The Princess Of Judgement-5

1242 Words
The Princess Of Judgement-5 "Para sa ano to?" iisang tanong ng bawat kababaihan. Nagsigawan ang lahat at ramdam na ang tension at takot ng bawat isa sa kanila nang makitang may limang Lion ang nagsilabasan mula sa ilalim ng lupa, tila may kulungan talaga ang mga lion doon at nakatakda talagang ang mga lion na 'yon para sumalubong sa kanila. Kitang kitang ang mga pangil ng mga lion at handang-handa ng lumapa sa kanila. Malaki at malawak ang rehas kaya maypagakakatong tumakbo ang iba, Habang sa taas naman, ay tanaw tanaw ni Haviriya ang pitong prinsipeng nanonood sa kanila, takip bibig namang kinabahan ang prinsesang si Hara at nanginginig ang kanyang tuhod, parang s'ya ang natatakot para sa mga babaeng nasa ibaba. "I- I- ilabas n'yo yan! Ilabas n'yo yan!" utos ng prinsesa na ilabas ang mga lion sa loob ng rehas. "Princess, manood ka nalang. Dahil nag-uumpisa palang ang kasiyahan," sambit ni Guken na halatang sabik na sabik ng makakita ng pagdanak ng dugo. "Kuya, kawawa sila! Pakawalan mo sila!" pangungulit pa nito sa kapatid. Napatago na lang si Hara sa likod ng kanyang kapatid ng lapain na ng isang Lion ang isang dalaga. Hinapuhap na lang ni Lou ang kamay ng kanyang kapatid. Habang si Guken at Shi at Chao naman ay aliw na aliw sa kanilang mga nakikita. Sa 40 babaeng nasa baba ay 30 nalang ang buhay. Galit na galit ang lion na nasa harap ni Haviriya, kahit anong oras ay handa na itong lumapa sa kanya. Paatras na humakbang si Haviriya habang mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa kanyang punyal. The lion growl at her. Senyales na tumakbo na s'ya, inakyat ni Haviriya ang rehas hanggang sa tuktok at nagpatihulog sa sa likod ng lion sabay baon ng kanyang punyal sa leeg ng lion. Bumagsak ang lion kasama s'ya, nakita ng mga kababaihan kung paano pinatay ng dalaga ang Lion kaya lahat ng mga babaeng natitira ay sa likod n'ya nagtago. Lahat naman ng lion ay nasa harap na ng dalaga. Sa babaeng gaya n'ya na sanay mangaso ay madali lang para sa kanya ang pumatay ng hayop, pero ang kalabanin ang lion ay kakaibang pagsubok. Umiingos ang lahat ng babae at sumisigaw ng "ayoko na, uuwi nalang ako!" "Tulong! Ayaw namin rito! Pakiusap pakawalan n'yo kami!" samot saring sarigawan. Nanlaki naman din ang mga mata ng tatlong prinsipe, nagpakawala ito ng isang senyales, lumapit naman ang dalawang malalaking kalalakihan at binuksan ang rehas at pinakawan ang mga babae, lalabas din sana si Haviriya ng itinulak s'ya ng isang lalaki pabalik sa loob, natumba s'ya dahil sa malakas na pagkaulak sa kanya. Sa pagkatumba n'ya ay andiyan na ang mga lion sa kanyang ulohan at paanan. Sakit at kirot, at pag agos ng mga dugo mula sa kanyang kamay ang kasunod na nangyari ng lapain na ng lion ang kanyang kaliwang kamay. Pinunyal n'ya lion at nabitawan s'ya nito, nahila s'ya pababa ng lapain ng lion ang kanyang isang paa, malakas n'ya itong sinipa, at nabitawan ulit s'ya ng lion, nahila ulit s'ya pataas ng lapain ng lion ang kanyang kanang kamay. Kinuha n'ya ang kanyang punyal mula sa kanan n'yang kamay at pinunyal ang isa pang lion. Dalawang lion nalang ang natitira, mabilis s'yang bumangon hawak- hawak pa rin ang kanyang punyal. Sugat- sugat na ang kanyang balat punit punit pa ang kanyang damit, medyo hirap na s'yang tumayo pero pilit n'ya itong tiniis makaligtas lamang, ipapagamot pa n'ya ang kanyang ama at nangako s'ya sa kanyang mga kapatid na makakauwi s'yang buhay. Dalawang lion ang kanyang kaharap ngayon, at kakayanin n'ya ang hamon na 'yon. "Lumaban ka! Lumaban ka!" tudo suportang sigaw ng prinsisa kay Haviriya na s'yang kinakabahan para sa dalaga. The lions growl again, senyales ng muling pag atake. Tumakbo si Haviriya paikot ikot sa buong rehas, mabilis ang takbo ng dalaga kaya napahanga n'ya ang prinsesa, napapangiti dahil sa ipinapa-malas n'yang husay, malaki ang tiwala ni Hara na makakayanan 'yon ng babaeng kanyang pinapanood. Nang maka layo ng bahagya si Haviriya ay huminto s'ya at hinarap ang isang lion at hinihintay itong makalapit ng husto sa kanya, kinuyom n'ya ang kanyang mga kamay, nag iipon ng lakas sa kanan n'yang paa, tumalon ang lion para lapain s'ya, and she counter the lion attack by her powerful kick, sapol ang lion sa leeg. Dumagundong ang kanyang pagkakasipa sa lion, bumagsak ito sa lupa at hindi na naka galaw. The remaining one lion jumped on her too, she ran closer to the animal and bent her two knees at pinunyal ang lion na nasa kanyang ibabaw. Bumagsak ang lion, naiwang naka nganga ang mga prinsipe habang ang prinsesa ay pumalakpak sa galing ng dalaga. "Ikaw! Anong pangalan mo?" galak na tanong ni Hara. "Haviriya," sagot n'ya. Habang ang tatlong prinsipe naman ay ngitngit na ngitngit na nahahamon sa abilidad ng dalaga. "Sa gubat! Sa gubat tayo!" sabi ni Guken, masyadong matigas ang leeg ni Haviriya kaya ginigiliw n'yang makita itong mamatay. "Guken, kuya, at sa lahat ng prinsipeng andidito, sugatan ang babaeng 'yan, kailangan magamot. Ang kahilingan na ito ay regalo n'yo na lang sa akin para sa aking nalalapit na kaarawan," sabi pa nito at nagsitingan ang lahat. "Princess, masyado namang mura ang halaga ng buhay ng babaeng 'yan para iregalo sa kaarawan mo," sambit ni Chao. " 'Yan ang nais ko, kaya sundin n'yo nalang," sambit ni Hara na walang makakabali kahit sino man. Inilabas si Haviriya sa rehas at pinagpahinga, binigyan s'ya ng prinsesa ng tatlong katulong upang mag pahid sa kanya ng mga gamot. Lahat ng mga ipinahid sa kanya ay puro mamahalin, hindi iba ang tingin ng prinsesa sa kanya, si Hara ay prinsesang may awa sa kapwa, marunong tumingin ng mga nahihirapan, sa ganoong pagkatao n'ya ay malaki ang potential nito bilang isang maging mabait na Empress balang araw. Mabait rin ang kuya nitong si Lou, kaso bilang prinsipe ay kailangan nitong makitungo sa kapwa prinsipe. Nakatulog si Haviriya dahil nais n'yang itulog nalang ang pagkirot ng kanyang mga sugat, at dahil na rin sa pagod, sa kanyang pag gising ay agad s'yang napabalikwas ng nakatayo na pala ang prinsesa sa kanyang harapan. Agad n'yang iniyuko ang kanyang ulo bilang tanda ng paggalang sa nakakataas. May i-nilagay ang prinsesa sa kamay ni Haviriya. "Gamitin mo ito mamayang pagsibol ng araw, sa gubat ka nila dadalhin, delikado doon dahil maraming hayop ang pwede mong makalaban doon, at hindi lang hayop kundi pati na rin ang mga kawal ng palasyo, mag ingat ka. Sikapin mong makaligtas," sabi ng prinsesa. Tinignan ni Haviriya kung ano ang ibinigay sa kanya ng prinsesa. Isa itong maliit na may tulis na singsing. "Ka-kamahalan, masyado itong mamahalin para sa akin, hindi ko ito matatanggap" aniya at iniabot pabalik sa prinsesa ang singsing. Umiling ang prinsesa. "Sa puntong ito, kalimutan mo muna ang halaga ng gamit at pera, kung nais mo akong pasalamatan. Nais kong umuwi ka rito sa Imperyo ng buhay," sambit ng prinsesa tsaka s'ya nito iniwan. Pasikat na ang araw, kinuha na si Haviriya ng mga kawal at dinala sa gubat, pati rin ang mga babaeng kasama n'yo kahapon ay kasa-kasama n'ya rin ngayon. Masukal ang gubat, at kitang kita n'ya ang mga kawal na may pinaka-walang tigre at cheetah, mahirap ang magiging araw na ito para sa kanya, kapag nagkamali ka pa sa gubat na papasukin ay mismong ang mga espada ng mga kawal ang naghihintay para tapusin ang bawat isa sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD