“Hezel, saan ka na naman pupunta?” tanong ni Mama nang makita akong papalabas ng bahay namin. Bigla tuloy ako napabaling dito, sabay ngisi ko ng alanganin.
“Dito lang po sa labas, Ma, maglalakad-lakad at sasagap ng sariwang hangin,” palusot ko sa aking Mama.
“Eh! Bakit nakado tudo lipstick ka pa? Parang pupunta ka sa bar, ah!” palatak ng Ina ko.
Bigla tuloy akong napakamot sa aking ulo. Kahit kailan talaga kontrabida si Mama sa akin. Ngunit hindi ko iyong isinatinig baka makurot ako sa singit. Ang hahaba pa naman ng kuko nito.
Tumingin ako rito sabay ngiti ng matamis. “Kay Wallace po ako pupunta, Ma. Nakakainip po kasi rito sa bahay kaya maghahanap ako nang makakausap.”
Nakita ko naman biglang tumaas ang kilay ni Mama. Tila hindi ito naniniwala sa aking mga tinuran.
“Naku! Huwag mo nga akong pinagloloko Hazel. Akala mo hindi ko alam ang pagsintang pururot mo kay Wallace. Kunwari ka pang pupunta sa kanila para makipagkwentuhan. Pero ang totoo ay gusto mo talagang masilayan ang mukha niya!” muling palatak ni Mama.
Napangiwi tuloy ako. Mahirap talagang magtago ng lihim dito. Ang bilis nitong makahalata.
“Ma, puwede ba huwang kang maingay, baka may makarinig sa ‘yo, nakakahiya!” naiinis sa saway ko sa akin ina.
“Totoo naman kasi ang aking sinasabi Hazel. Saka puwede ba itigil mo muna ang pagsinta mo kay Wallace, masyado ka pang bata at may gatas pa sa labi. Pag-aaral muna ang unahin mo,” tuloy-tuloy na litanya ni Mama.
“Ma, hindi naman porket may gusto ako kay Wallace ay mag-aasawa na ako. Simpre kailangan ko ring magtapos ng pag-aaral ko,” anas ko para tumigil na ang katatalak nito sa akin.
“Naku! Ayosin mo lang na bata ka. Kaya gusto ka naming pag-aralin para kahit mawala kami sa mundong ito ay kaya mong buhayin ang sarili mo. Lalo at walang tutulong sa ‘yo na mga kapatid mo dahil nag-iisang anak ka lamang namin.”
Napahilamos tuloy ako sa akin mukha. Sa totoo lang ay naririndi na ako sa boses ni Mama. Dahil halos araw-araw na lang na iyon ang sinasabi nito, masakita na sa tainga. Gusto ko na ngang pasakan ng bulak ang aking tainga, kahit magsalita ito maghapon ay ayos lang.
Pero nangibabaw pa rin sa akin ang isang mabuting anak. No choice ako kundi pakinggan ang lahat ng sermon nito kahit masakit na sa tainga.
Bigla namang tumigil si Mama sa kasasalita. Nagtataka siguro ito kung bakit wala akong imik. Dati kasi kapag pinagagalitan ako’y panay salita ko rin.
“Ma, tapos ka na ba? Puwede na ba akong umalis?” nakakalokong tanong ko sa akin Mama.
Hindi naman ito nagsalita pero umiling-iling ito sa akin at tila hindi makapaniwala. Salubong din ang kilay ni Mama habang nakatingin sa akin. Nagmamadali naman akong tumalikod para umalis ng bahay upang puntahan ang lalaking iniibig ko.
Hindi pa ako nakakarating sa bahay nito nang mamataan ko ang lalaki. Bigla ring binalot ng panibugho ang puso ko nang makita kong may kasama itong babae, ang masama pa’y magkayakap pa ang dalawa.
Parang gusto ko silang sugurin at bigyan ng sapak ang hitad na babaeng iyon. Kaya lang sa tuwing iniisip ko na gagawin ko ang bagay na iyon ay pumapasok naman sa isipan ko na wala akong karapatan na gawin iyon lalo at hindi naman ako kasintahan ni Wallace.
