Chapter 5

1803 Words
Nag-text ako sa mommy ko na pauwi na ako ng bahay namin. Pagkatapos namin maligo saglit nagbihis na kaagad sa kwarto ko nang matapos binilinan ko pa ang katulong namin bago kami lumabas ng bahay at naglakad palabas ng subdivision. Naghintay kami ng ilang minuto nakakita kami ng taxi nang walang laman at pinara namin ito at kaagad kami sumakay. "Sasabihin ko ba kay mommy?" tanong ko napatingin ako kay Axelle. "Sabihin mo," wika niya sa akin. Text message Jinchi: Mommy, hindi na po kita masasamahan. Mommy (Jia): Kasama mo na ba ang kapatid mo? Jinchi: Hindi mom susubukan daw nya sumunod kasama nya ang girlfriend nya este kabit nya sa bahay naabutan ko nag-uusap. Mommy (Jia): Ano ba naman 'yan mula nang iwan sya ni Elle nang walang dahilan naging babaero na sya hindi naman sya ganyan. Jinchi: Kasama ko si Axelle, mom sya na lang ang isasama ko. Mommy (Jia): Okay lang, hija nasa trabaho pa ang daddy nyo pupuntahan ko na lang sya dun. Jinchi: Kasama ko si Axelle pumunta rin sya kasi sa bahay ni Ash nakita nya ang kabit nito mabuti hindi nya sinita. Mommy (Jia): Wag na lang nya sabihin sa magulang nya ang nakita nya sa bahay ni Ash mayayari ang kapatid mo kay Emman. Jinchi: Ewan ko ba sa kanya...kausapin mo sya, mom. Mommy (Jia): Bahala sya sa buhay nya! Matanda na ang kapatid mo makinig man sya sa sasabihin ko hindi na nya susunduin. Jinchi: Dyan kami magpapalit ng damit ni Axelle, mom bago kami pupunta sa kabila. Mommy (Jia): Ok, kapag nakarating na kayo dun mag-text ka sa akin. Jinchi: Ok, pupunta sila lolo Jeo at lola Jeah? Mommy (Jia): Oo, kulang tayo wala dito ang magulang ng daddy mo busy ang lola Cheya mo at ang dalawang kapatid ng daddy mo mag-ingat kayong dalawa. Jinchi: Yeah! Mom. Mommy (Jia): Hindi ko na nga makontak kahit isa sa kanila dahil sa ka-busy natin sa negosyo. Jinchi: Opo, naka-taxi na po kami ni Axelle hindi ko dala ang sasakyan ko. Mommy (Jia): Ok, ingat. Sa kabilang dako, pagkatapos ko i-text ang mommy ko ibinalik ko sa loob ng bag ang hawak kong cellphone bago napatingin sa binatana natanaw ko ang isang binatang pulubi may natatandaan ako sa lalaking pulubi. "Dito na po tayo," sambit ko sa taxi driver nang makita ko na ang hotel. "Dito na po ba?" tanong ng taxi driver sa akin. "Huminto na po tayo," aniko na lang. "Okay," wika ng taxi driver at huminto sa tabi ng isang poste. "May damit akong dala kaya nakakapag-palit ako ng damit sa bahay nyo mamaya sa inyo ako makikitulog," wika niya nakasunod ito sa akin papasok sa loob ng hotel. "Handa ka ah..." biro ko at nilingon ko na lang siya. "Sanayan lang kapag may mall show ako," sambit niya sa akin. "Late na siguro dadating sila tito Emman at tita Alexie," aniko at lumakad na kami papasok ng hotel. "Oo, hindi naman sila pumapako sa pangako nila mahuhuli lang sila ng pagpunta," wika ni Axelle sa akin at ngumiti na lang. "Nasaan ba ang ate mo?" tanong ko na lang ulit sa kanya. "Hindi ko alam, ate kung nasaan ang ate ko wala na akong communication sa kanya." sambit niya umiwas naman siya ng tingin may tinatago siya sa amin 'yon ang hinala ko. "Weh?" birong totoo ko sa kanya. "It's true, ate 3 years mula nang umalis siya hindi na namin alam kung nasaan siya." sambit niya sa akin. "Umalis siya sa inyo ng walang pasabi? Bakit siya umalis?" tanong ko na lang sa kanya hindi namin alam kung saan hahanapin ang hipag ko. Ang hindi pa namin napupuntahan ang Canada at ibang panig ng bansa sa labas ng Pilipinas. Nasaan ka na, Elle? Hindi na lang siya sumagot at pumasok na kami sa loob ng hotel. Lumapit kaming dalawa sa receptionist at muntik na mapatili ito nang makita nito si Axelle Villa aka Axelle. Kaagad na nakapasok kami sa hall ng hotel at bumati sa mga bisita ng kapatid ko. "Daddy..mommy at Kech?" tawag ko sa loob ng hall at tinignan ko ang buong paligid. Tinabi niya ang bibit na paper bag sa may sofa at umupo siya. "Where's my parents and birthday celebrant?" tanong ko sa organizer at event host. "Umalis po silang tatlo," sabat ng event host. Tumango na lang ako at umupo ako sa tabi niya na hawak ang cellphone nito. Makalipas ng tatlong oras, dumating na ang magulang ko kasama ang lolo at lola nakasunod nito ang kapatid ko. "Tiqian shengri kuaile, xiongdi." bati ko inakbayan ko ang bunsong kapatid ko. (Advance happy birthday, bro.) "Xiexie, meimei." anito sa akin at ngumiti na lang. (Thank you, sister.) "Tita at tito, good afternoon po." bati niya bumeso sa magulang ko. "Hija, where your parent?" tanong ni mommy ngumiti na lang siya kay Axelle. "May shooting at commercial silang dalawa po pero sabi nila pupunta pa rin sila dito," sambit niya sa mommy ko. "Son, magbihis ka na sa taas." utos ni daddy sa kapatid ko at tinapik niya ito ang balikat. "Hao ba, wo yao zai zhe jia jiudian de fangjian li huan yifu." anito at umalis sa tabi ng magulang namin. (All right, I'm going to change my clothes in our room in this hotel.) "Anong oras dadating ang magulang mo, hija?" tanong ni mommy kay Axelle. "Hindi ko alam, tita but sure po na pupunta sila mahuhuli lang sila ng dating." nasambit niya. "Nainai he yeye, ni cong zhongguo da feiji qu ma?" tanong ko naman sa lola ko at yumakap ako ng mahigpit. (Grandma and Grandpa, how's your flight from China?) "May konting jetlag lang, hija." wika ni lola sa akin at yumakap na rin. "Ni de shuangbaotai zai nali?" tanong ni lolo sa akin at luminga-linga pa hinahanap niya ang kakambal ko. (Where is your twin?) "Susubukan daw niyang sumunod dito,grandpa." aniko na lang. "Tita, punta muna po ako sa loob." sabat ni Axelle tumingin sa mommy ko . "Sige lang," wika ni mommy. "Hindi ba pinuntahan mo siya sa bahay niya?" tanong ni daddy sa akin nang tignan niya ako. "Yes, dad pero sabi niya susunod lang daw siya." sambit ko sa daddy ko at tumingin ako na may kahulugan. "Mula nang iwan siya ni Elle nagbago siya," nasambit ni daddy at umiiling na lang. "Nasaan ba ang batang 'yon? Alam ba ng magulang niya ba 'to?" tanong ni lola at tumingin sa mommy ko. "Opo, pero nang magtanong ulit ako sa kanila hindi na daw nila alam kung nasaan si Elle tatlong taon na nga eh wala pa rin sila balita." sabat ni mommy sa lola ko. "Are they not worried with her daughter?" tanong ni lolo sa amin nang tumitig siya. "Nag-aalala sila panigurado pero hindi lang nila pinapakita sa tao na malungkot sila," sabat ni daddy sa amin. "Pasok na po tayo mamaya mag-sisimula ang party para kay Kech at Jon," sabat ko sa kanila. "Nandyan ba ang ninang Kecha at ninong Jong mo?" tanong ni daddy sa akin. "Wala pa po sila pero nag-text si kuya Kj na paalis na sila sa kumpanya nila," sabat ko pinakita ang text ng tinuturing na kapatid. "Good." sagot ni daddy at inakbayan niya si mommy. Nakipag-usap sina mommy at daddy sa mga malalapit na kaibigan pati sa kasosyo namin sa negosyo na imbitado. Lumapit ako kay Axelle na kausap ang isang director nakikinig lang siya. Makalipas ng apat na oras, dumating na rin sa wakas sina ninong Jong, ninang Kecha at ang dalawang anak nila-kinakapatid ko rin. "Ninang, magandang gabi po." bati ni Jon at humalik sa pisngi ni mommy. "Bro, musta?" tanong ni daddy inakbayan ang si ninong Jong. "Pupunta ba sina Vhenno?" tanong ni ninong Jong sa daddy ko. "Hindi daw busy sila sa US," sabat ni mommy sa kaibigan niya at bumeso siya kay ninang Kecha. "Ninang!" bati ni kuya Kj at yumakap sa mommy ko. "Ang gwapo mo lalo." puna ni mommy. "Salamat po, 'nang." sambit ni Kj at tumingin sa tabi niya. "Kuya, musta?" tanong ko na lang. "Okay lang, nasaan si Ash?" tanong ni kuya Kj sa akin. "Ewan ko." iling kong sambit hindi ko na alam kung nasaan siya. "Hahanapin ko na lang siya," wika ni kuya Kj pinigilan ko siya. "Hindi pa siya dumadating dito, kuya." sambit ko. "Ah okay." wika ni kuya Kj sa akin. "Jon, happy birthday sa'yo." bati ko na lang parehas halos ang birthday nila. "Salamat, ate." sambit ni Jon at ngumiti na lang. "Nasaan si Kech?" tanong ni ninong Jong sa magulang ko. "Ayun oh!" sambit ni daddy at tinuro niya ang kapatid ko. "Puntahan ko po si Kech, ninong." sabat ni Jon at lumayo na ito sa amin. "Happy birthday, hijo." bati ni daddy. "Salamat po." wika ni Jon bago tuluyang umalis sa tabi namin. Nagsimula na ang party habang nakatingin ako sa bukana ng hall. Hinihintay ko ang kapatid ko pero mali ang nakita ko kundi ang magulang ng hipag ko. Nakatambay ako sa maliit na garden ng hotel kasama ko ang lolo ko. "Hija, dadating pa ba ang kapatid mo?" bungad ni lolo ko sa tabi ko. "I don't know, lolo." amin ko bumati ako sa mga bagong dating na bisita. "Hija, magandang gabi." bungad ni tita Alexie. "Magandang gabi rin po, sir." bati ni tito Emman. "Magandang gabi rin," seryosong wika ni lolo sa kanila. "Magandang gabi rin po nasa loob po si Axelle," sabat ko. "Salamat, pasok na kami sa loob." wika ni tito Emman ngumiti na lang. "Sige po," aniko. "Halatang pagod na sila pero pumunta pa rin sila dito," nasambit ni lolo at tinignan niya ang mga bagong dating na bisita na papasok sa loob. "Opo," aniko na lang galing sila sa trabaho pwede sila umuwi para magpahinga pero pumunta pa rin sila dito. Naaawa ako sa kapatid ko pati sarili kong lovelife nalimutan ko na. "Ni you nan pengyou ma?" tanong ni lolo sa akin dahilan para mapabaling ang tingin ko. (Do you have a boyfriend?) "Yeye, wo meiyou nan pengyou." sambit ko kaagad at humawak sa baywang ng lolo ko habang naglalakad pabalik kami sa loob ng hotel. (I have no boyfriend, grandpa.) "Ninguozhe meiyou aiqing de shenghuo, nin de xiongdi you yige qizi ta de qizi likaile ta bu shuo zaijian bingqie nin meiyou lian'ai guanxi, nin shi nu tongxinglian ma?" naitanong ni lolo sa akin. (You are no love life, your brother has a wife who left him and not saying goodbye and you have no relationship, are you a lesbian?) "I am not a lesbian, maybe it is not my time to get married or maybe boyfriend and many ask me that and we will come to that situation as well, grandpa." sambit ko sa lolo ko at inaya ko na ito sa loob ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD