"Tulungan natin siya para dalhin sa hospital," aniko sa kanya.
"Humingi tayo ng tulong sa guard para sa kanya," aniya timingin siya sa center mirror ng sasakyan niya.
"Okay ka lang ba?" puna ko sa pulubi na umuungol sa tabi ko.
"Okay pa ba ako sa palagay mo!?" sabat niya kumunot ang noo ko at naawang tumingin sa pulubi.
"Ew...tignan mo may kasama silang pulubi!!" girl 1.
"Nakakadiri naman sila," girl 2.
"Sinabi mo pa parang daddy nila basura na ang mommy nila pinulot pa," girl 1.
"Sinabi mo pa sayang din gwapo sana si Ash," girl 2.
"Wag mo silang lapitan," seryosong bulong niya nakitang tinikom ko ang kamay ko.
"Wo hui zou jin tamen, ting xialai wo hui xia che." galit kong sambit sa kanya nakaka-gigil sila.
(I'll just approach them, stop and I'll get out of your car.)
"Alien ba sila?" girl 2.
"May lahi yata sila alien eh.." girl 1.
"Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Jinchi," girl 2.
"Haha! Alien sila," girl 1.
"Wo bu hui weile ni de mudi er ting xialai, wo renshi ni wo hui bangzhu zhege ren qu yiyuan." sita niya sa akin.
(I will not stop for your purpose, I know you and will help this man to get to the hospital.)
"Ako na ang bahala," aniko at lumapit ako sa dalawang babae nang makababa ako sa sasakyan.
"Anong kailangan mo?" girl 2.
"Kayo." aniko tinignan ko ang dalawang babae.
"Bakit?" girl 1.
"Sasabihin ko lang naman sa inyo na hindi nyo kilala ang MAGULANG ko para pag-usapan nyo sa labas ng school," inis kong sambit sa dalawang babae.
"Anong paki mo kung pag-usapan namin at umalis ka nga baka mahawa kami sa pagka-alien nyo," girl 2.
"Aalis ako pero may iiwan ako sa inyo," galit kong sambit at sinipa ko ang dalawang babae ng isang ikot lang ang ginawa ko.
"Ouch!" girl 1.
"Bago lang kayo ganyan na kayo agad," girl 2.
Lumapit ang pangalawang babae sa akin at sasampalin na sana ako nang umiwas kaagad ako tinulak ko ang babae.
"Hindi mo ako kilala at mas matagal na ako dito," aniko hindi man lang ako hiningal sa pagsipa ko sa dalawang babae.
"What do you mean?" girl 2.
"Hui dao zheli, ta de jiao liuxue he datui rang tamen zai nali." tawag niya habang hawak ang pulubing lalaki napansin na dumudugo ang paa at hita nito.
(Come back here, his feet bleeding and thighs, let them be there.)
"Saglit! Hindi mo kilala ang binangga mo." seryosong kong sambit sa dalawang babae lumapit siya at dinala nila ang pulubi sa sasakyan.
"W—ag ny—o na ak—o dal—hin sa hospi–tal—" utal ng lalaki tumingin siya sa amin nahiya pa at napayuko.
"Dumudugo ang paa mo ma-iimpeksyon at wag kang mahiya," aniko at sinara ko ang pinto sa likod sumakay ako sa harap katabi ng kakambal ko.
"Ni gen tamen shuole shenme?" tanong niya napatingin pa sa akin.
(What did you tell them?)
"Wo dui tamen jiang de hen hao dan you yidian jinggao." aniko lumingon ako sa likod at nakitang nakatulog na ang lalaki nang lingunin ko.
(I spoke to them well with a slight warning.)
"Nagtataka ako, Jinchi nang makita mo siya kaagad mo siya tinulungan? Tipikal na maarte ka sa mga tao na ganito ang itsura." bulong niya sa akin nang tignan ako.
Nagulat siya nang marinig ang tunog ng cellphone sa bulsa niya. Tinignan niya pa ako at sumenyas na kunin ko ang cellphone sa bulsa niya.
"Anong password nito?" tanong ko nang makuha ang cellphone sa bulsa nito.
"14E***" aniya habang nakatingin ng deretso sa kalsada.
"Shoot! 'Yon pa rin pala!" aniko at sinagot ang tawag ng mommy ko sa cellphone niya nang makita ko ang caller.
Calling...
Jinchi: Mommy, si Jinchi po 'to.
Mommy: Are you still together?
Jinchi: May nakita po kaming lalaki na duguan dadalhin po muna namin sa hospital, mom.
Mommy: Ano? Bakit?! Anong nangyari sa lalaki?
Jinchi: Tutulungan lang po namin uuwi na po kami kapag dinala namin sa hospital.
Mommy: Be sure na uuwi kayo may konting party dito sa bahay naudlot kasi.
Jinchi: Sige po, ibaba ko na malapit na po kami sa hospital.
Mommy: Oay, ingat kayo sa pag-uwi.
Jinchi: Opo.
Binalik ko ang cellphone niya pagkatapos ko kausapin ang mommy namin. Pinatong ko na lang ito sa harap nang huminto na ang kotse bumaba agad ako at tumawag ng nurse.
"Heto po siya." aniko sa dalawang nurse na lalaki.
"Dalhin natin na mauubusan na siya ng dugo," wika ng nurse nang makita ang pulubi.
"Sige, sasama ba kayo?" tanong ng isa pang nurse sa amin.
"Hindi na po," aniya hinila na lang niya ako.
"Pakisabi sa lalaki na mag-ingat na lang siya." sambit ko sa nurse at sumama na sa kakambal ko.
"Kapag po hinanap kayo?" tanong ng nurse.
"Ayana kamo ang name ko," sambit ko sa nurse bago ako sumunod sa kakambal mo.
"Okay po," wika ng nurse at tinulak niya ang wheelchair kung saan nakaupo ang lalaking duguan.
"Akala ko ba hindi mo ibibigay ang 2nd name mo sa ibang tao?" tanong niya sa akin nang pinaandar na ang kotse nito.
"'Yon agad ang nasa isip ko at lumabas sa bibig ko," amin ko na lang at napaisip na rin sa ginawa ko.
Hindi ko kasi sinasabi sa iba ang pangalawang pangalan ko.
"Ihahatid kita sa bahay at uuwi na ako sa bahay," sambit niya sa akin.
"Bahala ka," aniko.
After 4 minutes
Nang makarating kami sa bahay naabutan naming inaabangan kami ng magulang namin sa may pinto nagulat pa kami binuksan ko ang pintuan ng sasakyan nang maiparada sa garahe namin.
"Saan kayo galing?" tanong ni daddy sa amin.
"May tinulungan lang po kaming tao," aniya.
"Pumasok muna kayo sa loob," wika ni mommy at humawak sa aming dalawa ng kakambal ko.
"Sinabi ko nang umiwas kayo sa anumang gulo," wika ni daddy sa aming dalawa.
"May nakita po kaming lalaking pulubi na dumudugo sa labas ng school," kwento ko sa daddy ko habang papasok kami sa loob ng bahay namin.
"Dinala nyo na ba sa hospital?" tanong ni mommy sa amin.
"Oo nga," bungad ni lola sa amin ng kakambal ko.
"Opo, nainai." wika ng kakambal ko nagmano nang lumapit sa kanya ang lola namin.
(Grandma.)
"Akala ko may ginawa na naman kayo ng gulo," bungad ni lolo sa amin.
"Wag naman sana, dad." sabat ni mommy sa lolo ko tumingin sa amin.
"Tumulong lang kami ni Jinchi, mom at dad at uuwi na ako sa bahay." aniya sa magulang namin nang bumaling ang tingin.
"Si ma'am Reyes po ang adviser namin 'yong naging teacher nyo rin, mommy." kwento ko hindi ko na mapigilang sabihin dahil sa ginawa nito sa magulang ko.
"May sinabi ba siya?" tanong ni mommy tinignan ako.
"Opo, mabuti nga hindi po pumunta sa college building si Kech, mom kung hindi 'yari na siya." sambit ng kakambal ko.
"Kumain muna tayo at si Kech baka gabihin siya may practice siya ng basketball," sabat ni mommy at nilapagan ng pop corn ang center table.
"Bakit? Anong sinabi?" tanong ni lolo sa amin.
Hindi pumayag ang magulang namin sa balak ng kakambal ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa.
"Tungkol naman kina dad nang malaman niyang anak kami ng dati niyang student," wika ng kakambal ko at tumingin sa magulang namin.
"At nagpakilala kami 'yon lang ang ginawa namin buong tatlong oras," aniko at kumuha ng pop corn.
"Hijo, sana wag mong lokohin si Elle." sabat ni mommy sa kakambal ko nang balingan niya ito ng tingin.
"Hindi ko po siya niloloko, mom." sabat ng kakambal ko sa mommy namin.
Umakyat na sila sa hagdanan papunta sa kani-kanilang kwarto.
"Kamusta na kaya siya?" tanong ko na lang sa sarili ko nang maisip niya ang lalaking tinulungan ko.