Napaisip tuloy ako. Lagi na lang bang ganito? Kailan kaya ako mapapansin ng lalaking iniibig ko? Hanggang tingin na lang ba ako? Pero sobrang mahal ko ang binata. Parang hinihiwa ang puso ko sa tuwing nakikita kong may iba itong kahalikan.
Kailangan kong gumawa ng paraan upang maging akin na si Wallace. Sabihin na nila na disperada ako. Ang mahalaga ay mapasaakin ito.
Hanggang sa makabuo ako ng plano. Bahala na kung ano’ng mangyayari. Ang mahalaga ay mapunta sa akin ang lalaking mahal ko.
Kinabukasan nga ay sinagawa ko ang balak ko kay Wallace. Malaking pabor rin sa akin ang kaarawan niya.
Alas-kwatro ng hapon nang pumunta ako sa bahay nito. Nadatnan kong nag-iinoman na ito kasama ng mga kaibigan niya. Pansin ko ring lasing na ang lalaki.
Ang nakakasama lang ng loob ay hindi man lang ako inimbitahan ng lalaki sa kanyang kaarawan. Mabuti pa ang Ina nito at naalala ako. Samantalang ang lalaki ay hindi.
Muli akong tumingin sa mukha nitong sobrang gwapo na kaysarap titigan. Mas matanda lang ito sa aking ng limang taon. Sa aking pagkakaalam ay magtatayo na ito ng bagong negosyo. Kayang-kaya naman nitong gawin ‘yun lalo at mayaman ang pamilya nito.
Hindi ka tulad ng pamilya ko. Kailangan kumayod ng sobra para lang may mapagpaaral sa akin. At sa edad kong labing walong taong gulang ay masasabi kong may hubog na ang aking katawan. Aaminin kong may mga nanliligaw naman sa akin na mga ka-edad ko. Ngunit hindi ko sila gusto. Tanging si Wallace lang ang napupusuan ko.
Hanggang sa makita kong tumayo ang lalaki at ito’y pasuray-suray sa paglalakad. Maliksi naman akong lumapit dito upang salubungin ito.
“Wallace!” pagtawag ko rito. Agad naman itong tumingin sa akin. Ngumiti pa nga ang lalaki nang makita ako.
“Hatid na kita sa kwarto mo. Mukhang lasing ka na,” anas ko rito.
“Hindi na kailangan, Hazel. Kaya ko namang pumunta sa aking kwarto. Saka, kumain ka na lang diyan,” anas nito, habang namumungay ang mga mata.
Ngunit sadyang makulit ako. At tuluyang pa rin akong lumapit dito para alalayan ito. Wala na naman itong nagawa sa nais ko lalo at lasing na lasing na ito.
Pagdating sa loob ng kwarto ng lalaki ay agad ko itong inihiga sa kama. Tinitigan ko muna ang mukha nitong maamo. Hinaplos ko rin nga ito.
Mayamaya pa’y sinimulan ko na ang balak ko sa lalaki. Isa-isa kong inalis ang lahat ng damit nito at ang natira na lang ay brief nito. Aaminin kong sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Ngunit hindi ako puwedeng tumigil, dahil pagkakataon ko na ito upang makuha ang lalaking kinababaliwan ko.
Nang ma-alis ko na rin ang aking damit, ay tanging bra at panty ko na lang ang natira sa aking katawan. Pagkatapos ay walang takot akong tumabi sa lalaki at niyapos ko ito. Ramdam kong gumanti rin ito nang yakap sa akin. Hanggang sa tuluyan akong nakatulog.
“Wallace! Hazel!” narinig kong malakas na sigaw ng isang babae. Ayaw ko pa sanang bumangon dahil antok pa ako. Ngunit biglang pumasok sa aking utak ang ginawa ko kay Wallace.
“Diyos ko! Wallace, ano’ng ginawa mo kay Hazel?!”
“s**t!” narinig kong anas ng lalaking katabi ko sa pagtulog. Mayamaya pa’y dumating na rin ang aking Mama. At nakikita ko sa mukha nito ang pagkagulat.
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Tinakda ka agad ang kasal namin ni Wallace. Alam kong tutol ang lalaki, ngunit hindi papayag ang Mama ko at ang Ina nito na hindi kami ikasal. Lalo na at magkaibigang matalik ang dalawang Ginang.
Isang simpleng kasalan lang ang nagapan. Ngunit ramadan ko ang pagkamuhi sa akin ni Wallace. Simula kasi nang araw na mahuli kami ng Ina nito na magkasiping sa kama ay hindi na rin ako kinausap.
Hanggang sa dumating ang unang gabi ng honeymoon namin. Hindi na kami pumunta sa ibang lugar upang ganapin ang pulot gata. Iyon din kasi ang gusto ni Wallace.
Kasalukuyan akong nandito sa loob ng kwarto. Naghihitay sa pagdating na asawa ko. Lumabas pa kasi ito ng bahay. At hindi man lang nagpaalam sa akin.
Bigla naman akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa kama at dali-daling bumaba upang alamin kung si Wallace na ang dumating. Hindi nga ako nagkamali. Nakita kong papasok ito rito sa loob ng bahy namin. Subalit, pasuray-suray naman ito sa paglalakad.
“Wallace, alam mong honeymoon natin, bakit naglasing ka?”
Bigla naman itong napatingin sa akin. Sabay iling ng ulo.
“Honeymoon? Hindi mangyayari ang gusto mong honeymoon, Hazel. Alam mo bang kinasusuklaman kita. Itinuring kitang nakababata kong kapatid, tapos ito lang ang igaganti mo sa akin! Titiyakin kong magdudusa ka sa piling ko!” sigaw ng lalaki sa akin. Pagkatapos ay agad akong tinalikuran.
Nang lulumong napaupo na lang ako sa sofa. Habang umaagos ang aking luha. Ngayon ko naisip na maling-mali ang aking ginawang pagpikot kay Wallace. Dahil nakikita kong suklam na suklam ito sa akin. Ngunit masyado ng huli ang lahat at nangyari na ang ‘di dapat maganap.
Matuling lumipas ang araw. Ngayon ay halos tatlong linggo na kaming kasal ni Wallace. Ngunit walang nagbago sa pakikitingo nito sa akin. Tingin ko nga ay mas lalo pa akong kinasuklaman nito.
Hanggang sa sumapit ang isang hapon. Nagulat ako nang makita kong may kasamang babae si Wallace at dinala pa rito sa bahay namin. Sa labis na panibugho na aking nararamdaman, mabilis akong lumapit sa babaeng hitad at ubod lakas ko itong itinulak.
“Hazel!” dumagundong ang malakas na sigaw na ‘yun ni Wallace. Nagulat din ito sa aking ginawa.
Ngunit hindi ako natakot sa lalaki. Bagkus ay balak ko pang lapitan ang babaeng kasama nito upang saktan. Ngunit mabilis akong nahawakan ni Wallace.
“Hazel, hindi ka ba nahihiya sa mga pinag-gagawa mo, ha? At kung ako ang tatanungin mo, ay sukang-suka na ako sa pagmumukha mo. Puwede ba, lumayas ka na sa aking bahay. At baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo. Dahil kahit kailan ay hindi kita matatanggap na asawa ko!”
Sa masakit na salita ni Wallace ay roon lang ako natauhan. Ngayon ko rin naisip na maling-mali ang aking ginawa. Kaya naman agad akong tumalikod sa lalaki at nagtatakbo na papalabas ng bahay nito. Ngunit wala ring tigil sa pagdaloy ang mga luha ko sa aking mga mata.
Ngunit na nangako akong kakalimutan ko na ang isang Wallace Barnes ang lalaking nagwasak sa bata kong puso.
At kung sakaling magtapo kami ay titiyakin kong siya ang maghahabol sa akin.