Totoo ba ito? Nandito sa bahay ko si Wallace Barnes? Hindi kaya isang panaginip lamang ang lahat ng ito? Magkakasunod ko tuloy pinilig ang ulo ko.
Parang nanlalabot din ang mga tuhod ko ng mga oras na ito. Nanglalatang na naupo ako sa sofa. Ipinikit ko rin ang aking mga mata habang panay ang himas sa noo ko.
Kailangan kong umalis dito. Saka ko na babalikan ang mga gamit ko rito kapag umalis na ang lalaki rito sa bahay nainuupahan ko. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang bag na dala-dala ko.
Bahal na ito sa bahay niya. Basta ako'y aalis ngayon gabi para sa misyon ko. Bago umalis dito ay maingat muna akong humakbang papalapit sa pinto ng kwarto na tinutulugan ko. Marahan ko ring binuksan ang pinto upang makita ko kung ano ang ginagawa ni Wallace sa aking kwarto.
Nakita kong nakahiga ito sa aking kama. Aba nga naman! Feel at home ang lokong lalaki, ah! Nang makita kong hindi na ito babangon ay nagmamadali na akong umalis dito sa bahay. Mabilis akong sumakay ng motor at matulin ko itong pinatakbo papalayo.
Kailangan kong bamalik sa tunay kong bahay. At doon ay makakakilos ako na maayos.
Pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyan na akong nakarating sa bahay ko, nagmamadali akong bumaba ng motor at malalaki ang hakbang ko papasok sa aking tahanan at tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Mabilis din akong nagbihis. Isang maikling dress ang aking suot. Kinapalan ko rin ang makeup ko sa mukha ko iyong tipong hindi ako makikilala. Naglagay rin ako ng nunal sa aking noo. Kinuha ko ang wig na hanggang balikat ang haba.
Umikot ako sa harap ng salamin upang tingnan kung mukha na akong pick up girl. Ito ang misyon ko ngayong gabi ang magpanggap na pick up girl.
Ang kasong gawak ko ay kailangan kong alam kung sino ang pumapatay sa mga pick up girl at kung bakit nila ‘yun ginagawa at base sa mga katawan ng mga babaeng natatagpuan na patay na sa tambakan ng basura ay pinahihirapan muna nila ito bago patayin. Wala namang bakas na pang-gagahasa sa mga babae. Ngunit mukhang galit na galit ang taong ‘to. Lalo at puro paso rin ng sigarilyo ang mga katawan.
Kuyom ang mga kamao ko. Kailangan kong malaman kung sino-sino sila. At bago umalis sa harap ng salamin ay umikot muna akong ilang beses.
Kinuha ko rin ang aking bag at tuloy-tuloy na akong lumabas ng bahay ko. Sumakay ako ng kotse at pumunta sa lugar na akong pakay.
Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakarating sa bar na kung saan nagkakawala ang mga babae.
Pati ang mga waiter na mga babae sa nasabing lugar ay hindi rin pinalalampas ng mga animal na ‘yun.
Itinigil ko ang dala-dala kong kotse sa ‘di kalayuan. At nagdesisyon na rin akong lumabas. Tumingin muna ako sa buong paligid upang alamin kung may nakatingin sa akin at nang masiguro kong wala ay tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa nga babaeng nakatambay sa kalsada.
Tumayo lang ako sa tabi ng danaan kumuha rin ako ng sigarilyo, agad ko itong sinindihan sa dulo at ilang beses kong hinithit buga ang usok. Anak ng tinapa! Feeling ko tuloy ay tunay akong pick up girl.
“Bago ka lang ba?” Bigla akong lumingon sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Tumingin ako sa suot nito na halos kita na ang kaluluwa dahil sa liit ng suot. Pati ang boobs ng babae at halos lumitaw na rin.
Bigla tuloy akong napatingin sa aking boosb na kahit pisngi ay hindi ‘yun makikita. Ang suot ko namang dress ay hanggang hita ko ang haba kaya litaw na litaw ang mapuputi kong legs.
Ngumiti muna ako sa babae.
“Oo, bago lang ako, kung hindi ko kailangan ng pera ngayon ay hindi ako tatambay sa lugar na ito,” anas ko at pinalungkot ko rin ang aking pagmumukha.
Narinig kong malungkot na nagbuntonghininga ang babae. Mukhang may problema yata ito.
“Ako rin kailangan ko ng pera upang mailabas sa hospital ang aking asawa. Tatlong gabi na ako rito sa kalye. Ngunit kulang na kulang pa rin ang pera kong hawak,” malungkot na sabi ng babae.
“Magkano ba ang kailangan mong pera?” tanong ko. Binalot din ng habag ang aking puso para babaeng kaharap ko. Nakita ko rin na nagpahid ito ng luha sa mga mata nito. At mukhang malaki nga ang problema nito.
“Thirty thousand pesos, ngunit saang lumaplop ng mundo ko naman kukunin ‘yun? Magkano lang ang sahod ko sa paglalabada,” anas ng babae sa amin.
Tumingin ako sa babae. At kung ‘di ako nagkakamali ay bata pa itong nag-asawa ngunit puro problema na agad ang kinahaharap nilang mag-asawa.
Paano kung malaman ng asawa nito ang ginawa nito? Nakakatiyak akong baka humantong sa hiwalayan.
“May anak ka na ba?” tanong ko sa babae.
“Oo, dalawang taong gulang pa lang. Kailangan ko itong gawin para sa aking asawa. Alam kong magagalit ‘yun kapag nalaman niya ang ginawa ko. Sana lang ay maunawaan niya ako,” malungkot na sabi ng babae sa akin.
Dala ng awa ko sa babae ay agad kong binuklat ang aking bag. Kumuha ako ng pera pagkatapos ay pa-simple ko itong ibinigay sa babae.
“Forty thousand pesos iyan. Ang please! Huwag na huwag ka nang babalik sa ganitong lugar. Ang isipin mo ay ang anak mo…” bulong ko sa babae.
Nakita kong umiiyak ito. “Sigurado ka bang ibibigay mo ito sa akin ang pera mo? Paano ka? Akala ko’y kailangan mo ng pera,” anas nito at nasa boses din ang pag-aalala.
“Huwag mo akong alalahanin. Sige na, umalis ka na at ingatan mo ang pera,” pagtataboy ko sa babae.
“Maraming salamat sa ‘yo,” umiiyak na sabi nito sa akin. At mahigpit din akong niyakap. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis sa aking harapan.
Malungkot na lamang ako napahinga. Sa sobrang hirap ng buhay ngayon ay kahit anong trabaho kumakapit na ang mga tao basta lang maibigay ang pangangailan ng mga mahal nila sa buhay.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may humimpil na kotse sa aking harap. Mukha mayamayan ito, ah? Hanggang sa bumukas ang bintana ng kotse at bumulaga sa akin ang isang lalaking may edad na.
“Magkano ang isang gabi mo?” tanong sa akin ng matandang lalaki edad.
“Pasensya na po, lolo, ang totoo niyan ay pumipili po ako ng customer ko, ang gusto po ay malakas ang tuhod,” baliw na sagot ko sa matanda.
Nakita kong dumilim ang mukha nito. Ngunit hindi na nagsalita at umalis na sa aking harapan.
Mayamaya pa’y may huminto na naman na kotse sa harap ko. At mukhang mayaman na naman ang nakasakay sa loob.
Mayamaya pa’y dahan-dahang bumukas ang bintana ng kotse. Ngunit gusto kong maglaho na lamang na parang bula nang tumambad sa harapan ko si Wallace Barnes.
Bakit nandito ito? Akala ko ba’y roon ito matutulog sa bahay na inuupahan ko?
“Iyan ba ang trabaho mo, Hazel?!”
Biglang lumuwa ang mga mata ko dahil nakilala pa rin ako kahit makapal na ang pagkaka-makeup ko sa aking mukha. May nunal na nga ako sa aking noo.
“Answer me! Isa ka bang pick up girl sa gabi!” sigaw na nito at halos magbuga ng apoy ang mga titig nitong nanlilisik sa akin.
My Gosh! Ano’ng isasagot ko rito?