Hindi maipinta ang aking mukha habang binubuksan ang sobreng hawak-hawak ko. Ito lang naman ang sulat na pinadala ko sa aking dating asawa. Gusto ko na kasing makipaghiway rito at humiling ako rito ng kasunduan o dapat may kasulatan kami.
Subalit lalong nagsalubong ang kilay nang makita ko ang sulat na pinadala ko kay Wallace at ito ngayon ay punit-punit na nito. Naikuyom ko nang mariin ang mga kamao ko.
Hanggang sa mapatingin ako sa puting papel na nandito rito sa loob ng sobre. Agad ko itong binuklat upang basahin ang sulat sa akin ng dati kong asawa.
“Hazel Fang, makakamit mo lang ang gusto mong kalayaan kung bibigyan mo ako ng dalawang anak na puro lalaki. Ngunit kung hindi mo kayang sundin ang gusto ko. Walang hinawalayang mangyari. Ikaw ang pumikot sa akin kaya magdusa ka!” Malakas na pagkakabasa ko sa sulat sa akin ni Wallace.
Nanlalaki tuloy ang mga mata ko. Nababaliw na ba siya? Dapat nga matuwa siya dahil makikipaghiwalay na ako.
Ako na nga ang lumayo sa lugar namin, kahit labag sa aking kalooban na iniwan ko sina Mama at Papa. Ayaw ko ring sisihin nila ako dahil sa aking nagawang kasalanan noon.
Sa totoo lang ay sising-sisi ako sa padalos-dalos ko nang desisyon noon. Ano’ng magagawa ko nagmahal lang naman ako, iyon nga lang maling lalaki ang aking inibig.
Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil hindi niya ako pinabayaan noong umalis ako sa Sta. Vanity. Akala ko noon ay wala nang tutulong sa akin nang tumuntong ako rito sa Maynila, lalo at isang linggo na akong natutulog sa lansangan.
Ngunit may isang Zach Fuentebella ang sumagip sa akin at binigyan ako ng maayos na buhay kapalit ng pagiging Secrets Weapon ng Bansa. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ‘yun.
Alam din naman ni boss Zach na may dati akong asawa, hindi ako naglihim dito lalo at kasama sa pagiging Secrets Weapon Ng Bansa na dapat walang tinatagong bulok sa pagkatao. At buong puso naman akong tinanggap aking boss kahit ano pa ang mga nangyari sa aking buhay noon.
Marahas na lamang napahinga habang pinagpupunit ko ang papel na sulat sa akin ni Wallace Barnes. Ano bang dapat kong gawin upang tuluyan na akong makawala sa kasal namin ng lalaking ‘yun? Ayaw ko namang makipagkita rito at baka bumalik na naman ang aking nararamdaman sa lalaki.
Papaalis na sana ako sa aking pwesto nang mapatingin ako sa papel na pinagpupunit ko. At doon ko nakitang may cellphone number sa likuran ng puting papel. Dali-dali ko tuloy kinuha ang ito. Susubukan kong katawag si Wallace Barnes. Tama, iyon na lang ang aking gagawin.
Agad kong tinawagan ang number ng lalaki. Ngunit napansin kong parang nanginginig ang aking mga kamay. Hanggang sa marinig ko na ang boses ng lalaki mula sa kabilang linya.
“Who is this?” Napalunok ako nang ilang ulit. Hindi ko rin malamang kung sasagot ba ako o hindi?
“Wala ka bang dila? Sino ba ‘to?!” muling tanong sa aking ng lalaki sa kabilang linya.
Mas lalo akong hindi makapagsalita. Hanggang sa bigla ko na lang pindutin ang off button. Agad ko ring nahilot ang aking noo. Palakad-lakad tuloy ako rito sa sala ng bahay ko.
Hanggang sa magulat ako nang mag-ring ang cellphone ko. Nagdalawang isip tuloy ako kung titingnan ko ba ito para alamin kung sino ang tumatawag sa akin. Ngunit sadyang makulit ang caller ko.
Kaya naman nasusurang kinuha ko ang cellphone upang tingnan kong sino ito. Medyo nakahinga ako dahil hindi ito number ng aking asawa. Ngunit hindi ko rin kilala kung sino nga ba itong tumatawag sa akin.
“Hello, sino ‘to?” tanong ko ka agad sa caller ko.
“Hazel Fang, do you miss me?”
Halos lumuwa ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Wallace Barnes. Ang dati kong asawa. Tila nanunuyo rin ang aking lalamunan.
“Wala ka na bang dila ngayon, my wife?”
Parang uminit naman ang ulo ko dahil sa tinawag niya akong my wife. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin noon na halos isuka ako nito. Tapos ngayon ay aakuin na niya akong my wife niya.
“Hindi na tayo mag-asawa, Mr. Wallace Barnes. Dahil simula noon ay hindi naman talaga tayo mag-asawa. Kaya puwede ba, pumayag ka na sa gusto ko. Upang magpakasal na rin ako sa lalaking napupusuan ko!” mariing sabi ko sa dating asawa ko.
Bigla naman itong tumawa sa kabilang linya at tila inaasar pa ako.
“Gusto mong makulong my wife? Dahil sa kasong adultery? Huwag mong hintaying ipahanap kita sa mga pulis, Hazel. Alam mo naman siguro kung ano'ng kaya kong gawin sa ‘yo!’’ pagbabanta sa akin ni Wallace.
Kuyom ang mga kamao. Dahil surang-sura ako kay Wallace, lalo na sa mga tinuran nito.
“Bakit ba hindi ka na lang pumayag sa gusto ko, Mr. Barnes, ha? Sising-sisi na ako dahil sa nagawa ko noon. Kaya puwede ba, sundin mo na lang ang gusto ko at gumawa na tayo ng kasunduan. Saka, sa papel lang tayo mag-asawa!”
“Hindi mo ba nabasa ang sulat ko sa ‘yo, ‘di ba isang kasunduan na ‘yun. Bigyan mo ako ng dalawang anak na puro lalaki. At hahayaan na kita sa lahat ng gusto mo.”
“Hindi pa ako na babaliw para sundin ang gusto mo, Mr. Barnes!” sigaw ko na talaga rito. Pasalamat talaga ito at wala ‘to sa akin harap. Baka masapak ko na ang lalaking ito.
“Okay, hindi pa rin naman ako nahihibang para sundin din ang request mo sa akin, my wife.”
Magsalita pa sana ako upang singhalan ang lalaki, ngunit bigla na lang itong nawala sa kabilang linya. Mayamaya pa’y tumunog ang aking cellphone ko at may nagpadala ng text messages sa akin.
“Kung susundin mo ang gusto ko, ay magiging malaya ka na rin pagdating ng tamang panahon!” malakas na pagkakabasa ko sa text message sa akin ni Wallace. Parang gusto kong kumuha ng granada at ipasok ko na lamang sa bibig ng aking ex-husband. Naku naman!
Dahil sa inis ko sa dating asawa ko ay halos murahin ko na ito sa utak ko. Agad ko ring binura ang text nito sa akin. Saka, hindi pa maluwag ang mga turnilyo ko sa aking ulo para sundin ang gusto nito. Ano siya sini-swerte?