Judgement-6
"Gubat Ng Kamatayan"
Pinakawalan lahat ng kababaihan at pinatakbo sa loob ng kagubatan. Isa na si Haviriya doon.
Sa bawat pag takbo nila ay pinapaulanan sila ng mga pana ng mga kawal.
Isang pana ang dumidikta sa noo ni Haviriya, magaling itong sinalo ng dalaga at hindi n'ya ito binitawan, chita at tigre ang pwede n'yang makaharap kaya hindi pwedeng wala s'yang armas. Suot suot n'ya rin ang ring weapon na ibinigay sa kanya ng prinsisa.
Takbuhan, sigawan at iyak ng mga kababaihan ang bumabalot sa kagubatan.
Sapol ng pana ang isang paa ng kasama n'yang babae, naging pagkain ito ng tigre.
Lahat ng mga babaeng bigo na protektahan ang kanilang mga sarili ay naging agahan ng mga chita at tigreng humahabol sa kanila.
Sa bawat pagtakbo at pag lingon n'ya ay umaasik ang mga dugo ng kapwa n'ya babae. Nais n'ya mang tumulong ngunit hindi s'ya bayani. Sa ganitong sitwasyon ay wala s'yang lakas upang iligtas ang ibang kababaihan, tanging sarili n'ya lamang ang kaya n'yang ipagtanggol sa ngayon. Dalawang tigre ang humahabol ngayon sa kanya, mabilis, sobrang bilis ang takbo ng tigre kaya't mas binilisan pa n'ya ang kanyang takbo, muntik pa s'yang maabot ng mga ito, tumatagaktak na ang kanyang pawis sa buo n'yang katawan.
Sa pagnganga ng tigre upang lapain s'ya ay itinusok ng dalaga patayo ang kanyang dala-dalang pana sa bibig ng tigre naiwang naka nganga ang isang tigre, malakas ang tigre kaya't sabay sa pagkabali ng pana ay sabay gilit n'ya ng ngalangala nito gamit singsing ng prinsesa, sa likod pala ng liit ng singsing ay napakqtulis pala nito.
Mabilis na namang nilapa ng isa pang tregri ang kanyang kaliwang kamay dahilan upang magbukas at mag dugo ulit ang kanyang mga sugat.
Kinuyom n'ya ang kanyang kamay sabay suntok sa leeg ng tigre, bumaon ang singsing sabay gilit. Napuno ng dugo ang kanyang mukha, naghahalo ang mga dugo sa kanyang katawan, dugo n'ya at dugo ng hayop.
"Aba magaling!" nanggigigil na sambit ni Chao, hawak-hawak ang kanyang telescope.
Suminyas s'ya sa mga kawal at nagsi-takbuhan ang mga kabayo sakay-sakay ang mga kawal pagawi kay Haviriya.
"Chao!" mariing bigkas ni Lou. "Hindi pa nagkakamali ng gubat na pinapasok ang katulong na 'yan, wala sa laro ang ginawa mo!," sabi pa nito.
"Huwag mong sabihing magtatalo tayo dahil lang sa katulong, Lou," sabat naman ni Guken na naka handa na rin ang kanyang mga kawal na sumunod sa mga kawal ni Chao.
"Okay, okay," singit naman ni Mist.
"Sumoway kayo sa patakaran kaya susuway na rin ako, mga kawal protektahan ang babaeng 'yon!" utos naman ni Mist sa kanyang hukbo.
Umaninang ang mukha ni Lou, maganda ang naisip ni Mist. Kaya nagbaba rin s'ya ng kautusan na protektahan ang dalaga. Nagsilayag na ang mga kawal ng bawat isa, tatlong hukbo para panain o gilitan ang dalaga at dalawang hukbo ang mag poprotekta.
"Lou, bakit mo ginagawa ito?" takang tanong ni Shu.
"Simple lang shu, gusto ng kapatid ko ang babaeng 'yan, kaya nais ko s'yang mabuhay, interesanteng nilalang rin s'ya, sapat na bang rason 'yon?" aniya kay shu at hindi na ito sumagot pa.
"Ikaw Mist, bakit mo ginawa 'to?" baling naman ni Shu kay Mist.
"Ang sagot ko ay kagaya lang din ng sagot ng anak ng emperador, diba Lou," anito at kapwa ngumiti ang dalawa.
Bawat panang lumilipad para kay Haviriya ay pinapana rin ng mga kawal nina Mist at Lou, nagsi-salpukan ang mga pana sa ere pero may mga pana pa ring hindi nasasalag at kailangan pa rin 'yong iwasan ni Haviriya.
Chita na naman ngayon ang humahabol sa kanya, akmang lalapain s'ya nito ng bigla nalang itong natumba, may kung sinong pumana sa chitang iyon.
Habang nagpalinga-linga s'ya ay habang tumatakbo upang tukuyin kung sino ang pumana ng chita, subalit wala sa mga kawal ang tumulong sa kanya dahil abala ang mga ito sa pakikipag pana.
"Master Yao, bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Yan Que sa kanyang heneral.
Nanonood ang dalawa at ang ilang mga kawal n'ya mula sa distansyang pagitan. Sa pampang ng kagubatan.
"Interesado ako sa babaeng 'yan Yan Que," sagot nito at muli na silang naglakbay pababa ng pampang pauwi sa Imperyo ng Tuo.
Habang sa ibaba sa Gubat Ng Kamatayan, ay bumonot na ng mga ispada ang bawat kampo. Agad itong pinigilan ni Chao habang nakasakay ito sa kabayo.
"Hindi na tayo dapat umabot sa ganyan para lang sa isang mababang katulong!" sabi pa nito at bumaba ng kabayo.
"Mga kawal! Bigyan n'yo s'ya ng espada!" utos pa nito, isang kawal ang naghagis sa dalaga ng ispada, pinulot 'yon naman 'yon ni Haviriya at bumunot ng espada si Chao.
"Chao! Hindi ba't dihado ang babaeng 'yan para sa'yo!" sabi ni Mist. "Heneral ka at magaling ka, kaya't walang laban ang babaeng 'yan kumpara sa'yo," dugtong pa ni Lou.
Ngumiti ng napakahudas si Chao.
"Kaya nga tinatawag itong gubat ng kamatayan!" sambit nito sabay atake kay Haviriya, nasalag Ito ng dalaga pero kumikirot ng husto ang kanyang mga sugat, nag u-umpisa ng manlabo ang kanyang paningin dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya, sa bawat lakas rin na kanyang binibigay ay napakaraming dugo ang tumatagas mula sa kanya.
Napaatras s'ya at kasabay noon ay pag hiwa ng espada ni Chao sa kanyang tagiliran, kasunod non ang isa pang hiwa sa kanyang likod, nasundan pa ito ng isa pa.
Biglang nag kulay pula ang balat sa tagiliran ni Haviriya, ang nakatagong tattoo n'ya.
Kasunod noon ang pag init ng kanyang buong katawan.
Humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kanyang ispada at itinaas ang kanyang ispada para sa pag atake kay Chao, hindi napaghandaan ni Chao ang biglaang pag atake ng dalaga, na alanganin si Chao dahil dapat pa ekis-ekis na sana ang dalaga pero bakit tila bigla itong muling nabuhay.
Yumuko si Chao subalit naabutan pa rin ng espada ni Haviriya ang leeg ni Chao kaya daplis itong nagkasugat sa, naputol pa ang mahaba nitong buhok sa harapan.
Nangiint ang katawan ni Haviriya na tila may kung anong init ang nabubuhay sa kanyang katawan, hindi n'ya ito maintindihan pero parang pinapasabik s'ya ng init na 'yon sa labanan.
"Ano itong nararamdaman ko!?" tanong n'ya sa kanyang sarili.
Nagalit si Chao dahil isang kahihiyan para sa isang heneral at bilang isang prinsipe ang nasugatan ng katulong lamang, at s'ya pa ang naghamon dito.
Akmang susugod sana si Haviriya ng biglang tatlong pana ang sunod-sunod na bumaon sa kanyang mga paa, nasundan pa ito ng dalawa pang pana na tumama sa kanyang balikat at kanang braso, nagmula ang mga panang 'yon mula sa panig ni Chao.
Bumagsak si Haviriya sa lupa at habol hiningang nahihirapan sa pag inda ng kanyang mga sugat at tama.
"Chao! Pandaraya na sa usapan natin ang ginawa mo!" sambit ni Lou ng makitang
Nilapitan ni Chao ang nakabulagtang dalaga. Nakangiting itinaas nito ang kanyang ispada upang putulan ng leeg si Haviriya, nang biglang isang ispada ang nag counter sa ispada nito at tumilapon ang sa malayo ang espada ng prinsipe.
"Howwww… Howwww…" mula sa isang pamilyar na tinig, nilingon ni Chao kung sino ang lalaking pumigil sa kanya.
"Yao!" mariing bigkas ni Chao sa pinakamataas na heneral sa buong Tuo Empire.
"Ikinagagalak kong muli kang makita Chao," turan naman ni Yao rito.