The Princess Of Judgement-4

1864 Words
The Princess of judgement-4 Habang nag aapoy si Mr Jung ng kanyang kalan ay narinig n'yang nagising na ang batang kanyang inampon. "Hmmmmmmmm, hmmmmmm," ani ng batang nagigising. Binitawan ni Mr Jung ang hawak n'yang pang apoy at mabilis na nilapitan ang bata at unti-unti na itong nag dilat ng mga mata. "Ka-mosta anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?" "A-anak? Si-sino?" mahinang sambit ng bata, tama nga ang hinala ni Mr Jung, walang naalala ang bata gaya ng nakalakip sa sulat. "Anak kita, ama mo ako, Haviriya ang ngalan mo at mayroon kang apat na kapatid," sagot nito. "Ka-kapatid? Ama? Haviriya?" gulong gulo n'yang sambit dahil hindi n'ya magawang kilalanan ang kanyang sarili. "Mamaya ka na mag-isip anak, kumain ka muna dahil tatlong araw ka ng walang malay," turan nito at inalalayan n'yang makabangon ang bata, hinainan n'ya ito ng makakain at binigyan ng tubig. Uminom ng tubig si Haviriya at lakas loob na nagtanong kay Mr Jung. "Ba-bakit hindi ko kayo kilala?" aniya. Hinawakan ni Mr Jung ang kanang pisngi ng bata at nginitian ito. "Kasi nangaso kayo ng kapatid mo at nahulog ka sa bangin, nabagok ang ulo mo kaya may amnesia ka ngayon," simpleng kasinungalingang sagot ni Mr Jung, hindi n'ya pwedeng sagutin ng buong katotohanan tungkol sa bata gaya ng sinasabi sa liham, may tamang panahon para kay Haviriya na malaman ang totoo, at tunay nitong pagkatao dahil kusang babalik ang kanyang alaala sa ika dalawampu n'yang kaarawan. Nilingon ni Mr Jung ang apat n'yang anak na kararating pa lamang. "Saan kayo galing?" "Nangaso po," sagot ni Jing. Wala ng kahit anong tanong si Haviriya at nakuntento na s'ya sa mga sinabi sa kanyang ni Mr Jung na sinasabing ama raw n'ya. Naging masaya si Haviriya sa nakagisnan n'yang pamilya, lubos s'yang minahal ng lahat at makalipas ng 14 years. Si Haviriya ay 19 years old na ngayon. Sa isang masukal na gubat at sa isang malaking puno ng kahoy nakakubli ang katawan ni Haviriya, binabantayan buhay na usa. Nang biglang naapakan n'ya ang maliit na piraso ng sanggang kahoy at nabali ito at lumikha ng ingay. Dahilan upang makaramdam at tumakbo Sayang ang masarap na uulamin kaya hinabol ni Haviriya ang matuling takbo ng usa. Tinalon n'ya ang nakaharang na kahoy at tumalon sa may dausdos na pampanga, akaliinin mong may sariling spike ang mga paa ni Haviriya, sa gitna ng habulan ay nakakita ang dalaga ng isang matulis na kahoy, hinablot n'ya ito habang tumatakbo, tinalon n'ya ulit isa pang nakahiga na puno ng kahoy at tinalon usa at sinunggaban ito. Nangisay ang hayop at binuhat n'ya ito sinampay sa kanyang balikat pauwi ng bahay. "Ang galing talaga ni ate kung mangaso," sabi ni Jo ng matanaw si Haviriya na may dala-dalang usa. Inilapag na ng dalaga ang kanyang huli at agad naman itong inasikaso ng kanyang dalawang kapatid. "Kamusta si ama?" aniya kay Jo. Malungkot lang na yuko ang naging sagot ni Jo sa kapatid. May malubhang sakit ang kanilang ama ngayon at kung ano man 'yon, ay hindi nila batid dahil sa mahirap lang sila at wala silang pambayad para sa manggagamot. Kadalasang manggagamot na kanyang pinagtatanungan ay kung hindi malaki kung maningil at tanging mga Maharlika lang ang ginagamot. Mahirap ang maging mahirap, kailangan mong kumayod ng sagad sa buto at minsan pa ay nababalewala rin ang paghihirap mo. Kapag mababa ang antas mo sa buhay ay mababa rin ang tingin ng karamihan sa'yo at minsan pa ay i-naapakan ka na ng iba. "Ate saan ang punta mo, bakit ka nag eempaki?" takang tanong ni Jo. "Luluwas ako, maghahanap ako ng kahit anong trabaho sa bayan, kailangan ko ng malaking sasahurin para sa pagpapagamot ni ama, kapag nagising si ama at hanapin ako, sabihin mong nasa kabilang bayan lang ako nagtatrabaho," aniya. "Bakit ate, hindi ba sa kabilang bayan ang punta mo? Wag mo sabihing pupunta ka sa imperyong 'yon!?" alala nitong sabi. "Ate, alam mo namang bali-balitang puro magsasama ang walong prinsipeng nandoon, baka hindi kana bumalik na matiwasay na humihinga, baka… ate naman, wag kanang umalis," "Mas mabuti na ang makipagsapalaran Jo, kaysa sa hintayin na lang nating malagutan ng hininga si ama, hindi ko kaya 'yon," sabi pa n'ya at lumabas ng silid, sa labas ay nagtatalo pa rin ang dalawa. Nakita naman sila ng tatlo pa nilang kapatid na may mga dala-dalang mangkok. "Saan ang punta mo?" usisa ni Jing, ang panganay sa lahat. Maging ang dalawa pa n'yang kapatid ay bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka. "Ate, luluwas ako, magtatrabaho ako sa Imperyo ng Tuo," sagot n'ya. "Hindi ka aalis!" sabay bagsak nito ng mangkok. "Haviriya, hindi ka aalis, hindi ka luluwas sa imperyong 'yon, hindi pwede!" may kataasang tunong sabi nito. Subalit sa kabila ng pagtatalo at pagpipigil sa dalaga ay hindi ito nakinig, bagkus ay kinausap n'ya ang kanyang mga kapatid, labag man ang kalooban ng lahat sa nais ng dalaga ay wala pa rin silang nagawa upang pigilan ito. Sa bayan may isang kalesa doon na sakayan ng mga babaeng gustong maging katulong sa Imperyo ng Tuo. Lumapit s'ya sa lalaki at nakipag-usap doon, kasunod nun ay pinapasok na s'ya sa kalesa ng mga magiging katulong ng imperyo. Sa loob ng kalesa ay maraming babaeng nandoon, mga babaeng gaya n'ya ay nakikipagsapalaran rin. Sa imperyo kasi ng Tuo, kapag nakaligtas ka sa pagsubok ay ganap kang maging maid ng imperyo, at sa Imperyo ay may walong prince at sa walong prince ay may kanya-kanyang palasyo at angkan. Kapag kasi naging katulong ka doon at nagustuhan ka ng kahit sinong prinsipe ay tataas ang antas mo sa buhay, pwede ka maging asawa o kabit. Kabit man ay ayos lang, ikinararangal ng mga babae doon ang maging prince concubine. Lou yang- first prince and a young master, son of the Emperor. Hara yang-sister of Lou, and a young princess and daughter of the emperor. Yao Tsuka- First prince ng first branch, young general and a high rank prince na pinagkakatiwalaan ng emperor. Kujie fu- 2nd prince Chao Que- 3rd prince Li Hou- 4 prince Mist Shu-5 prince Shi Yu-6 prince Guken Yen- 7 prince Lahat sila ay mga heneral ng bawat angkan. Lahat sila ay puro taga pagmana ng bawat lahi. Nang mapuno na ang kalesa agad na itong lumarga patungong Tuo Empire. Habang sa Imperyo naman ng palasyo ay napansin ni Lou Yang na matamlay na nanampiling ang kanyang kapatid sa balkonahe at malungkot ang wangis nito. Kumoha si Lou ng balahibong pakpak ng manok at kiniliti ito sa tenga ng prinsesa. Subalit walang talab ang kanyang pangungulit, iwinaksi lang nito ang balahibo at muling nanampiling. Huminga ng malalim si Lou at sumandal sa poste ng balkonahe at natatawang tinititigan ang kanyang kapatid. "Tsk, tsk," ani ni Lou. "Ahh, apat na araw lang na wala si Yao ie para ka ng iniwan ng buong angkan ah," sabi pa nito. Maktol na pinagcross ni Hara ang kanyang mga kamay at bagnot na humarap sa kapatid. "Paano ako hindi magiging ganito, kinausap ko ang ama natin na gusto kong sumama kay Yao, pero hindi ako pinayagan. Gusto ko rin sanang makasama kay Yao para makausap ko rin ang emperor ng bago nating kaalyansa, pero, pero, wala!" sagot nito tsaka nanampiling ulit. Tumawa si Lou dahil napaka-cute ng kanyang kapatid, hindi man nito sabihin ang totoo ay alam n'yang may pagtatanging pagtingin si Hara para kay Yao. "Hindi naman ang makausap ang emperor ng bago nating kaalyansa ang pakay mo ie, kundi ang makasama si Yao," panunukso pa n'ya rito. Irap ang naging unang sagot ni Hara kay Lou. "Ah, basta!" maktol na sagot ni Hara at padabog na humakbang palayo sa kanyang kuya. "Lou! Lou!" tawag ni Mist sa kaibigan at kasama pa nito ang apat na prinsipi na sina Chao, Kujie, Shi, at Guken. Nilingon ni Lou ang mga ito, at ng marinig ng prinsesa ang tinig ng mga prinsipe ay bumalik s'ya sa kanyang mga yapak. "Dumating na ba si Yao?" excited n'yang tanong sa mga lalaki. Nalongkot ang mukha ni Mist ng si Yao na naman ang unang sinambit ng prinsesa. "Wala pa si Yao, bukas pa ang dating n'ya," sagot ni Shu. The princess pouted his lips na kinagigiliwan naman ng mga mata ni Mist, mas lalo tuloy na nabibihag ng prinsesa ang kanyang puso. "Kung ganon, ano na naman ang sadya n'yo dito sa kuya ko?" sunod n'yang tanong. "Lou, ngayong araw ang dating ng mga magiging katulong dito sa imperyo, kaya may libangan na naman tayo," sambit pa ni Chao. "Haaaay, haaay, papasukin ang mga katulong, walang magiging laruan sa kanila ngayon," tutul ni Lou sa nais ng iba. "Oo nga naman, wag na tayong maglaro," sagot naman ni Mist. "Ano ba Mist, Lou, lagi nalang ba kayong ganyan? Wag naman kayong maging pamatay saya, maglalaro tayo ngayon," sagot naman ni Chao. Si Chao, Shi at Guken ang mga prinsipeng masaya sa paglalaro sa mga katulong na bagong dating, mas masaya pa sila kapag may namamatay, nilapa ng Lion o kahit anong hayop sa kagubatan. Bilang prinsipe ay kailangang pakisamahan ni Lou ang nais ng iba. Hinawakan ni Hara ang braso ng kanyang kapatid. "Kuya, huwag ka ng sumama sa kanila. Dito ka na lang,"aniya sabay hinabaan ng dila ang mga prinsipi. Nagsitawanan naman ang mga ito. "Hara, hindi ka pa rin nagbabago, talagang bata ka pa rin ," sabi ni Chao. Namewang ang prinsesa dahil sa narinig at naiinis s'ya sa tabas ng dila nito. "Oi, oi, Chao! Anong bata, mag 18 na ako, hindi na ako bata," aniya sabay umikot-ikot at ipinapakita sa mga ito ang kanyang ganda. Inilagay pa n'ya ang kanyang dalawang kamay sa ibaba ng kanyang baba at lumapit kay Chao. "Sa tingin mo ba, ang ganda ko ay pambata riiiiiiiin?" malambing n'yang sabi. Muling nagtawanan ang mga prinsipi, nagsalubong naman ang mga kilay ng prinsesa, tila pinagkaisahan s'ya ng lahat. Nakitawa pa ang kanyang kuya. " 'Yang kilos mong 'yan ang nagpapatunay na bata ka pa talaga," biro ni Shi at mas lumakas ang tawanan ng lahat. Inis na lumapit si Hara sa kanyang kuya at pinaghahampas ito. "Aray! Aray! bakit ka sakin nagagalit?" tawang tawa na sambit ni Lou. "Nakikitawa ka kasi!" sagot n'ya. Nag iisang babae si Hara Yang sa Imperyo at natatanging prinsesa kaya mahal s'ya ng lahat at spoiled s'ya ng lahat, pero minsan dahil sa kanyang pagiging pikon ay napaglalaruan din s'ya ng lahat. Isinama ng mga prinsipi ang prinsisa sa paglalarong kanilang gagawin, ayaw sanang sumama nito pero dahil sa nababagot s'ya sa kakahintay sa pagdating ni Yao, ay sumama na lang s'ya sa mga ito. Kahit kailan sa paglalaro ng mga prinsipe ay ngayon lang s'ya sumama sa mga ito. Huminto na ang kalesang sinasakyan ni Haviriya, binuksan na ang telang nakatakip sa kalesa at binuksan na rin ang maliit nitong pinto. "Labas! Labas!" utos ng lalaki. Lumabas naman ang lahat ng kababaihan at dinala sila ng lalaki sa isang malaking rehas. Binigyan sila ng lalaki ng tig iisang maliit na kutsilyo, nagtaka si Haviriya kung para saan ang punyal na 'yon 'yon. "Ito na ba ang pagsubok na naririnig ko?" tanong n'ya sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD