Nagmamadali na lang akong pumanhik sa hagdan para pumunta sa aking kwarto. Tumingin din ako sa wall clock at nakita kong alas-singko na pala ng hapon. Kailangan ko nang umalis. Dahil may misyon ako mamayang gabi.
Bigla naman akong napatingin sa aking cellphone dahil nag-ingay na naman ‘yun. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil kilala ko ang number na tumatawag na naman sa akin, walang iba kundi si Wallace Barnes.
Peste naman, oh! Nagkamali yata ako sa ginawa kong pag-contact sa lalaking iyon. Saka, ano pa bang kailangan niya sa akin? Iniwan ko na nga siya para maging malaya. Kailangan na lang namin ay mag-usap ng maayos upang tuluyan na kaming maghiwalay.
Sa sobrang inis ay bigla ko tuloy nahampas ang aking noo. Lalo at panay ang pag-iingay pa rin ng aking cellphone. Agad ko na lamang ini-off ito upang hindi na ito matawagan sa akin.
Nagmamadali ang mga kilos ko dahil kailangan kong makabalik agad sa bahay na pangsamantalang inuupahan ko habang may misyon pa ako.
Kinuha ko ang mga dapat kong dalhin para sa misyon ko mamayang gabi, pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay.
Lumapit ako sa aking motor at matulin ko itong pinatakbo. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa aking patutunguhan.
Malalaki ang hakbang ko papalapit sa bahay na inuupaha ko. Ngunit bigla akong napatingin sa brown envelope na nakalagay sa likod ng paso. Dali-dali ko naman itong kinuha upang tingnan ang nilalaman sa loob.
Habang papasok ako sa loob ng bahay ay binubuklat ko ang brown envelope na nakita ko. Halos maningkit ang mga mata ko dahil isang xerox copy ng marriage certificate namin ni Wallace Barnes ang nilalaman nito.
Nalintikan na! My Gosh! Maling-mali talaga na nagpadala ako ng sulat o tumawag sa lalaking ‘yun. Mabuti na lang at ang address ng bahay na inuupahan ko ang inilagay ko sa sulat na pinadala ko sa lalaki.
Tiwala naman ako na wala itong pakialam sa akin lalo at malaki ang kasalanan ko rito noong pinikot ko ito, kaya rin naman ako umalis ng bahay nito dahil siya mismo ang nagpalayas sa akin. Ano pa bang dahilan at ginugulo ako ng animal kong ex-husband?
Pagbagsak na lamang akong naupo sa maliit na sofa. Habang pana’y ang hilot ng aking ulo. Kailangan ko yatang lumipat ng bahay na inuupahan. Hindi nito puwedeng malaman kung anong trabaho ko.
Kung alam ko lang na guguluhin ako ng lalaking ‘yun ‘di na sana ako sumulat dito. Ngayon tuloy akong nagsisisi dahil sa aking padalos-dalos na desisyon.
Hanggang sa bigla akong napatingin sa pinto ng bahay ko dahil biglang bumukas ‘yun. Peste! Dahil hindi ko pala na-i-lock. Nanlalaki ang mga mata ko nang mabungaran ko si Wallace Barnes.
Tuloy-tuloy itong pumasok dito sa loob at narinig ko ring ini-lock nito ang pinto. Ilang beses tuloy akong napalunok lalo at pakiramdam ko’y nanunuyo ang lalamunan ko.
Seryoso itong tumingin sa akin. Habang ang isang kamay nito ay nakalagay sa bulsa ng pants na suot nito. Hindi ko talaga akalain na mangyari ito? Jusko po!
“Hindi mo ba ako bibigyan nang mahigpit na yakap? Dahil limang taon din tayong ‘di nagkita,” anas nito sa akin, habang seryoso ang pa ring nakatingin sa mukha ko.
Marahas akong napahinga. Seryoso rin akong tumingin sa lalaki, hanggang sa dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa maliit na sofa.
“Mr. Barnes, ipapaalam ko lang sa ‘yo na sa papel lang tayo mag-asawa. Saka, ano’ng karapatan mo na pumasok sa bahay ko na walang pahintulot mula sa akin!” bulalas ko habang nanlilisik ang aking mga mata bahang nakatingin sa ex-husband ko.
Nakita kong nagkibit balikat ang lalaki pagkatapos ay humakbang ito papalapit sa akin. Mabilis naman akong napa-urong. Ngunit nagulat ako nang bumagsak lang ako sa maliit na sofa na kinauupuan ko kanina lang.
Hindi naman ako makaalis mula kinabagsakan kong sofa dahil nakaharang si Wallace, habang seryoso pa ring nakatingin sa akin.
“Mukhang malaki na ang pinagbago, Hazel…” bulong ng lalaki sa akin.
“Lahat ng tao nagbabago paglipas ng mga tao. At puwede, umalis ka na sa bahay ko, Mr. Barnes!” mariing turan ko sa lalaki. Kailangan ko talagang lumipat ng ibang paupahan na bahay.
Bigla ko namang nailayo ang aking mukha sa lalaki lalo at unti-unti nitong inilalapit sa akin ang mukha niya. Pumaling din ako sa kanan ko upang hindi ko makita ang mukha ni Wallace.
Kaya lang ang leeg ko naman ang pinunterya nito. Ramdam ko ang hininga nito sa aking balat. Pakiramdam ko’y parang nagtaasan ang mapipinong balahibo ko sa aking balat dahil sa mainit na hininga ni Wallace.
”You smell so good, ahhh…”
Parang lalong nangilabot katawan ko dahil sa bulong nito sa akin. Ngunit hindi puwedeng matulala ako sa lalaking ito. Dahil wala na ito sa aking sestima at hindi ko na ito mahal
Agad kong itinaas ang aking kamay upang itulak ito papalayo sa akin.
“Umalis ka na rito, Mr. Barnes!” Agad din akong umalis sa kina-uupuan ko upang lumayo sa lalaki. Pumunta ako sa likuran ng lalaki upang itulak ko ito papalabas ng aking bahay.
“Hindi ko alam kung ano pa ang habol mo sa akin, Mr. Barnes. Samantalang pinalayas mo na nga ako sa bahay mo noon. Pwes ikaw ngayon ang palalayasin ko sa bahay ko!” At itinutok ko talaga ito nang malakas papalapit sa pinto para umalis na ito sa aking bahay.
Ngunit mukhang nagpapabigat ito at hirap na hirap akong itulak ang lalaki para lang lumabas. Pero hindi ito puwedeng magtagal dito sa aking bahay.
“Lumabas ka na nga!” muling sigaw ko. At mas nilakasan ko rin ang pagtulok ko rito. Pagdating naman sa pinto ng bahay ko’y agad naman nitong idinipa ang kamay at humawak sa dalawang hamba ng pinto.
Surang-sura tuloy ako dahil hindi ko na ito maitulak papalabas. Bigla ko ring inalis ang kamay ko sa likuran nito. Parang may iba akong nararamdaman. Hindi puwede ito!
“Dito ako matutulog ngayong gabi,” turan ng lalaki sa akin. Hanggang sa muling bumalik sa loob ng bahay ko. Napaawang na lamang ang aking bibig. Lumingon din ako kay Wallace at nakita kong pumasok ito sa kwarto ko.
Naku po! Hindi talaga ito puwede! Kailangan kong gumawa ng paraan. Bakit yata parang minalas ako? Sabay hila sa aking buhok.