindi ko maalala kung saan ko ba ito unang nakita.
“Huwag mong sabihin na hindi mo na ako kilala, Hazel Fang?” tanong nito sa akin, habang may matamis na ngiti sa labi nito. Kasabay rin ang dimple na lumabas sa kabilang pisngi ng lalaki.
“Hindi, eh, sino ka ba?”
“Grabe ka naman, Hazel Fang, nakakasama ka ng loob. Ako ito si Mateo Barnes ang pinsang buo ni Wallace Barnes.”
Napaawang ang aking bibig habang nakatingin sa lalaki. Yes! Aaminin kong gwapo ang lalaking nasa harapan ko. Dagdag points din dimple nito. Natatandaan ko na rin ito. At naging ka-close ko na rin ang lalaki noon kapag nagpupunta ako sa bahay nina Barnes Wallace.
Matamis akong ngumiti sa lalaki. Pagkatapos ay agad kong inangat ang aking kamay habang nakakuyom. Inangat din ni Mateo ang kamay nito, hanggang sa pinag-umpog namin.
“Kamusta ka na, brother?” tanong ko sa lalaki.
“Ayos lang, Hazel! Kamuntik na kitang hindi makilala. Grabe ang laki ng pinagbago mo, ah? Lalo kang gumanda,” bulalas ni Mateo. Nagulat pa nga ako nang yaposin ako nito. Ngunit hinayaan ko na lamang ito.
Hindi rin naman nagtagal ang yakap nito sa akin. Hanggang sa ngumiti ito ng matamis at inakbayan pa ako sa balikat ko.
“Teka, bakit ka nga pala nandito sa opisina ni kuya Wallace? Nagkabalikan na ba kayo?” tanong sa akin ng lalaki.
Malakas naman akong tumawa, Mayamaya pa’y seryosong tumingin sa lalaki.
“Malabong mangyari na magbalikan kami ng pinsan mo, alam mo naman na sukang-sukang iyon sa akin. Kulang na lang ay i-flash ako sa inidoro ng pinsan mo dahil sa tindi ng galit sa akin!” Umiling-iling na sabi ko kay Mateo.
Malakas din itong tumawa sa dahil sa aking tinuran. Nagulat pa nga ako nang pisilin nito ang aking ilong.
“Bakit naman kasi pinikot mo ang pinsan ko noon? Dapat niligawan mo na lang sana siya dati,” anas nito habang hawak-hawak pa rin ang ilong ko.
Agad ko namang pinalo ang kamay nito. Inalis ko rin ang shades sa aking mga mata at seryoso akong tumingin kay Mateo.
“Sabihin na lang natin na hibang pa ako noon kay Wallace, saka, bata pa kasi ako noon kaya mapusok pa talaga. . . Ngunit ngayon ay alam ko na ang tama at mali.” Sabay tawa ko ng malakas. Napapatingin tuloy sa amin ang ilang mga employees ni Wallace.
“Ang cute mo talaga, Hazel.”
Agad nitong inangat ang kamay at ang pisngi ko naman ang pinisil nito. Kaya naman muli ko na namang pinalo ang pulsuhan nito. Hanggang sa magdesisyon na rin akong magpaalam dito lalo at mahaba pa ang biyahe ko papunta sa Sta. Vanity.
Halos ayaw pa nga ako nitong paalisin. Ngunit kailangan ko na talagang umalis, kaya naman tinanong na lang nito sa akin ang cellphone number ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na ibigay sa lalaki.
“Het! Mag-iingat ka palagi Haze Fangl" narinig ko pang sigaw ni Mateo sa akin. Muli akong lumingon sa lalaki. Ngumiti ako rito sabay kaway ko na rin.
Hanggang sa magdesisyon na akong lumabas ng building na pagmamay-ari ni Wallace Barnes. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang may humarang sa daraanan ko na isang mamahaling kotse na kulah itim.
Sa lubong ang kilay ko nang tingnan ko ang sasakyan na ‘di ko kilala. Ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Tiningnan ko lang kung ano’ng gagawin ng taong nakasaway sa loob ng kotse.
Mayamaya pa’y dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan. At tumambad sa aking harapan ang bulto ni Wallace. Lingon dito ito sa akin at inalis ang shades nito sa mga mata niya.
“Pati ba naman ang pinsan kong si Mateo ay pakay mo ring akitin, Hazel Fang?!” mapang-uyam na tanong nito sa akin at nasa boses din ng lalaki ang galit.
Kumunot naman ang akiag noo sa mga pinagsasabi ng lalaki. So, iniisip nito balak kong akitin si Mateo? Grabe talaga ang utak ng lalaking ito. Masyadong advance mag-isip. Kahit mali-mali naman. Nakakaloka siya, ah?!
“Huwag kang mag-alala, Mr. Barnes. Dahil hindi si Mateo ang tipo kong lalaki. Saka para sabihin ko sa ‘yo, bestfriend ko lang ang pinsan mo. Hindi ako papatol sa alam kong sobrang layo ng agwat namin sa buhay.”
“Mabuti naman kung ganoon, Hazel Fang. Dahil hindi ko hahayaan na may ibang humalo sa pamilya namin na babaeng mababa ang lipad na katulad mo lamang!” muling pang-iinsulto nito sa aking pagkatao. Ngunit hindi pa rin ako nagpatinag dito.
“Hmmm! No worries, Mr. Barnes. Dahil ako ang tipo ng babaeng mababa ang lipad na marunong lumugar. Pinipili ko rin ang lalaking matitipuhan ko. At hindi ‘yun si Mateo! Marunong akong kumilatis kung malaki ba ang Jumbo o hindi ng isang lalaki!”
Hanggang lumapit pa ako sa bintana ng kotse ng dati kong asawa. At muling umataki ang aking bibig na matabil at walang sinasanto.
“Matanong nga kita, Mr. Barnes. Gaano ba kalaki ang sa ‘yo? Hhm! Jumbo ba iyan? O, baka naman kasing laki lang ‘yang ng pinutol-putol na longganisa?”