Chapter 8

2252 Words
Makalipas ng ilang araw ang pamilya namin umalis na sa hotel kung nag-celebrate ng birthday ang kapatid ko kasama ang pamilya ng ninong at ninang ko at ang biyenan, hipag ng kakambal ko. "Ash at Jinchi, kahit ayaw nyo pa bumalik sa pag-aaral in-enroll ko na ulit kayo sa bsu nanghhihiyang ako sa taon na lumipas na dapat malapit na kayo magtapos ng pag-aaral nyo." sabat ni mommy sa aming dalawa ng kakambal ko. "Wo jiang ruhe shiyong wuqi he gongsi jinxing peixun." wika ng kakambal ko sa magulang namin. (How am I training in the use of my weapon and the company.) "Kada bakasyon nyo na lang gagawin ang training sa ensayo sa armas at sa ating kumpanya," sabat ni mommy sa amin at nilapag sa mesa ang niluto nila ng katulong. "Dapat third year college na kayo sa school kung hindi kayo huminto sa pag-aaral," sabat ni daddy sa amin hindi kami nagsasalita. "Si Ayana dapat hindi sumabay sa paghinto ko tapos na siya next year," sambit ng kakambal ko sa magulang namin sinamaan ko na lang ng tingin ang kakambal ko. "Uuulitin ko pa ba ang sasabihin ko? Ash, sabay tayo lumabas sa sinapupunan ni mommy dapat sabay rin tayo magtatapos ng pag-aaral iisa ang iniisip at kahit magkaiba ang tinitibok ng puso natin." sambit ko na tumahimik na lang siya. "Ito ang binigay ni Miss Vanessa sa akin na dapat bibilhin nyo," sabat ni mommy at binigay ang folder na naglalalaman ng information tungkol sa school. One week later Second year na ako sa pagbabalik ko sa school dapat third year college na ako kung hindi kami huminto ni Ash sa pag-aaral naglalakad na ako pababa ng hagdanan. Lumakad na ako papunta sa dining area ng bahay namin naabutan kong nag-uusap ang si daddy at ang bunso kong kapatid. "Zaoshang hao!" bati ko sa lahat nang makababa ako mula sa kwarto ko. (Good morning!) "Good morning, ate!" bati ng bunso kong kapatid humalik pa sa pisngi ko. "Nasaan si Ash, dad?" tanong ko naman sa daddy ko at humalik sa pisngi pagkatapos. "Nasa taas pa yata siya hindi ba hindi siya umuwi sa bahay nila," wika ni daddy sa akin. "Dito na ulit siya titira? Paano ang bahay nila ni Elle?" naitanong ko sa daddy ko tumabi ako ng upo sa tabi ng kapatid ko. "Kumain na kayo at tatawagin ko siya," sabat ni mommy sa aming tatlo humalik din ako sa pisngi. "Sasabay pa siya sa akin sa pagpasok sa school?" tanong ko sa magulang ko. "Oo, papasok na ako sabay kami ni Sherylle sinabi ko sa kanya na babalik na ako sa pag-aaral." bungad naman ng boses na akala namin natutulog pa habang naglalakad palapit sa amin. "Hindi kayo sasabay ng girlfriend mo at sabay kayo ng kapatid mo pumasok sa school," sabat ni mommy sa kakambal ko. "Oo nga, dapat kayo ang sabay pumasok sa school parang first day nyo ulit ito." sabat ni daddy. "Susunduin ko si Sherylle," sabat ng kakambal ko naupo sa tabi ng bunsong kapatid namin. "Hindi mo siya susunduin may sarili siyang sasakyan, hindi ba." sambit ni daddy nakikinig lang ako sa kanilang argumento. "Pagkatapos mo kumain uminom ka ng gamot mo may sinat ka, Kech." sambit ni mommy sa bunso kong kapatid napabaling ang tingin ko. "Susunduin ko si Sherylle," pilit nasambit ng kakambal ko sa daddy namin lumalabas na ang pagiging hari niya. "Hindi sabay kayo ni Jinchi pumasok." seryosong sambit ni daddy sa amin. "Pero—daddy naman!" angal ng kakambal ko sa daddy namin. "Wala nang pero-pero sabay kayong dalawa ni Jinchi papasok sa school nyo." sagot ni daddy at hindi na nagsalita ang kakambal ko tumahimik nang mag-iba ang tono ng pananalita ngdaddy namin. Nang matapos mag-breakfast sumabay na ako sa bunso kong kapatid paakyat sa kwarto namin. Mabilis na kumilos ako sa loob ng kwarto para hindi mainip ang bugnutin kong kakambal. "Ash, ma-late na tayo." tawag ko sa labas ng kwarto nito nang katukin ko nang lumabas ako sa kwarto ko. "Jinchi, heto 'yong susi ng kotse dun mo na lang ako hintayin." bungad ng kakambal ko at inabot sa akin ang susi nang buksan ang pintuan. "Oo nga pala, Ash paano ang bahay nyo ni Elle kung dito ka na ulit titira?" naitanong ko bigla minasdan ko ang mukha niya ng napatigil siya. "Kada sabado at linggo dun ako isa sa bodyguard at katulong natin ang magbabantay sa bahay ko at maglilinis dun," sambit ng kakambal kilalang-kilala ko talaga siya kahit maaga siya nag-asawa kapag nagmahal dito lang mananatili. Katulad siya ni daddy kahit nasasaktan kung sino ang nagpatibok sa kanilang puso dito lang sila iibig. "Sige, bilisan mo dyan." sambit ko at bumaba sa hagdanan para dumeretso sa kotse ng kakambal ko. "Hija, ang kapatid mo?" tanong ni daddy sa akin nang magkasalubong kami. "Nasa taas pa po siya," sambit ko na lang sa daddy ko. "Ibang-iba na ang kakambal mo mula ng biglang naglaho ng parang bula ang hipag mo," sambit ni daddy sa akin. "Naging katulad ba kayo noong nag-hiwalay kayo ni mommy?" tanong ko. "Bu," sambit ni daddy sa akin natahimik naman ako. (No,) Nagpaalam na ako sa daddy ko na tatambay sa may sasakyan ng kakambal ko hindi din nagtagal lumabas na rin siya ng bahay. Hinagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan niya at sumakay na ako sa harap nakita kong chine-check pa niya ang sasakyan bago siya umikot para sumakay sa driver seat. After 6 minutes BSU Campus "Rang women kan yixia jiaoshi de bugao lan." aniko nang papasok na kami ulit sa school namin. (Let's look at the bulletin board of where will be our classroom.) "Dangran," sambit niya at kasabay kong maglakad. (Sure,) "Hon?" tawag ni Sherylle nang matanaw niya kami sa may bulletin board. "Ikaw pala, morning nandito ka." bati niya at humalik sa pisngi ng girlfriend niya. "Nang mag-text ka sa akin na hindi mo ako maihahatid ginamit ko ang sasakyan ko," wika ni Sherylle sa boyfriend niya. Ngumiti lang siya sa girlfriend niya at tumingin sa akin na nakatingin ako sa kanilang dalawa inirapan ako ng babaita! "Bakit hindi ka pumunta sa condo, kinabukasan?" tanong ni Sherylle at tumabi sa boyfriend niya. "Ash, mag-kaklase tayo ngayong 2nd year at sa 3rd floor ang classroom natin." sabat ko sa kakambal ko nang lumapit ako pagkatapos mahanap ang pangalan namin. "Sabay na tayo, hon." sabat ni Sherylle humawak sa braso ng boyfriend niya. "Hindi naman kayo mag-kaklase," sabat ko naman inirapan ko si Sherylle na nakatingin sa akin. "Let's go, hon mauna ka na sa room nyo ihahatid ako ng kapatid mo sa room ko." sambit ni Sherylle inirapan ako. "We don't have time to stay long, my sister and I are going back to school so we don't want to late in the first subject and also respect her if you want to be closer to my family, start with her," seryosong sambit niya sa girlfriend tinanggal niya ang braso sa pagkaka-hawak ng kamay sa kanya. "I'm sorry, hon." sambit ni Sherylle sa boyfriend niya lihim na inirapan niya ako na nakita ko naman. Kapag pamilya na ang agrabyado hindi mo na makikilala ang pamilya ko. "Pasok na tayo, Ash." tawag ko nang titigan ko siya. "Wait!" tawag ni Sherylle hinalikan niya sa labi ang boyfriend niya. Ang landi PDA lang humanda ka kapag bumalik si Elle hindi ito gusto ng kapatid ko ang makakuha ng atensyon sa ibang tao napapailing nang huminto kami ng kapatid ko. "Tara, Jinchi!" aya niya hinawakan niya ang kamay ko at lumakad agad nang tinulak niya ako ng mahina para lumayo ito sa kanya. "Anong nangyari?" bulong ko nilingon ko pa ang girlfriend niya at nakitang malungkot ang mukha nito. "Hindi niya alam na ayaw ko makakuha ng atensyon sa ibang tao nabigla siya hayaan mo na," sabi ni Ash sa kanyang kapatid umiwas sa mga estudyanteng naramdaman nilang tumingin sa kanila. "Wo zhidao, ta hen shangxin ta tuile ta ta bu zhidao de shi, nin bu xihuan zai gonggong changsuo shiyong PDA." aniko naman sa kanya hindi pinansin ang tingin sa kanila ng mga estudyante. (I know, she was sad you pushed her she would not know about, you dislike PDA in public place.) Umakyat kaagad kami nang marinig ang bell marami nang estudyante sa classroom na papasukan namin magkatabi na umupo kami sa may bintana. "Ash, anong gagawin mo? Sabi ni mommy na makipag-break ka sa kanya." bulong ko sa kanya nararamdaman ko ang tinginan ng mga bago naming kaklase. "Anak, hindi kita pinalaking manloko ng babae kung sino ang mahal mo 'yon lang ang dapat mong mahalin alam ko na si Elle pa rin ang mahal mo at nilalaman nyan ng puso mo kaya iwan mo si Sherylle para hindi siya masaktan lalo na kapag nalaman niyang kasal ka sa iba," sambit ni mommy sa kakambal ko magkakasama kami sa iisang mesa. "Alam ba ni Sherylle na kasal ka na?" tanong ni daddy hindi nakapagsalita ang kakambal ko sa tanong ng daddy namin. "Hindi niya alam sasabihin ko naman sa kanya ang tungkol dito kapag natanggap nyo na siya," sambit ng kakambal ko sa amin. "Kahit kailan hindi ko siya matatanggap iba ang tingin ko sa kanya kilala mo ako, anak kahit ipalit mo siya sa pwesto ni Elle bilang asawa mo hindi ko pa rin siya matatanggap." seryosong sambit ni mommy sa amin. "Parehas kami ng mommy mo at dalawa mong kapatid hindi namin siya gusto para sa'yo hindi kami nangingialam sa relasyon ng anak sa lalaki o babae pero kapag ganito na ang sitwasyon alam mo na sarili kung ano ang tinutukoy namin," sambit ni daddy sa amin. Sabay na nagkatinginan kaming dalawa nang maisip ang sinabi ng magulang namin. "Ang cute ng guy transferee?" dinig naming wika ng isang babae. "Oo nga, parang girlfriend niya ang kasama." wika ng isa pang babae. "Hindi ko siya iiwanan muna," sambit niya sa akin. "Susuwayin mo si mommy? Kilala mo siya kapag sinuway mo siya." sambit ko. "Mahal ko na siya eh!" sambit niya tumaas ang tingin ko sa kanya. "Mahal mo!? Paano na si Elle kapag bumalik siya? Pag-isipan mo 'to." bulong ko at narinig ko ang sinabi ng dalawang babae sa likuran namin. "Ayokong makipag-break sa kanya at pag-iisipan ko pa kung makikipag-annulment o divorce paper ang desisyon ko sa relasyon namin ni Elle pero kung bumalik siya at muling tumibok ang puso ko makikipag-hiwalay ako kay Sherylle pero kung naramdaman kong hindi ko na siya mahal makikipag-anulled na ako sa kanya," sambit niya at humarap sa gitna nang makita ang professor. "Bahala ka ginulo mo kasi ang buhay mo na dapat maayos na," sambit ko at tumingin na rin sa harap namin. "Class, introduce yourself." panimula ng professor sa amin. "I'm Jinchi Ayana Swellden and I'm 20." panimula ko sa buong klase at ngumiti sa lahat saka bumalik sa tabi ng kakambal ko. "And you, hijo?" tawag ng professor sa tabi ko. "I'm Ash Chen Swellden and I'm 20." aniya sa mga kaklase namin. "Ano mo si Ms. Swellden?" tanong professor tumingin siya kay Ash. "She's my twin sister," aniya sa professor. "Ang alumni dito na student ko na si Kenchie Swellden?" tanong ng professor. Naging teacher pala 'to nila daddy at mommy. "Ma'am, ako at si Jinchi ang anak niya." aniya ngumiti sa professor namin. "Ang alam ko may naging fiancee siya dito habang nag-aaral alam namin noon bestfriend lang sila ng fiancee niya," wika ng professor at pinabalik na si Ash sa tabi ko. "Anong nangyari, ma'am?" girl 3. "Hindi ko alam ang balita noon may boyfriend 'yong fiancee ni Kenchie noon at alam nyo ba nag-live-in na pala sila noon," wika ng professor sa amin nagkatinginan kaming dalawa. "Malandi pala ang fiancee ng daddy nila," girl 1. "Hindi malandi ang mommy namin!" sigaw ko at tinignan ng masama ang mga babae. "You mean, Jia Li and Kenchie Swellden ang magulang nyo?" tanong ng professor sa amin ng tignan kami hindi ako nagsalita. "Opo, ma'am." amin ko tinignan ko ang katabi ko na hindi din nagsasalita. Tumahimik ang lahat sa narinig nila mula sa akin at iniba na lang nang professor ang topic. Sinimulan na ang klase namin at binigyan kami ng bagong assigment ng teacher namin. "Class dismiss and see you tomorrow," wika ng professor sa aming lahat at tumalikod na para lumabas ng classroom. "Let's go," aya niya kaagad sa akin nang tumayo siya pwesto niya. "Malandi pala ang magulang nila," girl 1. "Ganun din sila siguro," girl 2. "Jinchi, hayaan mo." bulong niya sa tenga ko at tinulak niya ako nang lumingon ito sa dalawang babaeng nag-uusap tungkol sa magulang namin. After 3 hours Pagkatapos nang klase namin hindi na namin pinuntahan ang girlfriend niya sa classroom nito. Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa parking lot. May nakita akong pulubi at tinulungan ko ito sa pagtumba nito dahil may sugat ito sa paa at braso. Kinalabit ko ang kakambal ko para tumulong sa akin. "Tulungan natin nasagasaan yata siya," tawag ko sa kanya tinuro ko pa ang pulubi. "Wag na natin siya tulungan baka may tililing na 'yan makapatay pa tayo kapag inaway niya tayo," aniya sa akin. "Hindi kung aawayin niya tayo dapat kanina pa sa tingin ko hindi niya gagawin malinis siya tignan nawawala 'to," sambit ko. Sinakay namin ang pulubi sa loob ng sasakyan niya. "Ipalinis mo sa car wash o kay manong ang sasakyan hindi naman siya mabaho," aniko sa kanya nang ngumiwi ito at tumingin sa center mirror.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD